Chapter 60: The Father

1K 30 2
                                    

"I am the father. Like it or not, i am"
--

Umaga na pala. Hindi ako maayos na nakatulog. Nakakaasar. Nag aalala kasi ako kay Aizen. Hindi naman siya ang ama nitong batang to pero bakit niya kailangang gawin? Bakit ba niya ako poprotektahan? Sinabihan ba siya ni Jiro?

Tumunog ang doorbell ni Aizen at nagmadali akong pumunta dun kung hindi niya lang hinawakan ang kamay ko.

Nanlaki ang mata ko sa pagkagulat. Hindi ko mapigilang matuwa kahit alam kong hindi ko dapat iniisip ang ganung bagay lalo na sa taong kagaya niya.

Madami siyang responsibilidad at maaring masira yun dahil sakin.

"Aizen, nagpapatawag ng meeting si Jiro"

Si Jl pala. Hindi naman siya nagsalita at tumango lang.

Sinamahan niya ako papunta sa dining room at nakita kong may nakahanda ng pagkain.

Hindi ko magawang umupo dahil sa hiya at kaba.

"Lets eat"

Totoo ba? Papangatawanan niya to? Pwede naman siyang maging ama sa bata kahit hindi niya ako ituring na ganito.

Hinila niya ang upuan ko at saka sinenyasan na umupo.

Steak, vegetable salad at gulay na ginisa ang hinanda niya. Tsaka tea na malamig.

"Sir, maram--"

"Call me Aizen"

Nabitawan ko ang tinidor dahil sa sobrang panghihina. Kahit wala siyang feelings para sakin, naattempt pa din akong mahulog sakaniya.

Hindi na ako nagsalita nun. At nagpatuloy sa pagkain.

"Whether you are outside or inside this room, call me that way. In that way they can believe that im the father of your child. Dont act like you are uneasy. There are lot of eyes watching us. Lastly, if you are in danger. Just call me. Remember the last rule" inilapag niya ang gamit niyang kutsara at tinidor. Nagulat nalang ako na tapos na pala siyang kumain. "Stay here. I need to go somewhere. No matter who it was, dont open the door. You will be at class leave. So that you can rest"

Tumango lang ako sakaniya. Kinuha niya lang ang vest niya at umalis na. Kanina pa kasi siya nakauniform.

Maiiwan ako dito? Pero kahit boring kung iisipin, masaya pa rin ako dahil nandito naman si Aizen.

May naririnig akong ingay. Ano yun?

Jiro's POV

Nag usap kami ni Aizen sa kwarto ng library.

Gusto kong malaman ang update sa ginagawa niya at kung ano pang mga nasa isip niya.

Dumating na rin siya sa wakas.

"Aizen, anong balita?"

Wala sa mukha niya ang pagod pero halata na sa katawan niya ang pangangayat at panghihina. 10 araw nalang ang natitira.

Umiling lang siya na ibig sabihin wala pa ring magandang balita tungkol sa antidote na ginagawa niya.

"About Ashe?"

"Dont worry about her. Shes alright."

"Whats your plan? Paano pag nalaman to ni Lady M?"

"Tell the gang that i need all of you to guard my dorm. Hindi nila pwedeng malaman ang tungkol kay Ashe"

May binabalak ba si Aizen? Sa tono niya meron pero sa kalagayan niya ay wala.

Masyadong delikado ang kinalalagyan niya ngayon katulad ni Ashe.

Nasa peligro sila sa ilalim ng kamay ng mga opisyal at sa kamay ng mga demonyong organisasyon na hindi na sakop ng kapangyarihan ko. Isa pa, nawala ang badge ni Aizen. Posisyon nalang niya ang meron siya.

"Basta, sabihan mo ang gang na ilihim ang tungkol dito sa ngayon"

Parang ngayon ko lang narinig si Aizen na maglihim?

"Paano siya? Dun lang siya sa dorm mo? Okay lang ba sayo?"

Hindi niya naman ako sinagot at nagpamulsa lang.

"Puta. Ayan ka nanaman! Lowbat ka nanaman e!"

"No one can harm her infront of my eye"

"Salamat sa pagtulong sakin Aizen. Salamat"

"Welcome"

Umalis na siya na parang walang nakaabang na katapusan sa huli.

Aizen, hindi ko makakalimutan lahat ng sakripisyo mo.

Aizen's POV

Tumunog ang doorbell sa office at alam ko na agad kung sino yun. Iniexpect ko na pupunta siya dito.

Tumayo ako para sa pagdating niya. Simbolo ng pag galang dahil isa siya sa mga opisyal ng eskwelahan na to.

"Aizen?! Anong nangyayari sayo!? Hindi mo na inaalala ang sarili mo?!"

Tsk. Ano ba ang namgyari sakaniya at nawala ata ang pagiging kalmado niya?

"Bakit?! Bakit kailangan mong kunin siya mula sa nakaraang tradisyon?! Bakit kailangan mong isugal ang badge mo?! Bakit mo ginagawa yun?!"

Bumalik ako sa pagkakaupo at umupo ng maayos habang nakasandal at nakapamulsa para gumaan ang pakikipag usap para sakin.

"She has the blood that we need"

Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Hindi ko rin inaasahan nung malaman ko pero alam kong kakailanganin ko siya para mailigtas ang iba.

"W-w-what do you mean?! Y-y-you can find the antidote?!"

"Yes. If i made it, dont worry, ill tell it as early as i can"

Napangiti siya at halos mapaiyak sa nalaman niya. Ang dugong meron si Ashe ay ang dugong maaaring makapagligtas samin. Kailangan ko nalang ng proseso, at ilang mga bagay na makakapagpatibay sa antidote.

Biglang malakas na kumatok si Jl sa pinto ng opisina ko.

Alam kong may hindi magandang ibabalita siya sakin.

"Aizen!" Hingal na hingal niyang ipinakita sakin ang isang dyaryo.

"Anong nandiyan?" Tanong ni Lady M na nag aalala na rin.

Alam na ng lahat ang nangyari kay Ashe.

Simulansa araw na to, maaari nang manganib ang buhay niya.

"Aizen! Gang palang naman natin ang may alam tungkol kay Ashe pero bakit nakalabas yan at nalaman pa ng lahat?!"

"Theres a traitor inside. I said it already" sagot ko.

Hindi na ako nagtataka. At inaasahan ko ang lahat ng to.

Pinaghandaan ng Masters Turner ang mga balak namin.

Sigurado akong sa pagkakataong ito, napaghandaan na nila ang pinakamalalang drugs na ilalabas nila.

Master, we will have a good game.

They cant harm that girl. For many reasons.

Para hindi magkagulo si Yohann at Jiro, she should be safe. Para magawa ko ang antidote na magliligtas sa lahat ng nandito. We need her.

"Aizen?! Anong ibig sabihin nito?!"

"Im the father of the child"

"But Aizen?! Ano bang nangyayari sayo?!" Napatayo siya sa gulat at galit na may matatapang na mata. "Aizen! Alam mo bang manganganib ang buhay mo?! Hindi ako naniniwala! Sabihin mo ang totoo sakin!"

"Im the father, like or not, i am"
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon