Chapter 69: Start

895 26 0
                                    

"Pag hindi na ito ayon sa akin, nasa panig ko pa rin ang impyerno"
--

Master's POV

"Isa lang naman ang paraan para malaman kung ano ang dahilan ni Aizen para protektahan siya hahaha"

"Kung ganun, inaasahan mo ba talaga na magpapakita si Aizen dahil sa ginawa mo?" Natatawang tanong ko habang iniinom ang mainit na kapeng nasa lamesa namin ngayon.

"Hindi ko lang inaasahan. Hinihintay ko rin"

Binalik ko ang tingin ko sa kaawa awang babaeng ito. Ano kaya ang kahihinatnan ng buhay niya?

Hahayaan ko siyang mabuhay kung may maitutulong siya sa plano ko. Pero kung wala, hindi ko kakailanganin pa ng pabigat.

"Tignan natin kung paano sila magulo ng pangyayaring ito"

Nakakabilib talaga siya. Hindi ko maisip kung anong mga tumatakbo sa isip niya dahil pabago bago ito. Malamang dahil babae.

"Kumusta si Kc? Balita ko nasa loob siya ng eskwelahan na to. Bakit mo siya hinayaan dito?"

"Ganun talaga ang kapatid mo. Hanggat may gustong malaman hindi titigil"

Hindi ko gusto ang ugali ng kapatid kong yun. Bukod sa matigas ang ulo, sobrang maldita rin at mainitin ang dugo. Pero, alam ko sa sarili kong malakas siya.

"Ayoko lang na makasira siya sa mga gusto kong mangyari"

Ngumisi siya ng napakatamis sa akin, "wag kang mag alala, umaayon pa sayo ang langit"

"Pag hindi na ito ayon sakin, nasa panig ko parin naman ang impyerno"

Malakas siyang humalakhak at binigyan ko siya ng ngiti.

"Hindi ako makapaghintay sa gagawin ni Aizen. Nakakaramdam ako ng kasiyahan tuwing naiisip ko ang gang nila. Kung hindi man si Aizen, wala ng masama kung magpunta dito ang ibang leader?"

"Aizen is best but other leaders can still be called better"

"But still, kailangan mo pa rin ang bawasan ang GG lalo nat nabawasan na kayo"

Naihinto ko ang pag inom ko ng kape habang dumaloy sa loob ko ang matinding galit. "Yes. At sisiguraduhin ko naman na ngayong gabi ay mahihirapan sila"

Kumunot ang kaniyang noo at tila hinihingi sakin ang sagot.

"Just wait ma. Pagbabayaran din naman nila ang ginawa nila sa miyembro ko. Ngayong nandito na ang second team ng grupo ko"

Pumalakpak siya ng mahina pero nakaramdam ako ng tila pang aasar sa ginagawa niya.

"Pagbutihan mo. Kasi, ang GG 40 lang pero kaya ka nilang pabagsakin kahit tulog ang General na tinutukoy nila"

Hinampas ko ang lamesa at binagsak ang tasang hawak hawak ko ngunit hindi pa rin naalis ang ngiti sakaniya.

"Anong sinasabi mo ma?! Kaya k--"

"Tama na. Kung kaya mo silang pabagsakin, dapat nakaya mo yun bago pa man nila malagasan ang grupo mo at magtawag ng back up. Wala ng matitirang alas sayo pag totoong laban na"

Nanggigigil talaga ako pag naaalala ang ginawa ni Aizen para mawalan ako ng kagrupo. Niloko niya ang lahat.

"May natitira pa akong alas"

"Sge. Sana nga maging alas mo pa rin siya hanggang sa huli"

Jiro's POV

Halos mapraning na ako ng hindi ko mahanap ang gagong Nelho na yun!

Hindi ko siya mahanap at wala sa dorm niya.

Putangina. Wala din si Joshua, si Axl at si Jl. Nasaan ang mga yun?

"Bakit wala ang mga yun?!" Mukhang nabanas din ata si Lorde sa nadatnan niya. "Hindi ko gustong mga kanang kamay ang nalilate"

Bakit nawawala sila?!

"Hindi kaya may pinuntahan lang yung mga yun?" Tanong ni Warren na parang wala sa sarili.

Tangina. Ano bang uunahin kong isipin?!

"Aizen!" Napansin ko ang pag sigaw ni Lorde kay Aizen na kanina pa pala niya tinatawag pero mukhang nawawala na ang konsentrasyon ni Aizen.

Ito ang unang beses na nakita ko siyang natataranta. Unang beses na hindi ko siya nakitang kalmado mag isip. Ngayon lang to. Hindi man maipahiwatig ng mukha niya ng buo, pero bakas pa rin dito ang pag iiba.

Aizen, anong nagyayari?

Limang araw nalang ang natitira kay Aizen pero hindi pa rin siya nakakagawa ng kongkretong antidote. Kung ganun, yun ba ang ikinakabagabag niya?

"Para saan tong meeting na to?!" Ang bilis naman mainip ni Lorde samantalang kakaupo lang niya.

Napatayo ako sa gulat ng makitang sinuntok ni Aizen si Lorde.

Gulat na gulat kaming tinititigan ang mga labi ni Lorde na dumudugo na ngayon.

Habang si Aizen ay lumabas na ng kwartong iyon. Walang malinaw na napag usapan pero nagkaroon ng napakalalim na palaisipan.

Bakit sila nawawala??
--

Isang buong gabing hindi lumabas si Aizen.

Ano kaya ang ginawa niya. Hindi ako natulog at inintay lang siyang magpakita sakin. Dahil kumikilos nanaman siya mag isa.

Alas 5 na ng umaga ng makita ko siyang palabas.

Agad ko siyang binigyan ng suntok. Hindi ko na alam kung ano ang nagtulak sakin para gawin yun dahil sa totoo lang halo halong emosyon na ang nararamdaman ko. Hindi ako galit ako galit kay Aizen pero gusto kong gawin yun dahil niloloko niya kami. Ni hindi niya sinasabi ang plano at ang mga nasa isip niya. Magkakagang kami pero ganito siya!

Tulad ng inaasahan ko hindi niya ako binigyan ng reaksyon pero nakita ko ang pamamaga ng mga mata niya.

Umiyak ba siya?

"Gago ka?! Ano bang plano mo sa buhay?! Bat mo ginawa yun kay Lorde?! Anong balak mo?! Kaysa pag usapan ang susunod na gagawin ito ang ginagawa mong gago ka?!"

Hindi pa rin siya nagsasalita pero parang nahihirapan akong huminga nung maalala ko kung anong araw ngayon.

Ngayon ang pangatlo sa huling gabi ni Aizen.

"Nagawa mo na b--"

"Not yet"

"Aizen!"

Nakapamulsa siyang tumungo at halos maiyak ako sa naiisip ko.

Maaaring mawala siya mamaya o bukas.

Ang robot na to. Nakalimutan ko na ang araw.

"I didnt make it"

Kusang tumulo ang luha ko. Gusto kong sumigaw at humiyaw sa nararamdaman ko.

Hindi pa namin alam kung nasan sila Nelho pero andito si Aizen nanganganib sa harap ko. Parang gusto kong pumatay ng tao.

Ngayon, hindi ko na alam kung ang panginginig ba na nararamdaman ko ay dulot ng galit, o lungkot, o pagsisisi.

"Saan ka pupunta ngayon?" Wala sa sarling tanong ko.

"Ill get Jl"

"Aizen?! Hindi mo naman kailangan kum-"

Lumakad na siya palayo na parang wala siyang kausap habang pinupunasan ang labi niya.
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon