Chapter 18: Gangs of the General

1.6K 36 0
                                    

"We dont kill for pleasure, we kill for purpose. We dont fight for glory, we fight for victory. No other people can be trusted. We have four functions. But we are one gang." -GG
--

Jiro's POV

Papunta kami ngayon ng General Hall. Lugar kung saan nagmimeeting ang buong GG. Bilang may itim na badge may karapatan kaming lumabas ng putanginang eskwelahang yun.

Iisang kotse lang ang ginamit namin. Si Nelho ang nagdadrive at katabi ko siya habang nasa likod namin ang iba kong kagrupo.

Pagdating namin dun ay nandun na ang Catchers at ang Brokers na pinamumunuan nila Aizen at Yohann.

Gagong Lorde talaga to lagi nalang siyang late.

Pinindot ko ang isang part ng lamesa upang tumunog ito. Nangangahulugang andun na ang Brokers.

May isang mahabang salaming lamesa ang nasa gitna na mayroong 41 na upuan. Ang red na upuan ay para sa grupo ko, ang blue ay para kila Aizen, white para kila Yohann at black naman para kila Lorde. Kay General naman ang upuan na salamin.

Ang lamesang nasa gitna namin ay mistulang simpleng lamesa na salamin at may bulaklak sa gitna. Ang umiilaw na bulaklak na ito ay maganda ngunit pag nagtagal ay nakakahypnotize. Ang lamesa naman na salamin ay madaming gamit. Maaring tumugtog o maging isang malaking device na touch screen kung saan maaring maglagay ng mga datas doon.

"Black 11" sambit ni Lorde na dumating na pala. Ugali niya talaga ang maging late. Laging suot ni Lorde ang itim na half mask na may bungo dahilan para mata lang niya ang makita namin. Pero dahil myembro siya ng GG, sapat na rin yun para pagkatiwalaan siya.

Lumabas na rin naman si General sa lugar kung saan siya laging nanggagaling at kagaya ng dati ay suot din niya ang gintong maskara niya.

"Goodevening GG"

Bumati namin din kami sakaniya.

"Before we start, i wanna know Jiro's reason why he had to do this meeting"

Kagaya ng dati, walang kahit sinong nangahas na magbiro sa loob ng hall. Lahat nagiging seryoso. Lahat ay nagiging delikado tuwing may meeting na kagaya niyo. Meeting kung saan pinaplano kung paano makipaglaro kay Kamatayan.

"Yes" sagot ko. Lahat ay nakatingin sakin. "I know the one member of Masters Turner already"

Bakas sa mga mukha nila ang pagkatuwa mula sa sinabi ko.

"He is Ranz Mercado. 17 years old. Grade 11. New comer of BEU. He has a pink hair. And," ipinakita ko ang picture sa cellphone ko na may kuha yung panyong iyon. "A pink handkerchief with their sign"

Pumalakpak si General. Hindi ko man makita ang buong mukha niya ay alam kong natuwa siya sa sinabi ko.

"How can we make sure that the handkerchief you are talking is real?" Ginigigil nanaman ako neto nito ni Yohann e! Nakakabanas! Sarap hambalusin!

"Because i know what is fake, and what is real"

"We cant rely on that. In the matter of fact how did it came to show up for you?"

Naisip ko na yan Lorde.

"I know. But im not telling that this handkerchief is reliable. Im telling that this could be a clue. This can give us direction to go with the Masters Turner. Dahil kung iisipin, pinasadya ang mga ganitong panyo. Kung ganun paano niya nalaman ang ganitong simbolo at kung hindi sakaniya ang panyong iyon, kanino ito?"

"Jiro is right. I trust him" putol ni General sa usapan namin.

Naiintindihan ko sila. Alam ko naman na hindi lang panyo ang magiging batayan pero hindi masamang alam na namin na may isang taong humahawak ng panyong iyon.

Pero hindi lang iyon ang bagay na gusto kong sabihin ngayong meeting. May isa pa akong rason.

"And i have one thing more to tell"

Napalingon muli sila sakin at sinamantala ko na ang pagsasalita.

