"Pakiramdam ko, mula noon palang ay wala na akong kwentang tao"
--Hazel's POV
Minamanmanan ko ang lugar ni Dos kung saan ko kukunin ang mga iniutos ni General.
Alam ko na ang papasok sa lugar ni Dos pero hindi ko alam kung san ako lalabas.
Limang oras nalang ang natitira kaya kailangan ko ng magmadali.
Ilang sandali pa akong nag intay pero walang nangyayari.
Hanggang sa lumabas si Dos. Wala na akong pagpipilian kundi ang pasukin yun at saka nalang mag isip ng daan palabas.
Nagtakip nalang ako ng mukha atsaka tumakbo papunta doon.
Hindi ako dumaan sa pinto o bintana.
Dumaan ako sa bubong kung saan meron don na exhaust hose.
Sinubukan kong dahan dahan na tanggalin iyon hanggang sa makapasok ako.
Pagpasok ay tinignan ko ang buong paligid.
San kaya ang kwarto ni Dos?
May tatlong kwarto dito.
Pero kung iisa isahin kong pasukin baka anong oras na ako matapos kaya lumingon lingon lang ako sa paligid.
Hanggang sa mapansin ko ang kakaibang lamesa.
Magnanakaw ako at alam ko ang mamahalin sa hindi pero ang lamesa na to, hindi siya mumurahin o mamahalin.
Sa sobrang kakaiba ng lamesang ito ay hindi ko alam kung saan nga ba ito mabibili.
Kaya nilapitan ko at naakit ako sa vase na may lamang tubig sa loob ngunit ang tubig doon ay hindi lang tubig.
Doon nagrehistro sa utak ko na ang bagay na hinahanap ni General ay nasa loob ng mga vase na to.
Kaya agad kong nilagay ang mga likido sa lagayan na nasa loob ng jacket ko.
Mabilis naman akong natapos nang biglang bumukas ang pinto.
Pero bakit siya ang inilabas ng pintong yan?!
"Y-Yohann?!" Gulat na gulat na tanong ko.
Alam kong nagulat din siya.
"Bakit nandito ka?" Tanong ko. "At bakit? Bakit diyan ka sa pintong yan dumaan?"
Wala na siyang nasagot at galit ang mga mata niyang lumapit sakin. "Ako naman ang magtatanong. Bakit andito ka?"
Hindi ko pwedeng sabihin sakaniya ang totoo.
Bilin ni General yun.
"May kailangan lang kuhanin"
Hanggang sa nakita ko kalayuan si Dos kasama ang mga alagad nito.
Patakbo na ako ng hawakan ni Yohann ang braso ko.
"Yohann, anong ginagawa mo?!" Mahinang bulong ko.
Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko.
"Yohann ano ba?! Parating na si Dos! Para sa GG ang gin--"
"Pero wala na ang GG. Si General nalang ang meron kayo. At wala na kaming babalikan pa. Hindi mo ba alam yun?"
Nababaliw na ba ang taong to?!
Tinanggal ko abg jacket ko at isinaklob yun sakaniya.
"Sge. Kung di ako makakatakas ngayon, pakibalik nalang kay Jiro ang jacket na yan. Nagmamakaawa ako"
"Nababaliw ka na ba? Sa tingin mo ba gagawin ko yan?"
Ano ba Yohann?! Nakasalalay diyan ang kunabukasan ng BEU!
Nakakainis! Papalapit na sila Dos.
Pero sabagay kahit naman dumaan ako sa daanan ko kanina maaaring di rin ako makalabas ng ligtas dahil parating na si Dos.
"Alaalang kay Charlotte. Nagmamakaawa ako"
"P-pa-pan--"
"Bestfriend niya ko Yohann" ipinakita ko ang bracelet na meron din si Charlotte at alam kong na kay Yohann ang sakaniya. Ito nalabg ang ipinakita ko para mas mabilis ko siyang mapaniwala. "Tandaan mo, para kay Charlotte ang ginagawa ko. Kaya please, ibalik mo kay Jiro ang jacket na yan"
Kitang kita ko sa mga mata niya ang pagdadalawang isip pero laking pasasalamat ko nang hawakan niya ang jacket at isuot yun sakaniya.
Nakita kami ni Dos na mahigpit ang pagkakahawak ni Yohann sa braso ko na halos namumula na ngayon.
"Oh? What is happening here?" Nagtataka ngunit nang aasar na tanong ni Dos.
Tinapunan niya ako ng tingin at ganundin si Yohann saka niya mariing tinignan ang mahigpit na pagkakahawak sakin ni Yohann.
"Mag uusap pa ngapala tayo Yohann"
Saka niya ako itinuro sa mga kasamahan niya at inalayo ako sakanila.
"Kakapkapan ko pa po ba si Yohann?" Tanong ng isa.
Kaya parehong nanlaki ang mga mata namin.
Hindi pwede. Hindi pwedeng makita nila ang nasa bulsa ng jacket na yun.
"Hindi na. Kaalyado na natin si Yohann kaya hindi na kailangan"
Gumaan naman ang loob ko sa narinig ko. Kahit kasalukuyang ginagapos nila ako.
Nasa loob ako ng isang kwarto kaya naman hindi ko naririnig ang pinag uusapan nila.
Mga nasa isang oras din ng marinig ko ang yapak ni Dos na paparating.
Napalunok agad ako ng makita ang malamlam niyang mga mata.
"Its really an honor na pasukin ng Hazel Cartner ang bahay ko" saka siya dahan dahang lumapit. "Napaisip tuloy ako, kung ano ang meron sa bahay ko para ang isang pinakamagaling na magnanakaw ng bansa ang pumasok dito?"
Tinititigan ko lang siya.
Siguro, naibalik na ni Yohann ang jacket na yun kay Jiro sa mga oras na to.
"Alam kong kilala moko, sinasabi ng iba na marahas ako? Hindi ka ba natakot na pasukin ang lug--"
"Lahat ng magnanakaw, naiisip nila na pwede silang mahuli, kaya naman alam ko man na pwede akong mahuli itinuloy ko pa din. Dahil walang nakatitiyak sa nangyayari"
"Kung ganun tanggap mo na ba na hindi ka na makakalabas ng buhay sa kwartong to?" Matapang na tanong niya.
"Sa tingin mo ba sa pagpasok ko sa BEU inaasahan ko pang makalabas ng buhay?"
Tumawa siya ng malakas at nagulat ako ng bigla niyang tanggalin ang mga suot niya.
Anong ginagawa niya?!
"Thats cool. Then, lets give me a taste of Hazel Cartner"
Agad niyang tinanggal ang lahat ng damit na meron ako.
Pinipilit kong hindi jiya matanggal pero wala kong magawa. Parehong nakagapos ang mga kamay at paa ko sa kama kaya wala kong magawa.
Sumunod niya namang tinanggal ang mga damit niya hanggang sa wala ng natira.
"Ill make fun. Tonight. Masyado akong stress. Sumigaw ka lang if you want"
Yohann, sana maibigay mo kay Jiro ang bagay na yan.
Dahil kung hindi man ako makalabas dito, basta natulungan ko si General ay sapat na sakin.
Pagluha lang ang nagawa ko habang binababoy ni Dos ang katawan ko.
Kung minsan ay nasasampal niya ako at nasasakal.
Pero isa lang ang napatunayan ko.
Nasasaktan ako. Pisikal at emosyonal.
Pakiramdam ko, mula noon palang ay wala na akong kwentang tao.
--

BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Misterio / SuspensoThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...