"Hawak ko ang babaeng nagtataglay ng dugo na makakapagligtas sa lahat ng nandito"
--Sa pag iwan ko sa GG alam kong sa pagbabalik ko ay handa na sila. Kung anu man ang magiging kahinatnan ng susunod na tradisyon, umaasa akong kaya silang iligtas nun.
Pagbalik ko sa bagong kwarto ko sa loob ng BEU ay bumungad sakin si Lady M. Mukhang may mahalaga siyang sasabihin.
"General"
Maga ang mga mata niya at wala sa sariling binanggit iyon. Alam kong masakit ang pagkawala ng isang napakahalagang tao samin.
Umupo ako sa harap niya at hinahanda ang sarili ko sa mga sasabihin niya. Kilala ko siyang mapusok at kakaibang babae. Parehong pareho sila ni Lady Q.
"Hawak ko ang babaeng nagtataglay ng dugo na makakapagligtas ng lahat ng nandito"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Sino?"
"Hindi mahalaga kung sino siya. Ang mahalaga ngayon, malaman niyo kung paano gawin ang antidote na sa pagkakaalam ko, si Aizen ang unang nag aral tungkol dun at ako na ang bahala para manatili siyang buhay"
Nandito sa loob ng eskwelahan ang taong maaaring magligtas sa lahat ng nandito?
"Yan ang nakuha kong dugo mula sakaniya. Binabalak kong ilabas siya dito tatlong araw bago ang huling tradisyon"
Pinagkakatiwalaan ko si Lady M. Kaya ngayon, kailangan ko siya.
--Pagbalik ko sa GG ay hindi ako nagkamali.
Buhay silang lahat ng nasa kaliwang kwarto. Hindi nila napatay ang mga assasin na binigay ko.
At ngayon, masasabi kong handa na sila.
"Listen up GG" pagtawag ko sa mga atensyon nila. "Ihanda niyo na ang mga sarili niyo. Paglabas niyo ng kwartong ito, magsisimula na ang tunay na laban para sainyo"
"Hindi ako papayag na makasama sa GG ang traydor na yan!!!" Hindi maitago ni Jiro ang galit niya siguro dahil na rin sa si Aizen ang pinakamalapit sakaniya.
"Subukan niyong mag away away uli, ill repeat your hell days"
Tumahimik naman sila dahil pinigilan na ni Warren si Jiro.
"GG, prepare all your badges and positions. Sa pagbabalik niyo sa BEU hindi ko na alam kung ano pang pwede kong maitulong. Lets talk later at the SSC Hall"
--Pagtapos na makakain at makapagpahinga ng GG ay nag usap usap na kami sa loob ng opisina ni Aizen.
"General, ano ang susunod na tradisyon?"
Ito ang magiging pinakamadugong tradisyon. Walang tigil ang patayan sa tradisyong ito.
"Ang pagpatay, ang pumatay at ang mamatay ang tanging pagpipilian sa tradisyong ito. And, ill promise to use what i have para mailigtas kayo sa abot ng makakaya ko"
"Kung ganun, ano ang maitutulong ng mga badge namin?" Magaling talaga sa pakikinig si Yohann. Kaya naintindihan niya ang sinabi ko kanina.
"Sa unang gabi ng tradisyon, papatayin ang lahat ng walang kapangyarihan. Maliban nalang kung magaling din sila. At ang mga may badge at posisyon ay ligtas pa rin"
Takang taka ang mukha ni Jiro. Mukhang may bumabagabag sakaniya. "General? Paano ang posisyon ni Aizen? Sino ang maaaring humalili sakaniya kung ang nakalagay sa kasulatan na iniwan niya ay si Ashe Delos Reyes?"
"Sino yun?"
Walang sinuman ang sumagot sa akin. Mukhang may kakaiba sa pangalan na yun. Ano iyon?
"Bakit? Ano kung siya ang humawak ng posisyon?"