"That handkerchief came from a girl. Ashe Delos Reyes. 18 years old. Grade 12. Transferee and a new comer."

"And whats with that?" Alam kong nagtataka si General sa mga susunod ko pang sasabihin. Pinagisipan ko na to.

"We should protect her. Sakaniya ko nakuha ang panyo. Kilala niya ang may hawak nito p--"

"Ano ka ba Jiro?! Bakit kailangan nating protektahan ang taong hindi naman natin kilala?!"

"What do you mean?! Hindi pa ako tapos Yohann!"

"Hindi mo kailangang tapusin! Paano mo ipapaliwanag na nasa ganung klaseng eskwelahan siya?! Paano mo maipapaliwanag na nasa kaniya ang panyo ng isa sa mga Masters Turner kung totoong panyo nga iyon ng Masters Turner?! Ha Jiro?!"

"Paano kung hindi?! Paano kung biktima lang talaga siya dito? At paano kung gamitin siyang pain ng Masters Turner?! Ha?!"

Nag init na kami ni Yohann. Hindi ko na mapigil ang sarili ko mula sa pagsasalita niya ay nakaramdam ako ng galit.

"Paano lang yun Jiro! Hindi ka pa sigurado! P--"

"Parehas tayong hindi sigurado Yohann kaya wala kang karapatan na itama ang sinasabi ko!"

Walang nagsasalita bukod samin ni Yohann. Tahimik lang si Lorde at Aizen ganundin si General.

Naiintindihan ko naman si Yohann pero dapat intindihin din nila ako. Ayaw ko lang na may mapahamak pa dahil sa Masters Turner.

"Okay. Just keep an eye on her. Both of you. Then tell me if she is either a con or a pro" pagtapos sabihin ni General yun ay bumalik na kami sa katahimikan. "Now, its my turn to discuss"

Ano kaya ang gustong sabihin ni General? Para saan din ang meeting na to para sakaniya?

"GG, i just want to inform you that Masters Turner was done on the third most dangerous drug they are making last month. Bibilhin ito ng gobyerno para magamit sa mga kalaban ng bansa pero para sa masasamang tao, gagamitin nila ito sa masama rin. Havires. Yun ang pangalan nito. Kaya nitong patigilin ang pagtibok ng puso ng taong nakainom nito. At kung hindi mabibigyan ng antidote mamamatay siya at sa loob ng isang oras ay magiging abo."

Hindi ko ipinahalata pero kinabahan ako sa sinabi ni General.

Tinignan ko ang mga kagang ko. Wala pa ring reaksyon ang mata ni Lorde. Habang si Yohann naman ay nagpapaypay gamit ang puti niyang pamaypay pero si Aizen, wala manlang nagbago sa reaksyon ng mukha niya. Nakakabilib na pagkatao.

"Yohann nakagawa na ba kayo ng antidote para sa nakaraang drug na ibinigay ko?"

"Hindi pa. Masyadong kumplikado ang mga kailangan na mga gamot laban sa drugs na sinasasabi mo General"

Ilang buwan na rin kaming naghahanap ng mga antidote para sa drugs na ipinapalabas ng Masters Turner.

Dalawang bagay lang naman ang nag uugnay samin ng grupong iyon. Ang patayin nila kami o ang patayin namin sila.

Kung tutuusin, lugi kami. Kilala nila kami. Pero hindi namin sila kilala. Ni hindi namin alam kung ilan sila. Para lang kaming kumakapa sa dilim ng mga patalim.

Tanggap ko na kung ano man ang kahinatnan ng paghahanap na to, sana sa huli ay maging makabuluhan.

"You need to find it out clearly. Next week the second drug will be produced. If this happen, they can really rule the world"

Napasinghap ako sa sinabi ni General. Oo. Delikado nga ang lagay ng buhay hindi lang namin kundi sa mga tao sa labas ng eskwelahang yun.

Halata sa mukha ni Yohann ang galit habang naniningkit ang mga mata ni Lorde pero si Aizen, wala pa ring reaksyon ang mukha niya.

Anong nasa isip mo Aizen?
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon