"Kung ganun nga, ay nahulog na ako"
--Jiro's POV
Ang bigat bigat ng ulo ko pag kagising ko.
"Shit! Anong nangyari?"
May bakas ng sugat sa mga kamay ko?
Ano ba talagang nangyari kagabi? Wala akong matandaan.
Halimaw.
Bakit yun ang naaalala ko?
Alam ko na. Alam ko na ang nangyari.
Inatake pala ako ng sakit ko kagabi. Sa sobrang sakit ng nangyari. Lahat ng alaalang ayaw kong maalala, hindi ko lang basta naalala nagbalik lahat ng sakit.
Tama. Isa akong halimaw. Madami ng dugo ang dumanak sa mga kamay ko. Kahit sarili kong kapatid namatay sa harapan ko. Ang sakit na nararamdaman ko, parang unti unti akong pinapatay.
Sana hindi nalang ako nagising. Sana hindi na ko nabuhay matapos kong atakihin kagabi. Sana napatay ko nalang ang sarili ko.
"Jiro," isang malamig na boses ang agad bumago ng pakiramdam ko ngayong araw.
Bakit nandito siya? Akala ko galit siya sa nangyari kagabi?
"Hindi pa ako marunong magluto kaya noodles lang ang kaya kong lut--"
"Umalis ka na. Hindi ko naman kailangan ng awa mo"
Wag kang aalis. Dito ka lang.
"Hindi ako aalis. Hindi pa ako nakakapagpasalamat ng maayos mula dun sa mga pagliligtas na nagawa mo para sakin"
Napakurap ako ng sandali bago titigan ang babaeng kasama ko ngayon.
Paano niya ako nagagawang pakisamahan? Matapos niyang sabihing isa akong halimaw?
"Kumain ka na Jiro. Sa paglilinis ko ng magdamag kahit papaano ay nakapagpasalamat naman na ako diba?"
Bakit parang nakukuryente ako sa bawat ngiti niya.
Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon.
Pero hindi ko pa rin maiaalis sa isip ko na nasakaniya ang isang panyo na sumisimbolo sa Masters Turner. Hindi kaya pinapahulog niya lang ako sa isang patibong?
"Jiro, kung gaano kabigat ang pakiramdam mo, para masuklian ko ang lahat ng pagsugal mo ng buhay para sakin, sabihin mo sakin lahat para gumaan"
Kung ganun nga ay nahulog na ako.
--Ashe's POV
Hindi pa rin ako makapaniwala na sa likod ng ganung mukha niya ay isang tao na mayroong mabigat na nararamdaman sa malambot niyang puso.
Hindi ko akalain na siya rin pala ang ilang ulit na nagligtas sakin ng hindi ko alam. Tama. Nasaktan ko siya.
"Ashe!"
"Oh Ranz? Ano yun?" Dala niya ang isang malaking illustration board at ilang plastic. "Anong mga dala mo?"
Ngumuso siya at sumimangot bago siya muling nagsalita. "Nakalimutan mo na nga. Diba nga magpapatulong ako sayo na gumawa ng project?"
Ay oo ngapala! Nawala na nga sa isip ko dahil sa dami rin ng iniisip ko ngayon.
"Ah. Sge. Hindi nalang muna ako papasok tutal magpapasa naman kami ng report mamaya e"
Sa isang part ng school kami gumawa ng project ni Ranz. Nakakatuwa naman ang taong to. Mas bata pala siya sakin ng isang taon pero mas matangkad naman siya sakin ng sobra.
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Misterio / SuspensoThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...