"Mayroon siyang blankong mga mata, matatangos na ilong, manipis at mapulang labi at band aid sa kanang pisngi nito"
--Tinignan naming lahat ang papel na ibinigay ni Aizen.
Posible kayang ito nga ang factory na yun?
Paano kung hindi?
"Paano kami makakasigurong tunay ang lugar na to?" Tanong ni Lorde.
Pag si Aizen ang nagsalita, asahan na si Lorde ang magtatanong. Liban samin pag sa pagitan namin ni Jiro.
"Lets go there and lets prove"
"Can we tell it to General?"
"Just tell it to him once were sure"
Nahihiya akong magsalita.
Kung wala lang parusa pag hindi kami pumunta sa mga meeting ay hindi na muna ako pupunta.
Naisip ko tuloy kung paano nga ba nakuha ni Aizen ito. Ang papel na hawak ko?
Ashe's POV
Iyak lang ako ng iyak mula kagabi dahil sa takot ko kay Yohann.
Si Charlotte? Siya ang ex ni Yohann na namatay? Bakit niya kaya sakin naaalala si Charlotte?
Ayoko munang pumasok. Baka bukas nalang.
Hindi ko pa talaga kaya.
Habang naliligo ako sa cubicle may narinig akong tunog ng isang bakal na tumatama sa pinto.
Ano naman kaya iyon?
Nagpatay sindi ang ilaw.
"M-may tao ba diyan?!" Sigaw ko na medyo natataranta na.
Wala na kasi akong naririnig na naliligo sa mga katabing cubicle ko.
Nakakatakot na.
Nagtabing ako ng tuwalya ko at lumabas.
"May tao ba diyan?"
Wala pa ring sumasagot pero naririnig kong may papalapit na yabag.
Babalik na sana ako ng may humatak ng tuwalyang nakatabing sa akin.
"Gotcha" sabi ng boses ng isang lalaki pero nakatalikod pa ako sakaniya.
Natatakot akong humarap.
Unti unti kong hinarap ang ulo ko pero bago palang ako makaharap ay may isang pamilyar na lalaki ang humawak sa likuran ko para mapigilan ang pagkahulog ng tuwalya ko.
Mayroon siyang blankong mga mata, matatangos na ilong, manipis at mapulang labi at band aid sa kanang pisngi nito.
Sigurado akong nakita ko na siya.
Ang leader ng isa sa mga gang ng GG.
Hindi ako nakapagsalita.
Binitawan niya ako at naalala kong nakatapis pa nga pala ako!
ANO?! Nakakahiya!
Parang gusto kong biglang maglaho dahil sa kahihiyan. Pero hindi naman siya nakatingin sakin bagkus ay sa lalaking nakahiga sa harap namin at walang malay.
Hindi ako makapagsalita at ganundin siya. O talagang hindi lang siya nagsasalita?
Maalala ko?!
"Paano k-Paano ka nakapasok sa Ladies Cubicle?" Nangangatig na tanong ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa hiya, sa kaba, sa takot o talagang malamig lang?
"Im so sorry" naglakad siya papalapit sa pinto at nagsalita bago pa man makalabas. "Use the back door instead"
Bakit kaya? Anong tinutukoy niya?
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Misterio / SuspensoThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...