Chapter 100: Power Retrieving

791 19 10
                                    

"Im sorry for not being able to protect you. Im so sorry, son"
--

Napatayo ako sa kinauupuan ko ng makita si Ashe, ay mali. Hindi si Ashe ang nakikita ko ngayon.

Kakaiba ang mga mata niya. Hindi kasing inosente ng mga mata niya dati. Iba ang pananalita niya, hindi kasing banayad ng dati. Iba ang presensya niya hindi kasing gaan ng dati. Ibang iba siya. Iba sa nakilala kong Ashe dati.

Ashe. Bakit nandito ka?

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Tanong ni Kathleen.

Naaalala ko pa ng baguhan palang si Kathleen. Tahimik siya at hindi mo kahit kailang makikitang umiyak kahit mabully pa siya ng buong eskwelahan.

Hanggang sinanay siya ni Lady K at naging mahusay rin katagalan. At ngayon ay humaharap na rin sa realidad.

"Kinukuha ang posisyong dapat ay sakin" ngisi ni Ashe.

Hindi. Hindi si Ashe ang nakikita ko ngayon. Nakakaramdam ako ng takot sakaniya kaya imposible na siya ang Ashe na kilala ko.

"Posisyon? Matagal nang hindi sayo ang posisyon na ito Ashe"

Malakas na tumawa si Ashe na tila isang biro ang sinasabi ni Kathleen. Ano ba kasi ang pumasok sa isip niya at nandito siya? Anong binabalak niya? Balak ba niyang ipahamak ang sarili niya? Si Ken nasaan siya?

Sa isang pitik lamang niya ay nakita nanaman namin ang isang makinang na blade na tumama eksaktong eksakto malapit kay Kathleen. Halos isang sentimetro nalang ay tatama iyon sa mukaha ni Kathleen.

"Ibibigay mo sakin ang posisyon o kukuhanin ko sayo?" Matapang na tanong nito.

"Hind--"

Napigil ang paghinga ko ng makita nalang na dumudugo na ang leeg ni Kathleen. Walang tigil ang pagdurugo nito na halos maligo na siya.

Kahit sanay na ako sa mga ganitong pangyayari ay parang sobrang ignorante ko sa nakita ko.

Hindi ko magawang magsalita. Hindi ako makagawa ng kongklusyon. Walang pumapasok sa isip ko kundi ang ibat iba at napakaraming tanong.

Dinala si Kathleen ng ibang organisasyon sa clinic marahil.

Walang takot o kabang umakyat si Ashe at umupo sa kinauupuan ni Kathleen kanina.

"Sa tingin ko, kailangan mo ng ituloy ang sasabihin mo" takot na takot kay Ashe ang emcee kaya wala itong nagawa kundi ang magpatuloy.

Pumalakpak ng malakas si Lady K kaya naman napukaw kaming lahat at tinignan siya na nakatayo mula sa kinauupuan niya.

"Lets welcome, the new head of SSC. That was a great job darling"

Isang mapaklang ngiti ang ibinahagi ni Ashe.

Anong kaugnayan nila?

Hindi ako makapalakpak. Nanghina at natakot ako.

Kay Ashe nga ba? O sa mga magagawa niya?

Kahit kailan hindi pumasok sa isip ko na magagawa niya yun.

Nakakatakot.
--

Pagtapos ng pagtitipon na iyon ay pumunta ako sa bagong dorm ni Ashe kung saan nakita kong nakaupo si Ken sa labas nun habang nagbabasa ng dyaryo.

Agad ko siyang sinuntok sa mukha dahilan ng pagtawa niya.

"NABABALIW KA NA BA?! PARA IPASOK MO SIYA DITO ULI?!"

Pinunasan niya ang labi niyang napaputok ng suntok ng ibinigay ko at nilukot ang dyaryong hawak niya.

"Ngayon lang kita nakitang maging ganito Lorde"

"Nasan siya?! Nasan siya ngayon Ken?! Gusto ko siyang makita!"

