Chapter 19: Masters Turner

1.4K 46 0
                                        

"Do or die. You dont need to choose. You need to act. You dont need to promise, you need to finish. If you cant value your life, we will give no mercy."- Master's Turner
--

Ranz's POV

Hays. Ang kulit naman nitong si Alice. Sabing tapos na nga kagabi e. Si Kristine naman gusto ko. Ayoko ng boring sa kama. Nakakatamad.

Nagdadrive ako ngayon para pumunta sa Turners Hub. Kung meron ang GG malamang meron din kami.

Sa dami ng babaeng natikman ko, ako na mismo tinatamad minsan.

Ito naman si Silver dinaig pa ang manliligaw sa pangungulit. Hays.

"Oh hello?!"

"Dalian mo gago!"

"Putangina mo! On the way na ko!"

Kahit ganito si Silver siya ang pinaka kasundo ko sa buong gang.

Pagdating ko dun andun na si Silver na nakaearphones. Ang iba kong kagang busy sa kaniya kaniyang ginagawang kagaguhan at yung pabidang Blue na yun wala pa rin.

"Pink! Hows life? Hindi ka ba nahirapan sa pagpasok sa school na yun?"

Love na love talaga ako ni Master hays.

"Hindi naman. Andami ko kayang back up. Pakiramdam ko nga masyado akong naispoiled e"

"Hahahaha! Nakakatuwa ka talaga! Dahil pinapasaya mo ko, ibibigay ko sayo ang pinaka gusto mong babae sa campus. Sino ba?"

Well. Sa ngayon si Kristine palang naman ang medyo naaakit ako. Wala akong mapansin na maganda. Yung iba kasi sobrang arte.

Si Ashe lang naman ang maganda para sakin.

What ang gulo ko dun ha?

"Wala pa Master! Pahinga muna ako. Kawawa na alaga ko. Napagod hahahaha"

Nagtawanan kaming lahat habang si Silver ay parang timang na wala sa mundo namin. Nasan na kaya ang Blue na yun? Lagi nalang siyang late?

"Goodafternoon Master"

Andito na ang pabidang to.

Tapos tatabi pa talaga siya sa tabi ni Silver. Sabagay parehas naman silang putol ang dila.

"Hows your work Blue?"

"Its going according to plan"

Hambog.

"Well, that is good. We are now generating the next drug to produce. Anyway, other countries are demanding more. Kulang ang naibigay nating supply sakanila kaya mas marami pa ang kailangan nating maipalabas na ganung uri ng drugs"

"Yes Master" sagot ng lahat.

"Anyway, Green ipinaasikaso ko sayo ang pag ko close ng deal sa mga congressman ng mga binigay kong lugar diba? Anong balita dun?"

"Tapos na Master. Money is mine. The orders are given"

"Well that is great by then. How about collecting the ingredients of the next drug Violet?"

"All is well"

Pumalakpak si Master at napakalawak ng ngisi niya senyales na natutuwa talaga siya.

"Gusto kong malaman kung anong mukha mayroon si General matapos nating maibigay ang isa sa mga alas natin hahahaha ano kayang susunod na plano ng GG?"

Wala pa naman sa tingin ko. Hindi pa naman nila alam ang antidote sa mga drugs na meron kami.

"The second members are in their duties kaya ipagkakatiwala ko sainyo ang natitirang ilang buwan bago makumpleto ng grupo natin ang drugs na makakapagpatakbo ng lahat. Hahahaha! Paano kaya tayo mapipigilan ng GG? Naiinip akong mag antay. Bakit kaya hindi pa sila kumikilos?"

"Kikilos na sila Master"

Napukaw agad ni Blue ang pansin ng lahat.

"Alam na nila kung sino si Pink. Naging pabaya siya"

Hindi. Hindi kaya? Sinabi ba ni Ashe na sakin ang panyong yun?

Anong sinasabi ni Blue?!

"How?" Tanong ni Master na hindi na maganda ang mukha.

