"Hayaan mong kwentuhan kita"
--Ipinatawag ako ng isa sa mga nasa labas ng selds at binigyan ako ng isang tray na may lamang pitsel at baso.
May sulat doon at sinabi na huwag kong bubuksan kundi papatayin nila kami ni Aizen. Hayaan ko daw na si Aizen ang magbasa nito.
Pagkadating ko sa selda ay nakasandal lang si Aizen sa pader at hinang hina na siya.
Inilapag ko ang tray at kinuha rin niya ang sulat na nasa tray.
Aizen's POV
Huling gabi ko na ngayon.
Pero, hindi pa rin ako nakakagawa ng antidote.
Kung dugo nga ni Ashe ang antidote, paano ito gawin?
Pumasok siya sa selda. Malamang kakagaling niya palang uli sa pag iyak. Mas masakit pang makita siyang umiiyak kaysa sa mga ibinibigay ni Lincoln na alak.
Inilapag niya ang tray sa harap ko na may maliit na envelop.
'If you dont drink this, Ashe will'
Halata ko ang pag aalala kay Ashe. Malungkot ang mga mata niya at ayoko yun.
"Aizen? Ano nanaman ba ang iinumin mo?"
Nginitian ko siya at pinahid ang mga luha niya sa pisngi.
"Anything that you served, will be always my favorite"
Sinubsob niya ang mukha niya sa tuhod niya at umiyak ng malakas.
Cute. Kung may lakas lang ako para lapitan siya at yakapin ay gagawin ko. Pero wala na. Nanghihina na ang katawan ko. Umepekto na ang Livrius sakin.
Ininom ko kaagad ang dala ni Ashe dahil baka sakaniya ipainom ni Lincoln ito.
Kahit kaunting patak, ayokong maramdaman ni Ashe ang sakit.
Paglagok ko palang parang pinupunit ang mga lamang loob ko. Kitang kita rin ang pagputok ng mga balat ko. Umuubo rin ako ng dugo at nanlalabo ang paningin. Parang napakatagal na ng isang minuto kung tutuusin sa sobrang sakit. Pero, sa tuwing naiisip ko na si Ashe ang iinom kung hindi ako, mas masakit yun ng di hamak.
Nang makabalik ako sa realidad ay hawak hawak ako ni Ashe. Nakahiga ako sa hita niya at rinig na rinig ko ang maingay niyang pag iyak.
"Aizen?! Aizen?! Okay ka na ba?!"
Sinuklian ko lang ang pag aalala niya ng isang ngiti. Parang kahit isang salita ay hindi ko na magagawa.
Nanghihina na ako.
Tinignan ko ang kaliwa kong pulso, at nabigla sa nakita ko.
Totoo ba to?!
Sa sobrang panghihina ay hindi ko masyadong maumulat ang mga mata ko pero sigurado ako sa nakita ko.
Naramdaman kong nawala ang kamay ni Ashe na nakahawak sa mga pisngi ko.
Nakita ko ang mga tauhan ni Lincoln na kinukuha siya ng walang malay.
Saan nila dadalhin si Ashe?
Hindi na kaya ng mga mata ko. Hindi na. Pinilit kong labanan pero hindi ko na kaya.
Ashe's POV
"Aaaaaaaaahhhhhhhhh!!!!!!!!!" Ang sakit. Hindi ko na kaya. Tama na.
Nakatali ang mga paa ko at kamay pero pinaghihiwalay nila ito gamit ang malalaking kahoy.
Nakangiti lang ang isang babaeng nasa unahan ko. Siya ang kasama ni Lincoln at sigurado akong siya ang may gawa nito sakin.
Ano bang nagawa ko sakanila?!
"Aaaaaaaaaaaaaahhhhhhh!!! Tama na!!!!!!" Kulang na lang ay uniyak ako ng dugo pero hindi niya ako iniintindi at nakatitig lamang ng maigi sakin.
Tumayo siya sa upuan na inuupuan niya at pinatigil ang dalawang lalaking nagpapahirap sakin. Sinenyasan niya itong lumabas.
Nginig na nginig ang mga hita kong namamanhid sa sobrang sakit. Parang di ko na kakayanin pa ang maglakad pagtapos nito.
"Who are you?" Tanong niya at may galit sa mga mata niya.
Hindi ko na siya makita ng malinaw. Hindi ko na siya maintindihan.
Sinampal niya ako ng malakas at inulit ang tanong niya.
"Who-who are you-too?" Nainis ko ata siya sa sinabi ko at sinampal ako ng mas malakas pa.
"Hahahahahahaha! Fuck you. How dare you ask me that way?"
Papikit pikit na akong tinitigan siya.
Bakit sa tuwing nakikita ko siya, nahihirapan akong huminga.
"Sa tingin mo ba, sino ka para kay Aizen?" Agad akong naging interesado sa sinabi niya.
Sino nga ba ako?
"Sigurado ka ba sa kung sino ka?"
Sigurado nga ba ako? O ako lang ang nagsasabi sa sarili ko at umaasang mahal din ako ni Aizen?
"Sino ka nga ba talaga?"
Ako si Nathalie Rose noon, pero ako na si Ashe Delos Reyes ngayon.
Kung kailangan kong maging si Ashe para hindi kamuhian ni Aizen, handa ako.
"Hahahaha! Gusto na kitang patayin, pero gusto kong makita mong mamatay si Aizen sa harap mo"
Tinignan ko siyang maigi pero hindi ang inaasahan kong galit na reaksyon ang nasa mukha niya. Nasa mukha niya ang kalungkutan at ang pagsisisi.
Pero, ang pinaka ikinagulat ko ay ang sinabi niyang mamamatay si Aizen.
"Mam-mamamatay si Aizen? Papatayin niyo ba siya?!" Isinigaw ko ang lahat ng natitirang boses ko pero parang kulang pa rin.
Habang pinipilit kong kumawala sa kung pagkakatali sakin ay nahulog sa bulsa ko ang singsing na bigay nila mommy.
Nakita niya iyon at natigilan siya.
"Ano ba?! Bakit mo sinasabing mamamatay si Aizen?! Ha?!"
Hindi niya ako sinagot at natulala siya sa singsing.
Alam ba niya ang ibig sabihin ng singsing na yun?
Tumawa siya na maluha luha pa. Parang baliw siyang tumatawa ngayon at hawak hawak pa niya ang tiyan niya.
Nang huminto siya sa pagtawa ay hinila niya ang isang plastic monoblock at umupo sa harap ko.
Saka niya ako kinausap na parang isang kaibigan.
"You know what does this ring means?"
"Malamang. Sakin yan"
"Hahahaha! Yah. Youre right" sinampal niya ako at ngayon ramdam ko na ang pag init ng parteng sinampal niya. "I mean, alam mo ba kung bakit binigyan ka ng magulang mo nito?"
Tss. "Oo. Para pr--"
"Protektahan sa lahat ng oras"
Napipi ako sa sinabi niya. Paanong alam niya ang tungkol dun?
"P-pa--"
"Kilala mo man o hindi, magkapatid nga kayo. Kaya pala hawig kayo kung tutuusin. Binigay to ng magulang mo sayo at sa kapatid mo"
"Wala kong kapatid!"
"Si Pink. Balita ko kilala mo siya, ang batang yun, siya ang kapatid mo" Pink? Sinong tinutukoy niya? "Hahahaha! Hayaan mong kwentuhan kita"
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Mystery / ThrillerThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...