"Ipinag utos niya na wala akong papapasukin sa loob dahil gusto niyang magpahinga"

Hindi ko maintindihan ang init ng pakiramdam ko. Gusto kong makita siya. Gusto kong mayakap siya ng mahigpit pero paano ko yun gagawin kung hindi ko alam kung paano siya maaabot?

"Nagmamakaawa ako Ken, gusto ko siyang makausap. Madaming hirap at sakripisyo ang ginawa namin para mabuhay siya at mailabas pero bakit mo siya ipinasok uli dito?! Pinagtrayduran mo ba kami?"

"Kahit kailan hindi ko magagawang pagtrayduran ang grupong pinaglingkuran ng kapatid ko at pinag alayan niya ng buhay niya. Hindi ko magagawang pagtrayduran si Lady M na tumulong sakin para mabuhay. Kaya hindi ko magagaw--"

"Kung ganun bakit?! Bakit siya andito?! Bakit hinayaan mo siyang bumalik?!"

"Siya ang tanungin mo. Siya lang ang makakasagot niyan. At wala rin ako sa posisyon para sagutin yan"

Tumulo nalang ang luha ko dahil sa panlulumo. Hindi ko matanggap na kasama ko nanamang humihinga si Ashe dito sa loob ng mala impyernong eskwelahan na ito.

Lady M's POV

"Goodevening Lady M"

Kakaiba na ang nakikita ko sakaniya. Nawala na ang pagiging pino at banayad niya. Talagang nakakapangilabot na pagbabago.

Ano kaya ang rason niya para makipag usap sakin ng ganito?

"Goodevening SSC Head"

Nginisian niya ako at inalok ng tsaa. Ngunit hindi ko ito ginalaw. Hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ko siya o hindi. Hindi pa ako sigurado.

"Salamat sa pagtanggap sa pagimbita ko"

"Diretsahin moko at sabihin ang gusto mo. Marami pa akong gawain"

Nilagok niya ang tsaa niya at ngumiti. Matamis na ngiting nababalot ng galit.

"Give me the seal of the organization you are holding"

Ano bang sinasabi niya? Sa tingin niya ba ay ibibigay ko sakaniya iyon? Sa tingin niya ba isang simpleng bagay lang ang hinihingi niya? Hindi niya ba alam na kapangyarihan ang kahulugan ng seal na iyon?

"How dare you?"

"My office is open from 9 am to 9 pm. You an give it to me between those hours"

Tumayo na ako at akmang pipihitin ang door knob ng nagbigay siya ng mabigat na salita.

"Sa tingin ko, lahat tayo ay may tinatagong sikreto. Ano kaya ang sa iyo Lady M?"

Humarap ako sakaniya at nagsimula na akong makaramdam ng pagkainis.

"Ano bang sinasabi mo?"

Isang mapanlokong ngiti nanaman ang pinakawalan niya.

"Kung mayroong anak ang humahawak sa isang posisyon, ang taong nagsabi ng imposmasyon tungkol dito ng tama ang makakakuha ng nasabing posisyon hindi ba? Codes of BEU Article No. 187."

Bakit nanginginig ako? Bakit kinakabahan ako? Namuo ang butil butil na pawis sa aking noo at ramdam ko ang pagtulo nito ng paunti unti.

"Kaya kahit hindi mo ibigay, alam kong makukuha ko yun. Nasa saiyo kung mas gusto mong palalain ang sitwasyon"

"Dont dare me Ashe. Hindi mo ako kilala. At wag mo na akong kilalanin"

"Im not daring you. Im just asking you the seal"

Hindi ako agad nakasagot dahil parang napako ako sa kinatatayuan ko. Bakit? Paano? Paano niya nalaman? Totoo bang alam na niya?

"Im not asking you to help me. Im just asking this even just for your son's sake. For, Aizen's sake"

Hindi ko na napigilan ang kanina ko pang pinipigil.

"Lady M, please help me"

Aizen. Im so sorry for not being able to protect you. Im so sorry, son.
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon