Chapter 80: Anger

918 23 0
                                        

"Napatigil kami sa pagdating niya"
--

Nahimasmasan na kaming pareho ni Jl at ngayon ay mas natanggap na namin ang totoo.

Kararating lang ngayon nila Yohann pero wala sila Nelho, Axl at Joshua. Kakaunti lang din ang mga nagdatingan mula sa gang nila ni Lorde. Ako tatlo lang din sa grupo ko ang maayos na nakakapaglakad.

Si Jl lang talaga ang nagpumilit na pumarito para antayin si Aizen.

"Wala sila Joshua. Hindi pa sila magaling"

Hindi ko gusto ang tono ng pananalita niya ngayon. Ewan ko kung dahil lang sa init ng dugo ko sakaniya o talagang magaspang lang siya magsalita?

"Hindi ko naman tinatanong" banas na sagot ko.

Nag iba lahat e. Parang gusto ko ng makakaaway. Parang gusto ko talaga na may pagbuhusan ako ng sama ng loob. At hindi na masama si Yohann para dun.

"E gago ka pala e! Tanginamo! Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng to e! Kung hindi mo sana sinugal ang mga buhay ng kagrupo natin na naiwan dito edi sana may mga maaasahan tayo! Hindi tulad ngayon! Tangina! Wala ng bente satin yung malakas!"

"Putangina mo rin! Hindi mo ba naisip na kung hindi ko sila pinapunta dun patay na tayo ngayon?!"

"Yun nga e! Buhay nga tayo mas malaki namang pwersa nawala satin dahil madami satin ang napuruhan! At kung mamatay tayo kasalanan natin yun dahil mas pinili natin na sumama kay Aizen!"

Nilapitan ko siya at talagang nanggigil na ako kaya nasapak ko siya agad pero bumawi rin naman siya sakin.

"Jiro! Kung nag iisip ka lang sana edi sana tayo lang ang napuruhan ngayon hindi halos lahat!"

Sinubukan akong pigilan ni Warren pero hindi ko hinayaan na mahawakan niya ako. "Huwag mokong pigilan Warren at hayaan mong ipaintindi ko sakaniya ang gusto kong mangyari"

"Sge! Gago ka pala talaga! Edi dapat mas inuna mong magpaliwanag kaysa ang pabalang na pags--"

"Patay na si Aizen"

Mula kanina ay ngayon ko lang yun binanggit pero parang napakahirap pa rin paniwalaan. Kahit naniniwala naman ang utak ko.

Hinawakan ni Yohann ang magkabilang kwelyo ko at naluluhang tinanong ako kung totoo iyon pero alam ko naman na naniniwala siya. Pabebe talaga tangina.

"Imposible yun! Nakita kong ligtas yung Ashe kaya imp--"

"Naligtas ang Ashe na yun dahil kay Aizen"

Parang biglang kumulo ang dugo ko ng nakita ko ang mukhang iyon.

Mabilis akong nakarating sa kinaroroonan niya at binigyan siya ng buong lakas kong pagsuntok.

"PUTANGINA MO LORDE!!! HINDI KO AKALAIN NA MAGAGAWA MO YUN!!!!"

Hawak hawak lang niya ang bibig niyang dumudugo na ngayon pero inilayo na ako dun ni Yohann at pati siya ay binigyan ko nanaman ng suntok.

Wala na. Sobrang init na ng pakiramdam ko ngayon. Kahit anong oras maaatake na ako ng sakit ko.

"Putangina! Putanginaaaa! Sa dami dami ng tatraydurin mo grupo pa natin! Tanginamoka!!!"

Wala na akong boses. Namamaos na ako dahil kanina pa ako nagsisisigaw. Pero hindi pa rin e. Hindi pa rin matanggal ang galit ko at sakit. Hindi pa rin umaayos ang lahat.

"Traydor?" Mahina ang utak nito ni Yohann. Palibhasa napakapabebe tangina.

Itinuro ko si Lorde na nakatingin lang sa isang malayong direksyon. "Siya. Siya ang nagtraydor satin"

"Putangina! Teka! Hindi ko kaya maintindihan! Paano nangyaring teka nga! Patay na ba talaga si Aizen?!"

Tunog lang ng orasan ang naririnig ko. Walang huni kahit ano.

"Oo. At dahil yun sa katrayduran mo Lorde! Tangina mokang demonyo ka!!!" Lalapitan ko pa sana siya pero hinawakan na ako ng tatlong mga kagrupo ko.

"Anong sinasabi mo?" Tanong mmng traydor na to? At nagmamaang maangan talaga siya?

"Akala mo ba hindi ko nahalata?! Na nung oras na nandun tayo walang sinuman satin ang may alam kung paano yun buksan?! Pero, pero nung hindi sinasadyang mahagisan tayo ng granada sa loob agad tayong nakalabas! Ikaw! Ikaw ang nagbukas ng gate na yun ng hindi ka manlang nasasaktan! Ikaw lang ang nakagawa nun! Tangina mo! Ang galing diba?! Pero kung ginawa mo yun ng mas maaga,"

Nanghina ang boses ko dahil sa muling pagsisisi. Na sana nailigtas pa namin nun si Aizen.

"Sana nailigtas namin si Aizen! Sana buhay siya! Sana hindi lang tayo ang nandito ngayon! Sana hindi lang tayo ang nag iisip kung paano makakawala sa dugong nilagay nila satin! Dahil putangina naman kung di mo kami tinraydor, tanginamoka Lorde"

"Jiro, tama na"

"Hindi ako titigil Warren!!! Hanggang hindi ko napapatay tong taong to hindi ako titigil!!! Naglilingk--"

"Naglilingkod ako sa Masters Turner oo. Pero bago ako mapunta sa grupong iyon, si Aizen muna ang naging leader nila"

Parang nabingi ako dun. Tangina? Ano bang klaseng araw to?

"Kaya siguro mas dapat mong unahin na tanungin si Aizen" mahinahon niyang suhestyon.

"Fuck you. Paano ko tatanungin e patay na nga! Gago ka!!!"

"Tumigil muna kayo! Kumalma muna kayo! Tangina! Ang gulo gulo e! Naging pabaya kayo! Lalo ka na Jiro! Kaya hindi ka matanggap ng magulang mo dahil sa kapabay--"

"Wag kang magmalinis Yohann. Oo di ako tanggap ng magulang ko pero ikaw, ang magulang mo ang kinamumuhian mo diba? Dahil pareho silang doktor pero hindi manlang nila nagawang iligtas si Charlotte noon? Nakakataw--"

Tss. Ang sarap nung suntok na yun ah? Ngayon ang pinaka magandang mood ko sa pakikipag away.

"Alam mo Yohann? Hindi maaalis sa isip ko na baka magkakampi nga kayo? Biruin mo buking na na traydor ang demonyong yan, pero mas inuuna mo akong pagsabihan ng katarantaduhang pinagsasasabi mong manahimik ako?!"

"Pinapatigil kita! Kaso ang tigas ng ulo mo! Gusto mo gusto mo! Hangal"

"Hahahahahaha! E kung magpatayan na kaya tayo?! Para mapatunayan sino ang hangal satin"

Sinuntok niya nanaman ako uli at mukhang hindi na ako natutuwa dun.

"Hangal ka talaga Jiro"

Binawian ko siya ng suntok at nagkagulo na nga kami.

Kahit ang mga kagang namin ay nakisali na.

Puta. Labo labo na.

Habang si Lorde naman nandun lang sa tabi at nagtatanga tangahan. Tangina lang.

"Hoy! Demonyo ka! Anong ginagawa mo diyan! Ha! Gago ka!!!"

Hindi niya ako pinansin at pinagtuunan ko nalang ng pansin si Yohann.

"Stop"

Napatigil kami sa pagdating niya.
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker

Gangs Of The General (GG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon