"You will never be my option because you are always my choice"
--Inilapag niya ako sa higaan kung saan ako nanggaling.
"Gray! Bakit m--"
Pumikit siya at tila pinipigilan ang sarili niya. "Please, stop"
Nakakatakot na ang mga mata ni Gray. Nakakatakot dahil kahit anong oras ay kaya niya akong patayin.
Nasan si Lorde? Naabutan ba siya ni Gray dito?
Hindi na nagsalita pa si Gray at lumabas.
"Hindi ako pwedeng manatili dito. Madami akong kailangang gawin"
"If you dont want anyone to be hurt because of you, stay here"
Nagdalawang isip man ako ay hindi ko kaya. Madami akong tanong at madami akong gustong malaman.
Gusto kong alamin lahat.
Nasan na kaya si Gwen? Sana naman nakabalik siya kila Tito ng ligtas.
Pag alis na pag alis ni Gray ay gumawa ako ng paraan para makalabas.
Nasugatan ako sa kaliwang braso dahil binasag ko ang salamin ng bintana at doon lumabas.
Gusto kong makita si Lady M. Kulang ang ibinigay niya sakin na sagot. Kulang na kulang para makapagsimula ako ng mga plano.
Anong nngyari? Puro naaagnas na bangkay ang nasa paligid at nagkalat sila. Ang iba ay gumagalaw pa pero naaagnas din ang iba pang parteng katawan nila.
Malakas na tumunog ang bell at halos mabingi ako kahit sa pagtakip ng tenga ko.
Malaking usok ang pumalibot sakin pero bago ko pa malanghap ang usok ay hinagkan niya ako ng mahigpit at tila ako isang prinsesang inililigtas.
"Nasa labas ka nanaman"
Ang mga mata niya. Lorde, hindi ko alam kung bakit ganun.
Hindi ko maamin na mahal na kita pero hindi namn mapigil ang pagkabog ng dibdib ko pag andiyan ka.
Itinakip niya ang panyo niya sa ilong ko.
"Huwag mong langhapin ang lasong papatay sa iba"
Namiss ko tuloy ang dorm ni Lorde. Ang may pagkamadilim niyng dorm dahil puro itim ang kulay.
"Anong nangyari sa mga nakakalat na bangkay sa labas?"
"Yun ang taunang Bloody Sphere. Nagaganap lang yun sa huling tradisyon. Walang nakakaalam kung kailan yun pero yun ang kinakatakutan ng mga nandito"
"Ang nga opisyales nanaman ba ang may gawa nun?"
Umupo siya sa harapan ko at malungkot akong tinignan.
"Ginagawa yun para ang mga matitira ang maghaharap harap para sa Nullum Tellum"
Yun daw ang parte ng tradisyon na magdedesisyon kung sino ang susunod na hahawak sa gold badge.
"Kung ganun, bakit marami pa ang estudyanteng nanonood nung nakaraan? Hindi ko maintindihan kung s--"
"Sila ang mga susunod na batch ng BEU"
Natigilan ako sa sinabing iyon ni Lorde.
May nangangahas pa rin pala hanggang ngayon?
Gusto kong ipalaganap sa lahat na hindi ligtas ang lugar na ito pero hindi ko pa magagawa hanggat hindi pa ako ang humahawak ng badge na hinahangad ng lahat.
"Hindi ko alam kung ilan ang natira ngayon para kalabanin natin sa Nullum Tellum pero kung ako ang tatanungin, ayokong lumaban ka"
"Gusto kong lumaban. Gustong gusto ko"
"Pero, marami ka pang hindi nalalaman sa sarili mo. Sa eskwelahan at sa mga kinakaharap mo"
"Kung ganun, sabihin mo sakin"
"Ang taong kasalukuyang humahawak ng gintong badge ang nagtataglay ng dugong papatay sayo. Kaya ayokong makaharap mo siya sa Nullum Tellum"
Sino ba ang tinutukoy niya? Si Cless o si Gray?
"Bakit nila tinaglay yun?"
"Yun ang kapalit para makalabas sila ng eskwelahan. Kahit ako ay hindi ko pa kilala ang taong humahawak ng gintong badge sa loob ng ilang taon. Kahit ako, natatakot. Dahil, gusto ko pa ring makalabas dito kasama ka"
Niyakap ko si Lorde at tinapik ang likod niya.
"Mangyayari yun. Kung hindi lang ikaw ang lalaban. Kung hindi lang GG ang magliligtas. Ako ang humahawak ng dugong makakapagligtas sainyo" nanginig ang boses ko ng maalala na kailangan kong mamatay para magamit nila ang dugo ko. "At bukod dun, kailangan kong kayanin dahil may gusto akong patunayan. Gusto kong patunayan na kaya kong ipaghiganti si Aizen. Ang pagpapahirap nila sa lahat. At ang pagpatay nila sa kapatid ko. At hanggat hindi ko nagagawa ang mga iyon, hindi ako pwedeng magpasundo kay Kamatayan"
Inalis ko ang pagkakayakap sakaniya at tinignan ang mukha niya na parang may mali sa sinabi ko.
Gusto kong mapagbayaran nilang lahat ang mga inutang nilang dugo sa lahat ng biniktima nila.
"Ano nga palang klase ng lason ang ginamit ngayon ng mga opisyal? At alam kong galing sa Masters Turner ang lahat ng lason na iyon"
"Oo tama ka. Masters Turner nga. At yun ang upgraded drugs na ginawa nila sa buong taon. Aerial drugs yun na kung sakaling maamoy mo ay unti unti kang maaagnas at kung minsan, lalaki ang mga organs sa katawan at tatagal lang yun ng isa hanggang dalawang oras"
Kahindik hindik naman na marinig yun. Hindi ko na gugustuhin pang marinig ang ganung senaryo.
Malakas na kalabog ang nagpatigil sa pag uusap namin ni Lorde.
Pareho namin na hindi inaasahan ang bumungad samin.
"General?"
Nakita ko ng pagdurugo ng mga kuko ni Gray at ang mga dugo sa damit niya.
Anong nangyari sakaniya?!
Hindi ako makagalaw pero nilapitan ako ni Gray at mahigpit nanaman akong hinawakan. Pero habang hawak niya ako ay nakatingin siya kay Lorde na ngayon ay gulat na gulat.
"Dont see her again. Dont make me mad Lorde" alam kong hirap na hirap siyang banggitin ang mga salitang iyon.
Kaya kahit gusto ko mang manatili kasama ni Lorde ay sumama na ako kay Gray.
Muntik siyang madapa sa kalagitnaan ng paglalakad namin kaya naman inalalayan ko siya.
"Bakit ka ba nagpunta doon Gray?"
"I wanted to make sure youre safe" makirot nanaman ng dibdib ko.
"Why dont take another options?"
"You will never be my option because you are always my choice"
Nakarating kami sa sala ng dorm ni Gray at doon ay napahandusay nalang siya.
Malungkot kong sinara ang pinto at tinanggal ang maskara niya.
Napatakip ako sa bibig ko ng makita ang mga nakahayag na laman ni Gray.
Para siyang nasunog.
Umiiyak ako habang maingat na pinupunasan ang mukha ni Gray.
"Gray, bakit kaya umabot tayo sa ganito? Simpleng love story lang naman ang hinangad ko"
Akala ko ay nagbago na ko pero parang bata pa rin ako na umiiyak ng malakas.
"I dont care if you will love me or not, just let me, love you Love"
Uminit ang buong gabi ng sabihin niya iyon kahit nakapikit.
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Mistero / ThrillerThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...