Chapter 123: General

837 33 13
                                        

"Hindi ko inaasahan na sa dami ng matitinding pinagdaanan ko, ay titigil pa rin pala ang mundo ko ng magtagpo kami"

Ashe's POV

Hawak ko ang silenyador ng pinto at buong lakas ng loob na binuksan ito.

Bumungad sakin ang isang lalaking may gintong maskara at walang ano'y lumapit siya sakin at hinablot ako papalapit sakaniya.

(For this scene play the song Heaven by Bryan Adams)

"Youre mine, this night Love"

Tinanggal niya ang maskara niya at mabilis akong sinuong ng mainit na halik pero hindi ang halik niya ang nagpatigil ng lahat sa akin.

Hindi ko inaasahan na sa dami ng matitinding pinagdaanan ko, ay titigil pa rin pala ang mundo ko ng magtagpo kami.

Ang mga kilay niyang magkasalubong, ang buhok niyang kulay abo na rin, ang ilong niyang tumatama sa mukha ko at ang mga mata niyang napakalamig, na kulay abo.

And baby youre all that i want

Hindi ko maipaliwanag kung gaano kalakas ang pagtibok ng puso ko ngayong oras na tila ba kusa itong lalabas at hindi malaman kung saan papunta.

When you lyin here in my arms

Ang taong naging dahilan kung bakit ako nasa loob ng eskwelahan na to ay parang taong maaari ring maging dahilan kung bakit gugustuhin ko pang manatili dito.

Im findin it hard to believe

Kahit gusto kong ipikit ang mata ko para madama ang halik na yun ay hindi ko magawa sa dahilang hindi pa rin ako makapaniwala na ang taong matagal kong hinangaan at ginusto ay kasama ko sa eskwelahang tila impyerno sa paningin ko.

Were in heaven

Gray. Bakit ka nandito?

Haabang hinahalikan ako ay pinatay niya ang ilaw at kasabay nun ang pagtigil ng mainit na sandali.

Ang alam ko lahat sila ay naapektuhan ng drugs na minsan na rin daw naiturok sakin sabi ni Yohann. Kaya malamang ay naapektuhan din siya. Pero bat parang kontrolado niya ang pangyayari.

"Bakit ka nandito Gray?"

"Well make love tonight, Love"

Parang nabibingi ako sa bawat bulong niya. Hindi ko tuloy maintindihan kung naiinitan ba ako o nilalamig dahil sa halo halong pakiramdam.

"Alam kong hindi yan ang rason"

Mahna siyang tumawa at nagbukas ng isang kandila.

San niya naman nakuha yun?

"Well make them believe that something happened to us while im going to help you know more about your self"

Tungkol sa sarili ko? Malamang kilala ko ang sarili ko. Anong ibig sabihin ni Gray?

Tumango lang ako at nabigla nanaman ako ng hilahin niya ako papalapit sakaniya ng sobrang lapit.

Namumuo na ang pawis ko kaya pakiramdam ko ay naligo na ako sa pawis.

"Nathalie Rose, you cant hide it anymore"

Ang alam ko si Aizen palang ang nakakaalam na ako si Nathalie Rose?

Kilala nga ba ako ni Gray noon pa?

"Love, i know you are wondering why Aizen acted that way that night" inayos niya ang buhok ko at tinignan ako ng maigi sa mata. "Because you are Nathalie Rose. The fact that you are the person behind that name is the main reason"

Hindi ko pa rin siya maintindihan kahit pakiramdam ko ay talagang nagsasabi siya ng totoo at ng sagot.

"Hindi kita maintindihan"

Hindi ako makapaniwala na ang taong paulit ulit kong pinangarap ay ang taong kaharap ko ngayon at natitignan sa mga mata ng malapitan. Na tila isang napakasayang panaginip.

"Dugo mo ang pumatay sa tatay ni Aizen"

Ilang beses akong kumurap. Ilang beses inisip ang mga salitang kalalabas palang sa bibig ni Gray.

Hindi ko close si Gray pero naniniwala ako sa bawat sinasabi niya.

"Akala ko ako ang may dugong magliligtas sainyo?"

Hinawakan niya ang dalawang pisngi ko. "Dugo mo ang maaaring magligtas, o pumatay samin Love"

Paano ko iisipin ang dalawang magkaibang bagay sa iisang dimensyon ng utak ko?

Hindi ko mapagtagpi tagpi ang pangyayari.

"Paano ko kayo maililigtas at paano ko kayo mapapatay?"

Nginitian niya ako. Ang taong ginusto ko sa mahabang panahon ay nginitian ako. Kakayanin ko pa bang lumabas dito? "Nathalie Rose. Rose" pinagdiinan niya ang salitang rose na parang may ibig sabihin ang salitang iyon para sa akin. "Rosas ang papatay sayo at bubuhay sa dugo mong magliligtas samin"

Nangilabot ako sa huling mga salitang sinabi niya.

Gusto kong takpan ang pusot isip ko sa mga narinig ko.

Gusto kong umiyak ng malakas na parang isang bata at magtatatalon sa galit sa hindi ko alam kung sino.

Habang nagbabadya ang mga luha ko ay unti unti siyang lumapit sakin at mahigpit akong niyakap pero sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay naramdaman ko ang galit.

"I am General no one is allowed to touch you except me"

Naramdaman ko ang matinding pagkahilo at pagdilim ng paligid.

Maliwanag na ng magising ako.

Tatayo palang ako ay naramdaman ko ang mga kamay ni Gray na nakayakap sakin.

Teka?! Bat iba na ang damit ko?! At bakit?! Malaking tshirt lang ang suot ko?! Anong nangyari?!

"Gray?! Gray?!"

"Youre too loud Love"

Magkahalong kilig at inis ang naramdaman ko sa totoo lang. Hindi ko kasi maintindihan ang taong to! May nangyari ba samin?!
Biglang bumukas ang pinto at magkakasama ang tatlong ladies at paglingon ko kay Gray ay nakatalikod na ito.

Parang gusto kong hilingin na sakluban nalang ako ng higaan wag lang nilang makita na iba na ang damit ko.

Kainis.

"Goodmorning Mr and Ms. Sana naenjoy niyo ang gabi lalo ka na General" sambit ni Lady M.

Tss. Paano ko maeenjoy tulog ako?!

Lumabas din sila agad at agad tumayo si Gray para isara ang pinto at ilock ito.

"Goodmorning L—"

"Stop calling me Love! Tsaka may nangyari ba satin?! Ha?! Ng wala akong alam?!"

"Love, g—"

"I said stop!"

Pero mahigpit niya akong hinawakan sa balikat. Mahigpit na tila masakit na rin sa katagalan. Tinitigan niya akong mabuti.

Maiinit na mga titig na kung tutuusin ay talagang nakakapaso.

"You are mine now. Nathalie Rose or Ashe Delos Reyes you are mine by any means"

Hindi sa hindi ko siya gusto pero hindi ko pa siya mahal.

"You cant be touched by anyone unless im already dead"

Lumabas siya ng kwarto at hindi ko alam kung saan siya papunta.

Bakit nadadama ko ang pagkasabik ganundin ang pagkatakot?

Saan ako nasasabik? At saan ako natatakot?

General? Ano nga ba ang kaya mong gawin?

If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon