"She needs to be out of this school"
--"Lahat ng nakalista diyan, ipasok niyo sa kung saan sila dapat" utos ko sa mga kagang ko para parusahan lahat ng nagviolate sa eskwelahan na to.
Babalik na ako sa opisina ko at ihahanda lahat ng kailangang papeles dahil may meeting kami mamaya ng GG at ganundin sa school para pag usapan ang idadaos na tradisyon sa susunod na linggo.
"Hindi ba masyado kang malupit Lorde?"
Nakita kong nakasandal si Jiro sa isang poste at nakacross arms.
Parang bata talaga siya pag normal na Jiro kaya di mo aakalaing may malagim din siyang pagkatao.
"Dagdag pa sila sa maaari nating kaharapin sa tradisyon"
"Sabagay. Ikaw naman ang namamahala diyan pero napakalupit mo pa rin"
Habang tinitignan ko siyang palayo ay parang ayoko talaga silang bigyan ng gamot na ipinapabigay ni Master. Alam kong kaya ko naman talaga yun, pero mahirap.
Pagdating ko sa office ko ay nagkalat ang madaming gawain sa lamesa ko.
Paano ko to matatapos agad ng ilang araw lang? Gusto ko nang bumalik ng dorm at doon magpahinga. Mas makakapagpahinga ang ulo ko doon.
"Lorde, nandito si Lady M"
Bakit kaya nandito siya? Anong gusto niyang sabihin sakin?
"Sge papasukin mo siya"
Bukod kay Lady Q, kahanga hanga rin ang ugali ni Lady M. Ang talas ng utak niya at ang pagkamalihim niya ang nagdala siguro sakaniya sa posisyon niya. Kaya marahil, malapit din siya kay Aizen dahil sa pagkakapareho nila.
"Lady M" tumayo ako bilang pagbati sakaniya.
"Lorde, we need to protect our hope. Alam mo naman ang sinasabi ko hindi ba?"
Anong balak niyang gawin kay Ashe kung ganun? Balak niya bang ialis si Ashe dito? Paano?
"She needs to be out of this school"
"Paano mo gagawin yun Lady M?"
Seryoso siya sa iniisip niya at sinasabi niya. Talagang gusto niyang ilabas si Ashe? At sa tingin niya ba hindi yun malalaman ni Master?
"Hindi sa paano ko gagawin. Paano mo, gagawin" pinagdiinan niya ang salitang mo at matalim na tinignan ako. "Ikaw lang ang makakagawa nun ng hindi nalalaman ni Lincoln"
"Pero Lady M alam mong masyadong mapagmatiyag si Master sa mga ganito at lalong lalong andito si Lady Q para bantayan ang mga hakbang ko?"
"Oo alam ko yun. Pero ikaw ang sa tingin kong tamang tama sa gawain na yun. Alam kong kaya mo pag ginusto mo"
Nahihirapan nanaman ako. Naiipit ako. Kailangan ko uli mamili sa pagitan ni Ashe at kila Master.
"Lady M, alam kong hindi mo sigurado kung gagawin ko ang pinapagawa mo"
"Oo. Alam ko yun. Pero ikaw lang ang kailangan kong pagkatiwalaan ngayon" tumayo siya sa kinauupuan niya at tumalikod. "Lorde, sa pagkakataong to maipapakita mo sakin kung kanino ka talaga naglingkod"
Ashe, gustong gusto kitang ilabas dito pero, paano ko yun gagawin ng hindi ka nailalagay sa peligro.
Tulog na si Ashe pag uwi ko sa dorm.
Habang tinitignan ko siya hindi ko mapigil ang sarili ko na isipin ang mangyayari sakaniya sa susunod na araw habang nandito siya.
Hihintayin ko bang mapahamak pa siya? O dito nalang siya sa tabi ko para protektahan siya?
--
Kinabukasan hinandaan ko lang ng pagkain si Ashe at pupunta ako kay Master. Pinapatawag niya ako siguro para maidetalye niya ang paraan ng paglason ko kila Jiro.
Pagdating ko ay kami lang nanaman ang nandun. Naghahanda na talaga ang mga kagrupo ko sa tradisyon.
"Master"
"Blue. Alam kong madami kang ginagawa kaya itatanong ko na agad ang kailangan kong malaman. Saan ba banda ang dorm ni General? May gusto lang sana akong kunin"
Anong balak niyang kunin kay General? Balak niya bang ipapatay si General? Masyadong mabilis kung ganun.
"Opo. Ito po ang sketch" habang ginagawa ko ang sketch ay natigilan ako sa sinabi niya.
"Balak kong ipapatay si Ashe bago dumating ang tradisyon"
"Akala ko hindi niyo muna gagawin yun?" Nakaramdam ako ng galit at pagmamadali na ialis agad si Ashe dito bago ako pa mahuli ang lahat.
"Alam kong nahihirapan ka na Blue"
Napadiin ang pagkakalapat ng ballpen ko sa sinusulatan kong papel dahilan ng pagkapunit nito ng kaunti.
"Master" madiin kong sambit sakaniya.
Napangiti siya habang umiiling iling. Hindi ko matukoy kung sakaniya nga ba ako galit o sa sarili ko dahil kinailangan ko pang pag isipan ang alok sakin ni Lady M.
This is bullshit.
"I trust you Blue"
Umalis ako agad ng kampo namin at gumamit na ako ng kotse para mapabilis ang pagdating ko sa dorm.
Niyakap ko siya agad pagdating ko habang kumakain siya.
"Anong ginagawa mo Aizen?"
"Makinig ka sakin Ashe. Makinig ka ng maigi" parang maluluha na ako dahil wala na akong ganung kadaming panahon para mailigtas ang babaeng ito. "Iwan mo lahat ng gamit na galing sa eskwelahan na to at kukunin k--"
*ding dong*
Ano yun?
"Bub--"
"Ako na" pigil ko sakaniya sa pagtayo niya.
Dumating ang isang maroon na envelop na nagpapahiwatig na mula ito sa pamunuan ng eskwelahan na ito.
'Five days left before our kost awaited tradition. Be prepared'
"Ano yan Aizen?"
"Wala. Bumalik ka na sa pagkain mo. Lalabas lang ako. Dito kalang at wag kang lalabas. May susi ako kaya ako nalang ang magbubukas pag papasok ako"
Tumango siya at hinalikan ko siya sa noo bago umalis.
Pinuntahan ko si Lady M na nakaupo sa kaniyang paboritong upuan at mukhang inaantay niya talaga ako dahil nakahanda na ang isang tasa ng tsaa doon.
Tangina. Naalala ko tuloy si Aizen.
"Lady M, gusto kong pag usapan natin ang pagliligtas kay Ashe"
Hindi siya ngumiti o tumango manlang. Matalas siyang nakatingin sa mga mata ko at alam kong hindi ganun kabuo ang tiwala niya sakin.
"Hindi mo siya ililigtas. Poprotektahan mo lang ang magliligtas satin"
Kumirot nanaman ang dibdib ko. Tama. Siya ang kailangan namin. Kaya dapat siyang mabuhay.
"Pero Lady M, natanggap ko ang sulat na to. Ibig sabihin mahihirapan tayong ilabas siya kung isasara ang eskwelahan tatlong araw bago ang tradisyon"
"Nakaisip na ako kung paano siya ilalabas. Maaari mo yung gawin mamayang gabi. Pero siguraduhin mong ligtas siyang makakalabas"
"Sisiguraduhin ko. Paano?"
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Mystery / ThrillerThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...