Chapter 120: Drag Down

759 27 2
                                    

"Ang lason na magpapabagsak sayo"
--

Dumiretso ako sa Detention Hall para ako mismo ang makakita sa pagsundo sa makasalanang si Ashe.

Hahaha. Hindi niya alam na nahulog na siya sa patibong ko.

Makikita ng lahat ng opisyal ang kasalanang nagawa niya at kahit hawak pa niya ang pwesto ng SSC, dahil ako ang nagpabagsak sakaniya, wala silang magagawa kundi ako ang ihalal doon.

Hindi siya kumain at uminom kaya parang mamamatay na rin siya.

Hindi ko talaga mapigilan ang matuwa sa nakikita ko. Malapit na ata siyang mamaalam.

"Kumusta ka na Ashe? Kailan ka mamamatay?"

"Ikaw ba ang gumawa nun? Ikaw ba ang gumawa ng lahat ng iyon at isisi sakin ang paglason sakaniya dahil sa naging away namin?"

Tss. Akala mo naman talaga may laman na ang ang utak niya.

"Oh ngayon? Ashe naman. Dapat nga patayin ka nalang diretso e. Kasi wala ka namang maroon na sign tulad nito" ipinakita ko ang id ko. "Kaya hindi nakakatakot na patayin ka. Pero dahil may posisyon ka at para makuha yan ay kailangan kong ipakita sa lahat ng opisyal ang pagkakasala mo. Kaya mas mabuting paraan na to ng pagkamatay"

Nakakaawa ang panunuyo ng mga labi niya at panghihina. Talagang napakasarap sa pakiramdam.
--

Nasa quadranggle na kami at ang lahat ay matiyagang nakatingin kay Ashe habang inaantay ang parusa sakaniya.

Pahihirapan ko siya sa harap ng lahat at pagsisihin na ako pa ang nakalaban niya.

Hindi ako nagkamali sa plano ko. Magaling pa rin si Blue para magawa niya yun kay Ashe. Hahaha. Nakakatawa.

Talaga bang ipinagkatiwala ni Ashe ang mga bagay bagay kay Lorde? Hangal.

Ipinakita ko sa lahat kung paano latiguhin si Ashe at kung paano mapunit ang damit niya sa likuran dahil sa latigo.

Napakasarap sa pakiramdam na kitang kita ng dalawang mga mata ko ang pagtulo ng dugo sa latigo.

Masarap marinig ang sigaw niya at ang halakhak ng mga tao.

Asan nga ba ang tapang na sinasabi nila sayo Ashe?

Dumating na ang lahat ng opisyal at nasaksihan ang matinding pagpapahirap kay Ashe na ngayon ay inilulublob sa tubig.

Ngayong nandito na ang mga opisyal, panahon na para kunin ang pwesto mo Ashe.

"Goodmorning Ladies and Gentlemen. As your Law and Acts Organization President ive called all of you for a cause. You are now here to witness the first execution for our last tradition. This will serve as model for all those who will not follow the rules of this empire"

Buong ngiti kong paghahayag. Pumalakpak ng malakas ang mga opisyal at sisimulan ko na ang pagtanggal sa lahat ng meron ka Ashe.

"New rules abd regulations were applied. And those rules were broke by you Ashe Delos Reyes the head of SSC and that would be a bigger conflict. You planned to kill the maroon sign holder Ms. Hazel Cartner. That is mainly your crime"

Nagpalakpakan ang lahat sa matinding paghahayag ng emcee sa kasalanan niyang kikitil sa buhay niya maya maya lang.

"At para matumbasan ang kasalanan mo ay ibibigay mo ang kapangyarihang mayroon ka sa taong nagbukas sa publiko ng kasalanang nagawa mo walang iba kundi si Ms Celena Alcantara na siya ring presidente ng LAO upang mapanatili ang kaayusan sa tradisyon"

Alam kong nasisiyahan ang mga opisyal sa nakikita nila.

"At para iharap ang mga ebidensya, tinatawagan ang mga taong nagtataglay ng matataas na posisyon na karapat dapat sa paghahanay ng mga nasabing pruweba. Tawagin natin sina, Jiro Milliares. Yohann Perez, Lorde Delos Reyes at Hazel Cartner"

Agad akong napatayo sa kinauupuan ko at tinignan si Auntie dahil sa pagkagulat. Anong ibig sabihin nito?!

Bakit sila ang nariyan at hindi ang mga Masters Turner?! Nasan sila Lincoln?!

Bakit sila ang ipinatawag?!

Anong nangyayari?! Paanong nagawa ni Yohann na makakita?!

Sinong gumawa ng gamot para sakaniya?!

Mabilis akong tinamaan ng takot habang tinitignan ang paglakad nila sa gitna at kung paano iwasan ng mga estudyanteng nandito ang mga leader ng GG.

Hindi pa rin naiaalis sa iba ang impluwensya ng GG.

Halata ko ang panginginig ni Auntie.

Hindi ito ang nasa plano namin.

Ano ang hawak nilang ebidensya?

Si Hazel. Siya lang ang nakakuntsaba namin at hindi ang GG. Kaya paano ito nangyari?

At ano ang maaari nilang iharap dito kung hindi ko naman sakanila ibinigay ang ebidensyang sisira kay Ashe?

Nagpatuloy ang pag uusig na ito habang hindi ako mapakali.

Kitang kita ko kung paano ako titigan ni Yohann at sigurado akong nakakakita na nga siya.

Si Jiro ang unang nagsalita sa mic. Ito ang kutsilyong tumarak sa likod ko nung unang gabi ng huling tradisyon na dapat ay hindi ako maaaring galawin dahil sa posisyon ko"

Hindi. Hindi maaari yun. Hindi ko magawang makapagsalita. Bakit?!

"Ito ang gamot na lumason sa akin, at binulag ako. At tinangkang patayin ang taong humahawak ng black badge"

Hindi! Hindi ako ang may gawa nun kay Yohann! Si Lincoln ang lahat ng may gawa nun!

"At ito ang ilan pang gamot na iniutos sakin upang ipainom sa lahat ng myembro ng GG. Isang patunay na ang taong iyon ay nagtangkang patayin ang GG na may hawak ng mga iniingatang posisyon"

"Teka?! Anong ginagawa niyo?!" Ginawa ni Auntie ang lahat para pahintuin sila. "Sino ang may gawa ng lahat ng yan?!"

"Ang presidente ng LAO na s--"

"Ang lahat ng nabanggit niyong pagkakasala niya ay parte na lamang ng dating patakaran. At alam kong alam niyong nabago na ito. Kaya wala ng silbi pa upang alamin at parusahan siya para sa kasalanan na iyan. Ang kailangang pagtuunan ng pansin ngayon ay ang paglabag sa patakaran na ngayon ay ipinaiiral. Tama ba ako Lady K?"

Tumango si Lady K at napagaan nun ang loob ko

"Kung ganun, ituloy ang pag uusig" banggit ni Lady K na isa sa mga pinakamataas sa loob ng BEU.

Umakyat na sa taas si Hazel Cartner at ipinakita ang isang maliit na tester tube sa unahan.

"Ito ang lason na muntik ng pumatay sa akin"

Tama. Pinatay ka ng kaaway mo na si Ashe.

"At ang lason na siya ring magpapabagsak sayo" agad akong napangiti ng makitang bumagsak na at nawalan na ng malay si Ashe. "Humanda ka ng ibigay sakin ang kapangyarihan mo, Celena Alcantara"

At parang nabingi ako sa narinig ko na tila natapos ang paghinga ko nung mga sandaling iyon.
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon