Chapter 6: Passed

1.6K 58 0
                                    

"Death is everwhere. Once its your turn you cant escape anymore"
--

Bigla nalang tumumba ang lalaki at nakita ko nalang na may tama siya ng isang kutsilyo sa ulo.

"Sabi ko gamitin mo di ko sinabing hawakan mo hays. Dalian mo Ashe"

Tumakbo kami ni Ranz. Kailangan naming maunahan ang iba.

Nanlaki ang mata ko ng nakitang patayin niya gamit lang ang kutsilyong hawak ko ang isang lalaking nauuna samin.

"Bakit mo ginawa yun?!"

"Magiging 11 tayo kapag di ko siya pinatay. Malapit na tayo sa huli ng oval."

"Pero pinatay mo siya"

Mas humigpit ang hawak niya sa kamay ko. "Death is everywhere. Once its your turn you cant escape anymore"

Mas mabilis kaming tumakbo hanggang sa may ilang lalaki nanaman ang humarang samin.

Lumaban si Ranz mag isa. Pero halata rin na pagod na siya at hindi na niya kaya.

Ilang suntok ang nakuha niya at hindi na siya makatayo.

"Ashe! Takbo na!"

Tatakbo na sana ako pero hindi kayang gumalaw ng mga paa ko. Ayaw kong umalis mag isa. Kahit di ako makasama sa 10 basta mailigtas ko manlang ang taong to na iniligtas ang buhay ko kanina.

Nakakita ko ng kahoy at inihampas yun sa ulo ng lalaking sumasakal kay Ranz. At siya naman ang kumalaban sa iba pa nungg makatayo siya.

Nakatakas kami mula roon at nakarating sa dulo.

"Nagawa ba natin?" Nag aalalang tanong ko kay Ranz na halatang pagod na pagod at hinang hina na.

"Nagawa natin" sabay turo sa walong nakaupo di kalayuan samin.

Napayakap ako sakaniya at saka tuluyang naiyak.

"The game is done. All the people who wasnt be able to make it, have your last words its your last day. Thank you"

Sa sobrang panghihina ay hindi ko na alam ang sumunod na mga nangyari.

Nagising ako na nasa dorm na ako.

Bumangon ako at nakita si Maggie na umiinom ng tubig.

"Ashe! Nakapasa ka! Nakabalik ka! Ang galing mo! Nakakatuwa ka!"

Hindi ako ang may gawa nito. Si Ranz. Salamat sakaniya.

"Anong nangyari? Paano ka nakaligtas? Nakalaban mo ba sila lahat?"

"Hindi. Wala akong nagawa" totoong sagot ko.

Alam ko naman na si Ranz ang dahilan kung bakit ako nakaligtas.

"Ngapala Maggie? Paano ako nakarating dito?"

"Dinala ka ng medical team."

Puro sugat na rin pala ang katawan ko. Ilang beses din kasi akong nadapa kanina e.

"Ano ng mangyayari matapos nito?"

"Babalik na sa normal ang schedule. At tuwing ganun ang subject magiging magkakaklase na tayo at lahat tayo babae na"

Hindi ko alam kung paano ko kakayanin ang ganitong pangyayari.

Gaano pa ba ako katagal dito?

Ilang araw ang nakalipas at wala namang masyadong kakaibang nangyari.

Tulad nung mga unang araw, dalawang subject lang sa umaga at training na sa hapon. Hindi ko akalain na mabubuhay ako dito ng higit sa isang linggo.

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon