Chapter 50: Missing In Action

998 25 0
                                    

"Nasan si Aizen?!"
--

Jiro's POV

"Ano?! Isa si Ashe sa mga napili para sa tradisyon na to?!" Nanggigil na bulyaw ko kay Nelho nang malaman ang balita na nakakalat sa buong campus na to.

"O-oo-oo Jiro kaso wag ka muna magpadal--"

"Putangina! Hindi manlang alam ni Aizen?!"

"Jir--"

Lumabas ako nagpunta sa SSC office at nadatnan kong wala si Aizen.

Kinakabahan ako sa mga mangyayari mamaya.

Isang paraan to para magbigay daan sa mga bagong papasok sa eskwelahang to.

O kung di naman, may nagbabalak talagang patayin si Ashe.

Nakita kong magflash ang mga pangalan ng mga napili sa malaking screen sa loob ng school namin.

'Ashe Delos Reyes'

Sumikip ang dibdib ko.

Anong binabalak nila Lady Q? Ano ang masasabi ni Lady M?

Ang Masters Turner balak ba nilang ipitin ako? Anong gusto nilang makuha mula sakin?

Isa nanaman itong panibagong patibong para matalo kami.

Wala akong naabutan sa dorm ni Ashe. Wala siya dun.

"Bakit?"

Nilingon ko ang isang babae at alam kong nagkita na kami.

"Sino ka nga uli?"

"Kc nga paulit ulit. Bakit ba? Hinahanap mo si Ashe?"

"Oo bakit. Asan siya?"

"Malamang sinusukatan na siya ng idadamit niya mamaya. Alam mo naman na isa siya sa mga napili diba? Tss"

"Aba bastos ka ah! Kilala mo ba kung sino ako?!" Ugaling Yohann ang babaeng to at naiinis ako dahil dun!

"Tss. Oo kilala kita. Si Ashe na hibang lang naman ang di nakakakilala sayo e!"

"Abat hindi ka talaga natat--"

"Hindi ako takot mamatay. Kung gusto mokong patayin, patayin mo na ko ngayon"

Dumire diretso lang siya sa paglalakad at napatigil naman ako sa sinabi ng taong yun.

Sino ang hibang na Kc na yun? Naku pag di lang babae yun sinapak ko na yun e! Basta kailangan kong hanapin ang Ashe na yun kundi baka mabaliw na ako!

Sumunod akong nagpunta sa Admins Office pero wala ring tao dun.

Handa na ang Gymnasium 1 na pagdarausan ng sinasabi nilang katarantaduhang party na yan!

Sa lampang yun ni Ashe hindi yun makakalaban!

Nababaliw na ako! Nasan ba siya?!

"Jiro" teka?! Boses ni Ashe yun ah!

"Ashe?! Saan ka galing?!"

"Sinukatan kami. At mamaya, papasok na ko. Bakit?"

"Isa ka sa mga napili! Nag aalala ako!"

"Bakit? Anong meron sa mga napili?"

Halatang walang tulog ang babaeng to. Ano naman ang nasa isip niya e lagi naman siyang walang alam?

"May iniisip ka ba? Anong nasa isip mo? May problema ba? May nanggugulo ba sayo?"

"Nawawala ang kaibigan ko. Hindi pa siya bumabalik."

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon