Chapter 16: Trials

1.5K 52 0
                                        

"Ayokong malabo ang paningin mo lalo na sakin"
--

Gulat na gulat ako ng nakita ko ang mga leader ng GG. Oo. Kitang kita ko.

Nandito si Jiro. Yung Yohann. Yung Aizen. At yung Lorde. Pero nakamask pa rin siya.

At andito rin si Ranz. Atleast kahit papaano ay kilala ko siya.

Napakabigat na kaklase ko sila. Pakiramdam ko ay palaging nasa bingit ng kamatayan ang buhay ko tuwing nakikita ko ang GG. Nakakatakot nga sila. Lalo na ang may maskara na yun na si Lorde at nung nakita kong magalit si Jiro. Iba nga talaga.

Kung titignan ang mga kaklase ko ay isa lang silang normal na estudyante pero kung dadamhin mo ang mga presensya nila ay ang mga umaapoy nilang pagkatao.

Pag aaral ng mga wines ang lesson namin.

"Real assasins know how to use a knife while drinking a wine."

Knife? Wine?

Paano?

Pinatikim ang lahat ng wines samin.

Mga nasa 50 wines iyon na may pangalan sa ibaba bilang label.

"I will give you 1 hour to memorize it and ill give you your first trial for this quarter"

Tinikman ko ang lahat ng wine. Oo hindi naman siya nakakalasing pero nakakapanghilo pa rin.

Sa mga GG, parang wala lang naman ang mga yun. Pero ako, umiinit na ang tenga ko.

Si Ranz naman ay tila nag eenjoy lang sa ginagawa niya.

Matapos ang isang oras ay nagsimula na ang teacher ko sa pagbibigay ng trial.

"So, ill pick 1 wine for you to identify what label is it. To have a twist, you will have a partner. On the top of her head, we will put an apple. If you fail to answer me correctly, you need to hit the apple using a knife but be careful because it can be that person or else, youll die"

Ano?! Paano yun?! Anong ibig sabihin nito?

Isa isa kaming bumunot ng pangalan.

Michelle Bermejo.

Sino kaya siya? At sino ang nakabunot sakin?

Pinapunta na sa unahan ang tinawag ni mam at ang nabunot ng tinawag niya. Isa isang tinanong.

Ang nagkakamali ay kailangan matamaan niya ang apple o di kaya naman ang mismong tao. Kung hindi mamamatay siya.

Hindi matanggap ng utak ko na halos bumaha na ng dugo ng 4 na sa mga kaklase ko ang nakahiga sa sahig ngayon dahil sa ulo o di kaya sa leeg tumama ang mga kutsilyong hawak ng iba kong kaklase kanina.

Hindi ko na to kaya.

"Ashe,"

Ayoko ng ganito.

"Ashe!"

Napalingon ako kay Ranz na kanina pa pala ako tinatawag.

"Ako ang nakabunot sayo." Binigyan niya ako ng matamis na ngiti. "Huwag ka mag alala, hindi ako magkakamali"

Nasagot naman niya ng tama ang label ng wine kaya naman hindi nalagay sa peligro ang buhay ko.

"Salamat Ranz"

"Youre always welcome"

Tinignan ko muli ang papel na nabunot ko. Sino kaya ang Michelle Bermejo na to? Patawarin mo ako. Ako ang nakabunot sayo. Patawad.

Tinawag na ako ng teacher ko at ang nabunot ko.

Kinakabahan ako.

Ilan na ang nakahandusay sa sahig. Wala manlang nag abala na tulungan sila o bigyan ng first aid. Kakaibang eskwelahan.

"Drink that green wine, and tell me the label"

Tumikim ako ng kaunti. Alam ko ang pangalan ng wine na to pero hindi ko sigurado ang taon.

Almirtus. Anong year ba to? 1978 ba o 1979?

"Ms. Delos Reyes?"

Nakupo?! Anong gagawin ko?

"Almirtus, 19-1978"

"Youre wrong. Its 1979. Drink it all and hit your target"

Iinom pa ako? Oo si siya nakakalasing pero nakakahilo. Bukod dun, tinuruan nga kami kung paano gumamit ng baril at patalim pero hindi pa ako ganun kabihasa para matuto kung paano makatama ng target.

"Ill count, if you cant do it, ill be the one wholl kill you"

Hindi ko kayang tamaan ang apple alam ko.

Nakatingin lang ako sa babaeng ngayon ay nakatitig din sakin.

Hindi. Hindi ko kayang tamaan. Baka siya ang matamaan ko.

"One,"

Sinubukan ko naman na higpitan ang kapit sa patalim na hawak ko, pero hindi ko pa rin kaya.

"Two,"

"Ashe gawin mo na" narinig kong bumubulong si Ranz.

Hindi ko talaga kaya. Ayoko. Binitawan ko ang kutsilyong hawak ko.

"Thr--"

"Stop."

Jiro?

"Were just 49 here. One of us died a while ago. So there is one person without a partner. That is me anyway. Lets just say that my partner died instead of that girl so the game would be fair enough even i dont have one"

Jiro maraming salamat. Salamat. Hindi ko talaga kaya.

"Wow. Well that is great! Okay then"

Lumapit ako agadnkay Jiro at wala siyang ibang sinabi kundi ang umupo na daw ako.

Katabi ko naman si Ranz ngayon na pinapakalma ako.

Natapos ang klase namin. May break kaming isang oras kaya naman sinulit ko iyon para makapagpahinga.

Hindi ako sumabay kay Ranz kasi baka hanapin niya sakin ang panyo niya. Kaya papunta ako sa library ngayon para dun tanungin si Jiro.

Pagdating ko sa library may ilang mga estudyante ang naglabasan.

Nasa loob kaya si Jiro?

"Jiro?" Tawag ko sa loob kahit alam ko naman na hindi ako agad maririnig pero hindi ko siya maaninag. "Jirooo?"

"Yes?"

Ay tipaklong!

"Ay Jiro itatanong ko lang sana kung nasa iyo ba yung panyong pink? Yung hawak ko nung tradisyon?"

Hindi ko makita ang ekspresyon ng mukha niya pero natagalan siya bago magsalita.

"Kanino yun?"

Ako naman ang hindi agad nakasagot ngayon. Ano naman sakaniya kung kanino yung panyo?

"Sa kaibigan ko. Bakit ba?"

Ang hirap pag malabo ang mata. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mata niya.

"Sinong kaibigan?"

"Hindi mo naman kilala kay--"

"Sino?!"

Oo. Hindi ko makita ang ekspresyon ng mukha niya pero matapos niyang magtaas ng boses ay parang biglang uminit ang aircon na library. Nakakapangilabot.

"K-ka-kay Ranz"

"Ranz?" Tila siya napaismid sa sinabi ko. "Alam mo ba kung anong simbolo ang nasa panyong yun?! Alam mo bang muntik nanaman malagay sa panganib ang buhay mo?!"

Panganib? Ano bang meron sa panyo ni Ranz?

"Halika sumama ka sakin" hinila niya ang kamay ko at hindi ko alam kung san kami pupunta. Sa paghawak ni Jiro ng kamay ko ay naramdaman ko ang init nito sa malamig kong kamay.

San naman kaya ako dadalhin ni Jiro?

"Nabasag ang salamin mo nung nakaraan kaya magpalit ka na ng salamin mo. Ayokong malabo ang paningin mo lalo na sakin"

Bakit ba ganito magsalita to? Parang may sapi siya ngayon.
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker

Gangs Of The General (GG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon