Chapter 24: Hit

1.3K 41 0
                                    

"Let Jiro out"
--

Nelho's POV

Pinatawag kaming lahat ni General matapos makarating sakaniya ang balita ng ginawa kay Jiro.

Kinakabahan ako habang tahimik ang lahat. Pakiramdam ko ay tunog lang ng puso ko ang naririnig ko.

"Let Jiro out"

Napatingin kami lahat sakaniya. Ang inaasahan namin ay magagalit siya at sisigaw pero hindi. Kalmado siyang nagbitaw ng utos sa amin.

"G-general?" Takang takang tanong ng mga kagrupo ko.

Hindi sa tutol kami sa pagpapalabas kay Jiro pero alam naming lahat na may nagawang mali si Jiro. Alam naming lahat na bumabasag siya sa plano kaya hindi namin maintindihan ang desisyon ni General.

"I dont want anyone of you to be punished by those demons"

Tinutukoy ni General ang mga namumuno sa eskwelahan na to.

Ang mga naglagay ng panganib sa buhay namin.

"Pero General? Hindi namin kayang gawin yun?" Sambit ni Lorde na nag aalala rin mula sa mga mata niya.

"Okay" uminom si General ng wine niya at saka nagpatuloy. "If you cant do it, ill do it"

Agad umalma ang lahat at ang iba ay napatayo pa. "General! Gagawa kami ng paraan! Kami na ang bahala!"

Si Aizen ang umangkin ng paningin ko. Sa buong gang, bukod kay Lorde na hindi kita ang mukha, si Aizen din ay hindi kita ang buong pagkatao. Alam kong mapagkakatiwalaan siya pero hindi pa rin maiiwasan na magtaka ka sakaniya lalo na kung ang lahat ay sumasabog na ang reaksyon ngunit siya ay nananatiling kalmado.

Nagulat kami ng matawa si General.

"Hahaha! They are making this game good" nabasag sa mga kamay niya ang ang baso ng wine na hawak niya.

"Ill get Jiro out" nagsalita si Lorde mula sa dulo. "Out of that jail"

"That careless bullshit" sabat naman ni Yohann. Kahit ganito si Yohann alam kong makatutulong siya.

Leader sila ng kaniya kaniyang gang kaya sila ang magkakapantay. Ewan ko kung bakit ganitong tao si Aizen na hindi manlang maririnig na magsalita lalo na sa mga ganitong usapan. Nariyan lang siyang nakatingin ng walang reaksyon. Pero kung tatanungin siya ay marunong siyang sumagot.

"Make sure. I dont want to see Jiro scratched hard."

Hindi maganda ang sitwasyon ng gang. Alam kong may nagbago na. Hindi man ako sigurado sa ngayon pero alam kong malapit ko na ring malaman.

Masters Turners Hub.

Silver's POV

Nasa iisang kwarto lang kami ng mga kagang ko.

Nagpapahinga. Kulang pa ang ginawa ko kay Jiro. Hindi sapat lahat ng hagupit na nakuha niya samin.

Si Master ang namamahala ng Guidance Jail. Dito inilalagay ang mga may pagkakasala na ayon sa pagnanakaw, pam bubully, pang haharass, pangrirape at di pag galang sa mga may badges.

"Are you guys happy?" Tanong samin ni Master na halatang masaya.

Hindi pa ako masaya. Gusto kong ako mismo ang magparusa sa babaeng yun na dahilan ng pagkamatay ni Pink.

"Master? Hindi ka ba nagtataka sa naging reaksyon ni Jiro? Ako ang nagtataka at nag aalala sa iniisip niya?" May punto si White.

Sutil si Jiro pero bakit naging pabaya siya? Anong binabalak niya?

"Kung ano man ang plano niya, sa ngayon ay hindi pa mahalaga. Ang mahalaga sakin ay mailabas ang pang apat na drugs na hindi nalalaman ng GG ang antidote. Magulo sila ngayon kaya magandang tyempo ito. Lalo na at parating na ang ikalawang tradisyon"

Hindi ko na mahintay ang araw kung kailan makakaharap ko ang GG. Ang pumatay sa lahat ng malalapit sakin.

Jiro's POV

Nagising ako na nasa clinic na.

Nasa paligid ko ang buong GG. Bakas sa kilos nila ang pag aalala pero hindi sa mga mukha nila.

"Hindi pa ko patay kaya umalis na kayo" at bumalik ako sa pagkakapikit.

"Pero ako na ang papatay sayo pag inulit mo pa yun"

Gagong Yohann to. Kahit kailan pabebe e! Napaka puti kala mo babae sarap isubsob e! Mabuti naman at lumayas na sila ng gang niya.

Tumingin lang sakin si Lorde at umalis na rin.

Naiwan ang gang ni Aizen at ang gang ko.

Sumenyas ako na umalis muna ang gang ko at ganundin naman si Aizen.

Siya ang pinaka malapit kong kaibigan bukod kay Nelho. Kahit siya ang pinakamahirap basahin.

"Bakit ako napunta dito?"

"Nilabas ka ni Lorde" napakatipid niya talagang sumagot. Parang robot ang taong to. Susko po.

"Nagmeeting kayo?" Tinanguan niya lang ako habang nakalagay sa magkabilang bulsa ang mga kamay niya. "Anong pinagusapan?"

Mula sa bulsa ay inilabas niya ang isang ballpen.

"Recorded" tamad talaga siyang magkwento o kahit ano. Bakit ba Aizen? Hindi ka man lang tinuruan ng mama mo nun na magsalita?!

"Ang mahal ng salita mo Aizen. Ang sarap mong bigwasan e no"

Imbis na sumakay sa biro ko ay seryoso niyang inungkat ang isang bagay. "I know what you are planning"

Makina talaga ang utak niya. Kahit kailan ay hindi ko siya matataguan. Kahit sino hindi siya maiisahan. Matalas.

"Yes. Would you help me?"

"How" nagtatanong ba siya o nang aasar?

Nakatitig ako sa taong to na tila hindi nabiyayaan ng ekspresyon sa buhay. Naku.

Kinapa ko na rin ang papel mula sa bulsa ko dahil dun ko din isinulat ang plano ko. Mabubwisit lang din kasi ako kausapin siya ng wala siyang reaksyon e kaya sinulat ko nalang. "Teka?! Asan na yun?"

Ipinakita niya sakin ang hawak niyang papel. "Mine" nagbuntong hininga pa talaga siya bago lumabas.

Kakaiba talaga siya. Paano niya kaya yun nakuha mula sa bulsa ko?

Aizen, inaasahan kita. Hindi ako mapapanatag gawin ang plano ko hanggat hindi ko sigurado ang isasagot mo.

Ikaw ang inaasahan ko Aizen.

Bukas ko na kakausapin si General tungkol dito.

Bumalik ako sa pagkakahiga.

Kumusta na kaya ang pakiramdam ni Ashe? Mabuti na kaya siya? May masakit kaya sakaniya? Sana hindi niya nalaman na napunta ko sa Guidance Jail. Nakakahiya kasi.

Susubukan ko na sanang matulog ng magulat ako sa nakita kong pumasok.

"B-b-bakit nandito ka?"

Bigla niya akong niyakap at umiyak.

Nothing hurts more than i see her crying.
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon