"Cless hindi kita bibiguin"
--
Gulat na gulat ako ng madatnan kong masayang nakikipag usap si Ashe kay Lady K.
Hindi ko mapigilan ang paglaki ng mga mata ko at ang talagang pagkabigla.
Anong ginagawa niya rito? Ano ba ang kaugnayan nila sa isat isa?
Minsan ay humahalakhak si Ashe at ganundin naman si Lady K. Parang may pinag uusapan silang talagang nakakatawa? Ano naman kaya ang bagay na ito?
Pagtapos ng pag uusap na iyon ay lumabas siya sa opisina ni Lady K nang hindi manlang nagtapon ng kahit saglit na tingin sa akin.
"Detention Halls Head" tawag nito sa titulo ko.
Lumapit ako sakaniya at umupo sa kaninang kinauupuan ni Ashe.
"Bakit moko pinatawag?"
"Talaga namang alam kong kinakatakutan ninuman ang GG, sa kapangyarihang meron kayo at lalong lalo na sa kakayahan niyo. Kaya siguro ay mas maganda kung magkakasundo tayo sa isang batas?"
"Diretsuhin niyo ko Lady K. Wala akong masyadong oras" pakiramdam ko ay napaka init ng opisina niya kahit nangingilabot na ako sa lamig dahil sa malakas na aircon.
"Hahahahaha! Talagang wala kang kinakatakutan gaya nila Jiro at Yohann. Simula ngayon wala ka ng ikukulong sa Detention Hall. Wala ninuman"
"Bakit? Anong ibig sabihin ng bagay na to?"
"Dahil bago ang tradisyon mas maganda kung matututo ang lahat ng tamang disiplina. Ang ibig kong sabihin, wala na sa atin ang dapat maging ligtas. Kung lumabag sa batas, pwede na silang patayin. May posisyon man o wala. May badge man o wala"
Pinag isipan ko ang sinabing iyon ni Lady K hanggang sa makarating ako sa dorm ko.
Gusto niyang harapin namg sinuman sa amin ang batas? Magpapatupad ng batas bago ang tradisyon?
Parang may kakaiba? Hindi ko malaman kung ano ang ibig sabihin ng mga hakbang nila. Napakarami ko ng iniisip.
Ilang araw nalang ang natitira bago bumisita si Kamatayan sa bawat isa samin.
Nakakabaliw isipin na nandito si Ashe lara harapin siya. Nakakalungkot isipin na baka hindi niya kaya.
Pero, ano ba ang tumatakbo sa mga isipan ni Ashe? Ano ba ang balak niya?
Ashe's POV
Hawak ko ang noo ko habang nag iisip ng mga maaaring mangyari sa mga susunod na oras.
Nailabas na si Gwen sa Detention Hall pero hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. Hindi ko naman siya agad makukuha. Kailangan kong idaan sa proseso ang mga bagay para maging akma ang kahihinatnan nito.
Hindi panig sakin si Lady K. Pero hindi niya rin ako kaaway. Alam ko yun at ramdam ko iyon. Sa ngayon, matutulungan niya ako.
Malakas na pagkatok at paulit ulit na doorbell ang dahilan ng paglabas ko at nakita ko doon si Cless.
Nagpapahinga si Ken dahil alam kong pagod din siya sa gabi gabi at araw araw na pag alam namin ng tungkol sa antidote.
"Anon--"
Malakas na sampal ang ibinigay niya sakin at isang nakakagalit na ngiti.
"Sino ka apra takutin ako gamit ang walang kwentang sulat na ito?"
Nakakatawa. Yun lang ba ang ipinunta niya dito?
"Halatang natatakot ka. Sa tingin ko alam mo ang sagot sa tanong na iyan"
Ilang sandali pa ay hinila ako at kinaladkad ng mga tauhan niya at dinala sa isang lugar.
Wala akong pakialam kung gaano kasalimuot ang lugar na iyon. Ang nakikita ko ngayon ang nagpapahirap sakin.
"Gwen!" Sigaw ko pero parang hindi niya na ko naririnig.
Pinagsasawaan siya ng mga walang hiyang lalaki. Duguan na siya at hindi na nanlalaban.
Ang bestfriend ko, binababoy at winawalanghiya nila. Hindi ko sila hahayaang hindi makatikim ng impyerno.
"Nagustuhan mo ba ang palabas na pinapanood mo?"
Nanginginig ang boses ko dahil sa galit na sinagot siya. "Alam mong hindi ko to magugustuhan"
Nasa loob ako ng isang selda at malakas na halakhak ang isinagot niya sa galit ko na nagpaigting talaga ng galit ko.
"Dalhin niyo sakin si Gwen Ramirez" sa pagkasabi niyang iyon ay hindi ko mapigil ang pagkaguilty ko dahil sakin nandito si Gwen at nahihirapan.
Binigyan nila ng manipis na tabing si Gwen at hirap na hirap ng maglakad dahil sa puno na ng malalalim na sugat ang buo niyang katawan.
"Halikan mo ang paa ko Gwen"
"Cless!"
"Hahahahaha! Dalawa lang yun Ashe. Sundin niya ako o patayin ko siya"
"Gwen! Hindi mo kailangang gawin to! Hin--"
"Gawin mo na!"
Kitang kita ko kung paanong ginawa ni Gwen ang utos na iyon.
Parang magbabaga ang katawan ko sa galit.
"GWEN! GWEN IM SORRY!!!"
"Hahahahahaha! Thats okay. Mahina ang kaibigan mo masyado kaya nangyari sakaniya ang mga to"
"CLEESSSS"
Napaso ako mula sa maiinit na baga ng mga rehas ng seldang kinalalagyan ko.
"Hindi kita dinala dito para saktan dahil alam ko naman na nirerespeto ang posisyon na meron ka. Hahaha kaso gusto ko lang na magkita kayong magbestfriend para magkaroon ka ng lakas harapin ang kamatayan na matagal ng nag aantay sayo"
Sa sobrang galit ay lumabas uli ang mga luha ko. Matagal na rin mula ng umiyak ako. Mula ng ibuhos ko ang halos lahat ng luha ko.
"Gwen, ayusin mo ang sarili mo dahil marami ka pang lalaking paliligayahin. Kailangan nila ng lakas pag kinalaban nila ang GG"
"G-Gwen ilalabas kita. Sorry. Sorry" napaluhod ako sa sobrang pagkalungkot.
Halos madapa dapa na si Gwen dahil hindi na nito kaya pang maglakad.
"Ano bang gusto mo Cless? Para pakawalan mo ang kaibigan ko? Ibibigay ko?"
Lumapit siya sa rehas at ngumiti. "Wala akong gusto na wala sakin. Pero ginawa ko to para ilabas ang pinaka masamang ugaling meron ka at para maging patas ang laban natin" Hinila niya ang buhok ni Gwen at isinubsob sa lupa. Ang galit sa katawan ko, hindi ko na kayang kontrolin. "Ilabas mo ang galit mo Ashe. Ilabas mo lahat. Gusto kong makita iyon at makaramdam ng kahit kaunting takot mula sayo dahil tuwing nakikita kita puro awa lang ang nararamdaman ko"
Nangangatog na hinawakan ko ang nagbabagang rehas at humarap sa mukha niya.
"Tandaan mo ang araw na to Cless. Dahil ngayong araw ko ipapangako sayo na ibibigay ko ang gusto mo. Ilalabas ko ang hinahanap mong ugali ko"
Kasabay ng pagbitaw ko sa rehas ang pag alis niya sa mga paa niya sa ulo ni Gwen.
Cless, hindi kita bibiguin.
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Misterio / SuspensoThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...