"Nakita kong ibinigay ni Pink ang panyo sa isang babae nung araw ng tradisyon. Kinuha ko siya at inilayo mula sa lugar na yun dahil baka makita siya ng GG na hawak ang panyong yun dahil nakikita ko kung gaano kakonektado ang babaeng yun kay Jiro"

Alam nga niya. Hays. Ano ng gagawin ko? Bakit ba kasi alam ni Blue lahat e!

"Really? So you mean that this girl you are talking about is somehow important to Jiro?"

"Im not certain but maybe yes"

Sinamaan ko ng tingin si Blue na diretso lang na nakatingin kay Master. Nakakaasar ka Blue! Sobra!

"Pink better be careful next time" paalala ni Master sakin na hindi ko naman nakakalimutan. "As your kuya, ill give you punishment so that youll learn"

Haluh? Anong ibig sabihin ni Master?

"Dahil sa sinabi mo Blue gusto ko tuloy makipaglaro kay Jiro. Gusto kong malaman kung talagang importante nga siya. Kunin mo siya para sakin Blue" sa ngisi ni Master, alam ko ng hindi maganda ang binabalak niya.

Anong gagawin niya kay Ashe?

"Silver ikaw na ang bahalang umasikaso sa mga second gang mo. Lumipad ka papuntang Japan kung kinakailangan basta maiproduce ang kailangan kong pera para makagawa na ng susunod na drugs. Mahahanap ko rin ang may hawak ng mga antidote. At sisiguraduhin kong ako ang makikinabang sakaniya"

Kailangan puntahan ni Silver ang lahat ng mga kagang namin? Edi ang dami nun? Matagal tagal ko siyang hindi makikita. Mamimiss ko rin ang bakulaw na to.

"Ikaw na bahalang magbigay ng parusa sakaniya Black. Wag mo siyang masyadong saktan" yun ang mga huling salita ni Master bago niya lisanin ang lugar.

Ano kayang binabalak nilang paglalaro ni Blue?

Nag aalala ako para kay Ashe. Bat ba kasi hindi ako nag ingat. Paniguradong madadawit at madadawit na siya. Kasalanan ko to.

Dinala naman ako ni Black sa isang malawak na espasyo.

"10 beats" hayag nito.

Sabi nga ni Master wag akong masyadong saktan tapos 10 beats?! Hays.

Sanay naman akong mahampas ng tubo sa kamay at sa hita. Ganito ang parusa pag may nagawa kang kasalanan o kapabayaan. Katulad ng nagawa ko dahil nagpabaya ako.

Kami lang ni Black ang nandito. Ang mga kagang ko bumalik na sa school. At ako baka gabi na ako makabalik dun.

"One,"

Napaiktad ako sakit. Pero, ano kayang pinag usapan nila Master at ng mga kagrupo ko. Anong gagawin nila kay Ashe?

"Two,"

Sa gagawin niyang palo malamang lima sa mga bisig at lima sa paa. Hays. Medyo masakit na.

Hindi ko na naramdaman ang mga sumunod na pagpalo sakin pero may nararamdaman akong hindi magandang mangyayari.

"Eight" bumuntong hininga si Black at sa tingin ko ay may nasa isip siya na hindi niya lang masabi.

Hindi ko na yun inalam. Wala ako sa mood magpakagaling ngayon.

Huminto siya sa pagpalo at itinanong sakin ang isang bagay. "Pink, gaano ba kahalaga sayo ang babaeng yun para mawala sa isip mo ang kahalagahan at panganib na dala ng panyong sisimbolo sa buong grupo"

Hinampas niya ako at saka lang bumalik ang sakit na naramdaman ko kanina pero mas masakit ito ngayon.

"Paano mo nagawang ipahamak ang buong grupo dahil lang sakaniya. Sino ba siya? Sino siya Pink?"

Hanggang sa huling hampas niya ay tinatanong ko pa rin ang sarili ko kung gaano kahalaga si Ashe.

Mahalaga siya sakin. Higit pa sa lahat ng naikama kong babae.
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker

Gangs Of The General (GG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon