"Ang mga tattoo sa batok nila ang nag papatunay na hindi pa tapos ang laban"
--Ilang sandali bago kami ipatawag sa quadranggle para ianunsyo ang napili nila Aizen na hiling, ay nasa kwarto ako ng taong pinaka ipinag alala ko.
Sana umokay na ang pakiramdam mo Lorde.
Kumatok sa pintuan ko ang isa sa mga tauhan ng BEU at nagbigay ng paanyaya para mamayang alas 3.
Hindi ko na alam kung ano na ang nangyari sa labas dahil buong tatlong araw ako nandito para ako naman ang magbantay kay Lorde.
Nung mga panahong sobra akong nangulila kay Aizen ay siya ang nag alaga sakin at kumupkop.
Pero kahit nagawa ko naman na ang lahat ng alam kong makakatulong sa pag galing niya ay hindi ko nakikita ang magandang resulta kaya napanghihinaan ako ng loob.
"Pilitin mong gumaling Lorde, gagawin ko ang lahat ng paraang alam ko para maagaw ang gintong badge at makalabas dito, kasama ka"
Naramdaman kong humigpit ang pagkapit niya sa mga kamay ko.
Gising na ba siya?
"Lorde," tawag ko pero hindi pa rin siya dumidilat.
Pinaghanda ko siya ng pagkain kung sakaling magising na siya at inayos ang paligid bago ako magpunta sa pagtitipon.
Magsasalita palang ang emcee, sakto lang pala ang dating ko.
"Good day! Ladies and Gentlemen. Let us again welcome the new Gold Badge Holders of this year. Ms. Naomi Sanchez and Mr. Aizen Asuncion"
Muling nagpalakpakan ang lahat habang nasa taas sila kasama ang mga opisyal kung saan sila ay may gintong upuan.
"Today, we are about to witness their pounding wishes and grant it with kindness of BEU" Binuksan niya ang maroon na envelop nangangahulugan na kay mam Naomi iyon.
"From Lady Naomi, let my brothers take the position of the three Ladies"
Hindi ko alam kung nabingi nga ba ako? O talagang di lang kapani paniwala ang hiling na yun?
Kapatid? Papalitan lahat ng Ladies?
Agad kong idinako ang tingin ko sa mga Ladies na walang pinagbago ang reaksyon.
Alam ba nila ang hiling na to bago pa masabi sa amin?
Nakakabigla.
"Then, without strings, your wish is granted" may ngiti sa mga bibig ng emcee ngunit halata namang nabigla siya.
Sumunod naman na binuksan ang itim na envelop ibig sabihin ay kay Aizen iyon.
"From Mister Aizen, ill give the badge to General"
Dun tila nabasag ang mga katahimikan na hawak ng mga ladies.
Tulad ng inaasahan ko, hindi nagustuhan ni Lady M ang sinabing iyon ni Aizen.
Bakit naman iyon hihilingin ni Aizen? Ano ba ang balak niya.
Saka ko nakita si Gray na papalapit sa stage na may blankong mukha at walang maskara.
"What is that? That is not a wish M--"
"According to BEU codes, there is no rule that the badge can not be transferred"
Sobrang daming tanong sa isip ko pero hindi ko alam kung ano ang una kong itatanong at kung kanino ko itatanong iyon.
"That is invalid" bigkas ni Lady Q na walang tulog dahil sa pangingitim ng mata niya.
Tumayo si Aizen, at nilaro ang isang uri ng inumin kung saan nabigla ang mga Ladies na nasa likod nila. "We should drink this, if you allow me"
Napalunok sila at tila nag iba ang ihip ng hangin at pumayag sa sinabi ni Aizen.
Kung ganun si Gray na ang hihiling? Na kay Gray na ngayon ang karapatan para humiling.
Siya ang may kapangyarihan ngayon. Siya ang may hawak ng pinakamalaking kapangyarihan dahil sa gintong badge.
Kung ganun bakit ito ginawa ni Aizen?
Ano ang binabalak nila?
Ano ang dahilan bakit kinuha ni Gray muli ang gintong badge na hawak niya nung nakaraang taon?
At bakit natahimik ang tatlong pinakamakapangyarihang babae sa loob ng BEU dahil sa ipinakitang inumin ni Aizen?
Nababalot ako ng takot at pangamba.
Isang malakas na batingting ng kampana ang pumukaw sa mga atensyon namin at nakita ang tatlong lalaking paparating.
Malayo palang ay nakakaramdam na ako ng kilabot sa kanila.
Angat na angat ang angas sa simple nilang pananamit.
Maaaring, sila ang mga kapatid ni mam Naomi.
Habang pinagmamasdan ko sila hanggang sa makalagpas sakin ay napakapit ako ng maigi sa hawakan ng upuan ko ng makita ang mga tattoo nila sa batok.
H-hindi ko alam kung papaano ko huhugutin ang hininga ko habang sinisigurado kung tama nga ba ang nakikita ko.
Bakit pakiramdam ko mawawalan ako ng hininga?
Bakit sila may tattoo na tulad nito? Tulad ng nasa singsing namin ni Ranz?
Pawis na pawis akong nasa upuan ko. Hindi ko maintindihan.
Wala kong maintindihan! Ang daming tanong.
"Lets welcome! The Trio!" Sigaw at palakpakan ng lahat.
Akala ko ay malapit na kami sa huli.
Pero, ang mga tattoo sa batok nila ang nag papatunay na hindi pa tapos ang laban.
Ngayon ay ibinalik ko na kay Aizen ang tingin ko at nagmamatyag naman sa baba kung nasan si General at ang emcee.
"Ladies and Gentlemen, let me formally announce you the Trio that will be you Landlords. The new BEU officials" sila na ngayon ang mga nakaupo sa mga upuang kinauupuan nila Lady M kanina. At lumipat sila Lady M sa tabi naman ng iba pang opisyal.
Masayang ngumiti ang tatlo. Mukha silang anghel pero ramdam ko ang nakakapasong init ng pagka halimaw nila.
"And now, Lady Naomi's wish was granted. Let us move on to Mr. Aizen declining the badge and passing it to Mr. Gray Tucker. Let us now acknowledge, General"
Hindi ko magawang makapalakpak dahil sa dami ng tanong sa isip ko.
Wala ang GG dito. Hindi ko sila makita ibig sabihin ay napuruhan sila o baka patay na ang iba.
Wala rin si Kc at si Hazel. Pero pinakisuyo ko na kay Ken ang dalawang iyon. At alam kong ayos na sila.
Mas kumakabog pa ang dibdib ko nung unti unti ng lumapit di General sa mic at ihayag ang naisip niyang hiling.
Sa bawat salitang bibigkasin niya ay bawat segundong itatagal namin sa BEU.
Sakaniya nakasalalay ang mga kapalaran namin ngayon, kasama na si Aizen.
Kaya paano nagawa ni Aizen na ibigay ang badge niya?
"What is your wish General"
Kumorte ang ngiti sa mukha ni Gray.
Na talaga namang napakaganda at napakaaliwalas ng pagngiting iyon.
Gray, ano nga ba ang hiling mo?
--
![](https://img.wattpad.com/cover/141839462-288-k608938.jpg)
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Mystery / ThrillerThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...