"Hindi pa rin siya gumigising General"
"Mula saan?"
"Isa siya sa mga naging bihag ng Masters Turner. At mukhang hindi ganun kabilis ang pag galing niya"
Bakit? Sino ba siya para gamitin ng Masters Turner?
"Ibig sabihin, hindi niya matatatakan na isa na siya sa mga pinuno ng eskwelahan na to. Sino ang maaaring pumalit sakaniya?"
Nakalimutan ba namin isara ang pinto? Bakit bumukas ito at isang babae ang nagprisinta.
"Ako"
Kc's POV
Nagamot ko na ang mga sugat ni Ashe pero hindi pa rin siya nagigising.
Ashe, kailangan kong kumilos. Sa ngayon, kailangan muna kitang iwan dito. Kailangan ko ng tulong para sayo, sakin.
Inilock ko ang pinto at sinigurong walang ibang makakapasok sa lugar na yun kundi ako lang.
Dumiretso ako sa SSC nagbabakasakali na bumalik na ang GG dahil mamaya na ang pagpapatibay sa mga posisyon.
Ilang beses na akong nagpabalik balik dun pero wala sila.
Bukas na ang ilaw kaya malamang ay andun na sila.
Malakas na kabog ng dibdib ko ang tanging nararamdaman ko ngayon.
Laking gulat ko ng bukas ang pinto nila.
May inaantay ba silang darating?
Bahala na. Papasok ako. Kung ano man ang pinag uusapan nila, gusto kong tumulong. Gusto kong sumama. Dahil kahit ano pa man yun, basta maipaghiganti si Aizen ay sapat na sakin.
Isang lalaking may kulay gintong maskara ang pumukaw ng buong atensyon ko.
Pinag uusapan nila ang tungkol sa posisyon ni Aizen na nasa kamay na ni Ashe ngayon. Pero kung walang hahawak nun, ay paniguradong kukunin iyon ng iba.
"Kung ganun sino ang maaring pumalit sakaniya?"
Nang makarating ako sa eksaktong pwesto kung saan sila nag uusap ay nagkabiglaan na kami.
"Ako"
Lahat sila ay nakatingin sakin ngayon. Nagdulot tuloy yun ng labis na pagkahiya at panlalambot.
Nakupo.
"Ikaw?" Hays ang mayabang na Jiro nanaman na ito?
Hindi ko siya pinansin at nakatingin lamang sa taong may gintong maskara.
Sino ba siya?
Bakit pakiramdam ko may natatagong isang mabangis na halimaw sa likod ng mukhang yan?
Bukod kay Aizen, kay Lorde, sakaniya lang ako nakaramdam ng ganitong kilabot.
"Really?" Tanong nito sakin. Nakakapanindig balahibo ang boses niya.
Narinig ko na ba iyon?
"Alam mo ba ang maaaring kapalit ng posisyon na yun?" Sabat ni Yohann habang nanatiling nakatingin sakin si Lorde.
Oo. Alam ko. Madaming tututol dahil kay Ashe nakasulat ang posisyon na iyon. Pero kung hindi ako, wala ng ibang pwedeng humawak nun para sa amin ang kapangyarihan ng desisyon na hawak ng SSC.
Alam kong pagdadaanan ko ang pakikipaglaban sa iba para matira sa huli at hawakan ang posisyon.
Habang hindi pa gising si Ashe ako muna ang hahawak ng posisyon niya. Kaya kailangan kong manalo.
"Oo. Alam ko"
"Handa ka ba talagang lumaban sa iba para sa posisyon na yun? Paano kami makakasigurong hindi ka magtatraydor samin?"
"Wala naman ng ibang traydor dito kundi si Lorde"
Pumalakpak si Jiro at malakas na humalakhak. "Aba gusto ko naman yang sinabi mo hahaha"
Isang palakpak pa ang nagpalingon sakin.
Andito siya.
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Mistero / ThrillerThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...