Nullum Tellum (Gray Tucker)

754 30 25
                                    

"You must thank me for this chance"

General's Battle

General's POV

"Papasukin mo ako" malakas na sigawan ang sumagot sakin.

Pigil akong palabasin ang matinding galit na matagal na natulog sa katawan ko.

Imbis na pansinin ako at mag alala ay lalo pa siyang natawa habang sinasaktan ang taong dahilan ng pagpasok ko sa BEU.

Hindi na ako nagdalwang isip gamitin ang kapangyarihan ko na papanigin ang mga opisyal sa akin.

Itinaas ko ang kamay ko at agad nila akong pinapasok sa loob.

"Hindi mo ba alam ang patak--"

Mabilis kong nabali ang leeg niya matapos kong hawakan at pitikin yun. Oo ganun lang kadali at kabilis.

Hindi siya ang kapantay ko.

May patakaran sa Nullum Tellum na kung saan hanggat hindi naibaba sa stage ang kalaban, may malay man o wala hindi pa rin siya pwedenh magkaroon ng ibang kalaban ngunit pumayag ang opisyal sa pag hamon ko.

Nangingisay na siya ngayon na nakahandusay.

"How di you--do that?"

"Ikumusta moko kay Satanas" ginamit ko ang kanang paa ko para tuluyang tanggalin ang hininga niya gamit ang pagtapak sa litid at pulso niya sa leeg.

At ngayong patay na siya, sinipa ko siya sa labas.

Narinig ko ang mas malakas na sigawan ng mga baguhan.

"Wala siyang awa"

"Demonyo siya!"

"Generaaalll!"

Nagsimulang maglaho ang kapayapaan ng paligid ng dumating na si Lincoln at tumapak sa semento ng stadium.

"The most awaited fight will start few mom--" nagsasalita palang ang emcee ay nagpakawala na siya ng blade at walang kahirap hirap ko yung iniwasan.

Nang matapos siya ay agad siyang pumalakpak habang humahalakhak.

"BEU, in the history, the guest officials from other school give their best offers. 100 billion for the winner. It can rule the world. This is the last battle of Nullum Tellum and one of you can only have the Gold Badge of this year and will have the superior power inside the BEU"

Natatawa ako sa isip ko ng maisip ang pangakong yan na pinanghawakan ko noong panahon na hindi ko pa gamay ang BEU.

Kapangyarihan? Sila ang kukuha ng kapangyarihan at paatayin nila ang may gintong badge. Sila rin ang hahawak ng napanalunan. Kalokohan.

Mas nanginig ako sa galit.

"This is the Final Fight of Nullum Tellum. It is between General and Master. May be all be on your favor"

"I dare him to fight with no mask"

Hindi na ako nagulat sa hiling niyang iyon. Alam kong ganun ang hihingiin niya.

Pumayag ang mga opisyal sa sinabi ni Lincoln

Tinanggal na niya ang maskara niya na wala manlang pag aalala.

Alam kong dadayain moko Lincoln. Alam ko yun.

Ngayong gabi ay tatanggalin ko na ang maskara ko. Ang mukha at pagkatao kong itinago ng ilang taon para hindi ako makipagkita kay Kamatayan.

Gamit ang kanang kamay ko ay dahan dahan kong tinanggal ang aking maskara.

(For this scene play the song Disenchanted by Chemical Romance)

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon