Chapter 137: Loosing

639 22 9
                                        

"Kaya kayo nabubuhay, ni mama dahil sa paghihirap ko. Blue"
--

Lorde's POV

Agad kong nilapitan si General at binigyan ng pinakamalakas kong suntok.

"SABI MO IKAW ANG BAHALA! SABI MO KAYA MO! IPINAGKATIWALA KO SIYA KAHIT HINDI KO GUSTO!"

Sobrang grabe ang galit ko sakaniya na parang kayang kaya ko na siyang patayin.

Biglang nahagip ng mata ko ang kutsilyo kaya dali dali ko itong kinuha at isinaksak kay General ng harangin iyon ni Aizen ng kamay niya.

"Stop it Lorde" tumagos sa kamay ni Aizen ang kutsilyong iyon at kitang kita ko ang pagsirit ng dugo doon. Lumabas ako at walang pakialam sa kung sino ang makakasalubong ko.

Paano ko makakaya ng wala ka Ashe?! Paano ako mabubuhay dito?! Paano?!

General's POV

Habang tinitignan si Ashe na hindi ko pa ineembalsamo, ay patuloy pa rin na binabasag ang puso ko.

Nabasag ko ang baso na hawak ko nang maibigay ko lahat ang lakas ko dito.

Tumawag sakin si Aizen at nakuha ko naman ang gusto ko mula doon.

"General, they are on the oval. GG will get there too"

Tinignan ko si Ashe at hinalikan siya sa noo bago ako umalis.

"Love, ill be back soon"
--

Habang tanging ilaw lang ng buwan ang nagbibigay liwanag, ay tinahak ko ang daan kung nasan sila.

Ngayong nasa harap ko na ang sampung pangalan na nasa papel na to ay magsisimula na ako.

Bigla kong narinig na paparating si Kc at si Hazel na hangos na hangos.

"Anong balak mong gawin General?!" Nag aalalang tanong ni Kc.

Ginilitan ko ang lahat isa isa ngunit sinadya kong hindi talaga sila patayin.

Tumalsik ang mga dugo nila sa mukha ko.

Iyon ang nagpapabuhay lalo ng init sa katawan kong pahirapan sila.

Napatakip nalang sa mata si Hazel at napatulala naman si Kc sakanila habang masamang nakatitig sakin.

"Please spare us General"

Hindi ko mapapatawad ang mga taong nangahas na kalabanin ako. Dahilan para mamatay ang babaeng mahal ko.

Sa pagsabi nilang iyon ay inilabas ang nagbabagang bakal na meron kami at hawak ko ang mga iyon para ilagay sakanila.

"Sino sa Trio ang gumawa nun kay Lady Tucker?"

"Hindi namin alam General patawarin n--AAAAAAHHHHHH!!!!!!"

Sumunod naman akong tumapat sa katabi ng una kong tinanong.

"You heard my question?" Umiling siya at tila wala rin balak sabihin sakin ang gusto kong malaman.

"FUCK YOU ALL! YOURE TIRING ME! NAGPAPAKAPAGOD LANG AKO!!!"

Sa sigaw kong iyon na halos maliit lang na boses dahil sa laki ng oval ngunit punong puno ng galit.

"Sge. Ilabas lahat ng mga pinagawa ko"

Inilabas naman ng GG ang sampung kabaong na kulay Orange, simbolismo ng Trio.

"Anong gagawin mo General?!"

Hindi ko na pinansin ang tanong ni Hazel.

"Ipasok na sila lahat"

Nang maipasok ay nagsisigaw na sila.

Hindi lang basta kabaong ang ipinagawa ko, mga kabaong na unti unti nilang malalaman ang impyerno dahil sa matinding init sa loob.

"Bukas o makalawa, bago sila matagpuan ng Trio ay mga buto na sila" pero hindi pa rin natatanggal ang dingas ng galit ko.

Nasa malaking lamesa kung saan kami nagtitipon lagi kami magkakaharap ngayon ngunit kasama na rin si Kc at Hazel.

"Masyadong marahas at padalos dalos ang ginawa mo General"

Nakakapagtakang si Kc ang nakikita kong nag aalala ngayon?

"Hindi lang iyon ang magagawa ko pag napatunayan kong isa sa Trio ang gumawa nun kay Ashe"

"Natatakot ako sa mga ikinikilos mo General, baka hindi mo na makontrol yang galit mo at magamit yan ng Trio ara kalabanin ka" bigkas ni Yohann.

"Mas pagtuunan na natin ng pansin ang pagpapalabas sa mga nandito" suhestyon naman ni Hazel.

"Pag napatay ko na ang pumatay kay Ashe, saka lang ako papayag na gamitin ang dugong meron si Ashe"

"General! Makukulangan tayo sa oras? Pag nagsimula na ang panibagong taon, panibag--"

"Hindi ako papayag na gamitin niyo ang dugo niya ng hindi ko pa naoagbabayad ang gumawa sakaniya niyan. Meeting dismissed"

Nang umalis ang lahat ay tanging si Aizen lang ang natirang nakaupo.

Hindi ko mabasa kung ano ang nasa utak ni Aizen.

Hindi ko alam kung ano ang mga binabalak niya.

Kung para matulungan ba ako o para kalabanin ako. Alinman dun ay hindi ko alam.

"Aizen, sa tingin mo ba tama pa ang ginagawa ko?" Malungkot na tanong ko pero nagulat ako sa nabigkas niya.

"Hindi ko alam kung tama pa ang ginagawa mo General pero isa lang ang masasabi ko, sa oras na magawa mo na ang tungkulin mo bilang may hawak ng gintong badge, kukunin ko na ang katawan ni Ashe"

"Aizen?!" Nanginginig nanaman ako. Hindi ko alam kung bakit.

"Sa ayaw mo man at sa gusto"

Saka siya lumabas ng kwarto at tila ako nahagip ng napakalaking bagyo sa loob ng dormitoryo ko.

Ilang minuto lang na nakalabas si Aizen at si Lorde naman ang pumasok doon na wala sa meeting kanina.

Dire diretso siya hanggang sa mahawakan na ang bangkay ni Ashe.

"Anong ginagawa mo Lorde?! Huwag mo s--"

"Kukunin ko na ang katawan niya para mamalagi siya sa lugar ko!"

"Bitawan mo ang katawan ng asawa ko" maawtoridad na utos ko.

"Huwag mokong inamtayin na kalabanin ka General"

"Matagal mo na akong kinalaban, Blue"

Alam kong mula sa mga mata ni Lorde ay nagulat siya sa sinabi ko.

"Alam mo ang batas sa loob ng BEU. Walang sinuman ang may karapatang humawak sa kahit maliit na parte ng katawan ng reyna o hari o asawa ng may mga hawak ng gintong badge dahil simbolo rin ito ng kataksilan"

Unti unting lumapit sakin si Lorde at kita ko ang nag uumapaw na galit sa buong pagkatao niya.

"If that so, see you next time as my rival. Remember this, i will not come out here, without you being killed by my own hands"

Rinig kong hawak niya na ang doornob at saka ako nagpahabol ng salita.

"Kaya kayo nabubuhay, ni mama dahil sa paghihirap ko. Blue"

Pagtapos niyang makalabas ay umiyak ako habang yakap yakap si Ashe.

Paano ako lalaban kung di ko kilala ang mga makakalaban ko.

"It seems that i have nothing at all. I lost you and then, ill gonna loose GG too. Please get me there Love. Please" habang umiiyak ay hindi ko alam kung guni guni ko lang nga ba na biglang naramdaman kong may gumalaw na parte ng katawan ni Ashe?
--

Hello Mieyhatzkie-15 enjoy reading my readers 🖤

Gangs Of The General (GG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon