"If didnt found her, ill kill everyone i see!"
--Hindi ako natulog para lang mabantayan si Gray. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay kailangan kong gawin ito.
Nanunuyo na ang labi niya at medyo nangingitim na rin siya kaya hindi pa rin gumagaan ang loob ko.
Napahamak siya dahil sakin. Yun ang naiisip ko.
Natanong ko naman na kay Lorde ang maaaring gumamot sakaniya pero bakit kaya hindi ko pa nakikita ang pagbuti ng kalagayan niya?
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at madilim na sa labas.
Wala si Gray paglabas ko.
Halos walong oras ba akong nakatulog?
Nagmadali akong hanapin si Gray dahil baka anong nangyari sakaniya pero ang hangos na hangos na si Jiro ang sumalubong sakin paglabas ko.
"JIROOOO!" Malakas na tawag ko at sandali siyang lumapit sakin. "Bakit ka nagmamad--"
"Puno ng saksak si Lorde. Nasa sampu hanggang dalawampu ang natamo niyang saksak kaya kail--"
"Nasan siya ngayon?!"
"Nasa tagong kwarto ko siya. Huwag ka mag alala gagawin namin ang lahat kaso sabi ni Yohann kailangangan niya pa ng gamot dahil tumigil ang pulso ni Lorde"
Umalis na rin agad si Jiro matapos niyang sabihin iyon.
Si Gray. Si Gray lang ang naiisip kong makakagawa nun. Siya lang huling nakasamaan ni Lorde ng loob.
Nasan nga ba siya?
Hinintay ko siya sa dorm pero sa sobrang galit ko ay lumabas na ako para tanungin sana si Lady M pero pagkatok ko sa dorm niya ay nakaamoy ako ng isang nakakahilong uri ng pabango.
--Naninigas na ang katawan ko nung maramdaman kong nasa isang freezer ako.
Manhid na manhid na ang buo kong katawan.
Sobrang sakit na ng mga kamay at tuhod ko at pakiramdam ko ay mamumutok na ang mga ugat ko sa ibat ibang parte ng katawan ko.
Lorde, okay ka na ba?
Hindi ko na maramdaman ang katawan ko.
Hirap na akong makahinga. Hirap na hirap. Parang wala kong hangin na malangahap.
Bago pa man ako mawalan ng malay ay narinig ko ang tinig ng taong dahilan kung bakit ako nandito.
"Naibigay ko na ang gusto mo, ibigay mo na sakin ang gamot na magpapagaling sakaniya. Hindi magkakaroon ng patas na laban sa Nullum Tellum kung ganito ang kalagayan niya"
Sana ay magtagumpay siya.
Hazel's POV
Natutukso akong tanggalin ang maskara ni General. Gusto kong alamin kung sino siya.
Hindi siya magkakaroon ng mataas na posisyon na kapantay ng mga Ladies kung hindi siya malakas?
Hahawakan ko sana ang maskara para tanggalin ito ay narinig ko ang mahina niyang pagbulong sa pangalan ni Ashe.
Gusto nga ba talaga niya si Ashe?
Kung ano man ang namamagitan sakanila, sakanila na yun.
"Akala ko pa naman naman matutuwa ka sa sorpresa ko General"
"Ibigay mo to sakaniya"
"Lady M?"
Binigyan niya ako nv maliit na bote na may lamang kung anong likido sa loob.
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Mystery / ThrillerThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...