Chapter 2: Badge

2.4K 94 1
                                        

"The badge means power"
--

Ashe's POV

Nakatulala parin ako sa adviser namin na nagsasalita.

Malakas pa din ang kabog ng dibdib ko.

Inilabas niya mula sa teachers table ang napakaraming susi na nasa isang keyholder.

"Class, today I'll be giving you the keys for both your lockers and your dormitories. Sa bawat isang dormitory there will be ten people. It will depend on the admins to whom they will gonna let you be with."

Kaniya kaniyang bulungan ang ilan at ang ilan naman ay walang pakialam.

"To increase your social skills, every month magpapalit kayo ng room mates para mas dumami ang kakilala ninyo. That sounds nice right?" Humagikgik ito at nakita ang nakakatakot niyang mata. Parang may kung anong nasa loob niya. "One thing more, no cellphones inside this university. The admins will be giving free phones that you can use. Your cellphones should surrendered"

Maraming umalma at isa ako dun. Paano ko matatawagan ang parents ko? Paano ko macocontact si Gwen? Tumayo ang babae sa harap ko at nagpakita ng pagtutol.

"Mam, mahalag--"

Inilabas ni mam ang isang blade pinaglaruan yun sa kamay niya na ikinatigil ng kaklase kong nagsasalita kanina lang.

"Guys, the rule is rule. Cellphones are prohibited unless given by the university. I hate buts and what ifs. Are we clear?" Ma awtauridad niyang bigkas.

Tinawag niya isa isa ang pangalan namin tsaka ibigay ang mga susi na sinasabi niya kanina.

Alam ko naman ang number ng mga parents ko at ni Gwen kaya okay lang.

Pagkakuha ko ng susi ay napasulyap ako sa lalaking nangingisay lang kanina at wala ng malay ngayon.

Bumalik ang kaba na nararamdaman ko kanina.

Ibinalik ko ang tingin ko sa susi na hawak ko.

Totoong gold ito. Sigurado ako dun. Sa dulo nito nakaukit ang pangalan ko. Tinignan ko rin ang phone na ibinigay nila. Isa ito sa pinaka updated na phone na alam ko na may mansanas sa likod.

Ashe Delos Reyes. Nakatitig ako sa magarang susi na to.

Habang hawak ko ang susi may kung anong parte sa katawan ko ang nagpapaurong sakin sa pagpasok dito.

"After every classes you can go to your dormitories. And really hope youll enjoy staying here until the end of your life"

Lumabas na siya at saka sumabog ang kaniya kaniyang reaksyon.

May ibang umiiyak, at may iba namang natulala. Tulad ko. May iba namang natatawa at meron ding masaya.

Ano bang dapat kong maramdaman?

"Bago ka lang dito?" Tanong sakin ng babaeng katabi ko na siya ring babae na nakapag patigil kay Macie kanina.

"O-oo" nag aalangang sagot ko ng hindi nakatingin.

"Nabigla ka siguro"

Napalunok ako bago siya sagutin. "Sobra"

"Ganun talaga dito. Ganiyan din kami nung una"

"Matagal na kayo dito?"

Tango lang ang tanging naging tugon niya.

Bumukas ang pinto at pumasok ang mga lalaking nakaformal attire at may hawak na gloves.

"Alam mo ba kung sino sila?" Mahinang tanong ko sakaniya.

Gangs Of The General (GG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon