Chapter 29: Physical Strength

1.2K 36 0
                                    

"Hindi ka mabubuhay sa gubat na puno ng halimaw na wala ka namang itak na hawak"
--

Try Out 1 (Physical Test)

Ashe's POV

Nagising ako sa puro puting kwarto.

Teka? Bakit nga ba ako nandito?

Wala naman akong naaalalang ibang nangyari kaya huling nasa isip ko nung lumabas ako ng dorm. Yun lang naman.

Nakita ko ang sarili ko na may mga sugat at pasa pero hindi ko maramdaman na masakit ang mga ito.

Hindi pa ako nakakabangon ay nakita ko na andun sa gilid ng kwarto ko si Yohann.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Pakiramdam ko ay napakasama ko sa mga titig niya.

"Bakit buhay ka?" Diretsong tanong niya na ikinautal ko.

"H-ha? An-anong ibig mong sabihin?"

"Bakit buhay ka pa? Anong pinaplano mo kay Jiro? Hindi moko basta basta mapapaikot kung sino ka man"

Nakaramdam ako ng pagkainis kaya mahigpit kong hinawakan ang kumot na meron ako.

"Bakit ganiyan ka magtanong? Ano ba ako sa tingin mo?"

"Isa ka sa mga sisira sa plano namin. Ng GG. Gumagawa ka ng paraan para makuha mo ang loob ni Jiro. Mas masahol ka pa sa mga babae dito"

Napapikit ako at naramdaman ko ang sunod sunod na pagdaloy ng luha sa mga pisngi ko. Bakit ganito kasakit ang sabihan ng ganito?

Alam ko naman na wala akong ginagawang masama pero bakit nasasaktan pa rin ako?

"Kung ayaw mong mamatay lahat ng nandito, layuan mo si Jiro"

Lumabas siya ng kwarto ko at naiwan niya lang akong umiiyak doon.

Hindi ko manlang naipagtanggol ang sarili ko. Wala manlang akong nagawa para hindi niya isipin na sisirain ko ang plano nila.

"Ashe?! Gising ka na!" Halos masira ang higaan ng biglaan akong yakapin ni Jiro. "Okay ka lang ba?! Masakit ba ang mga sugat mo?!" Halos mabingi naman ako ngayon. Hays.

"Bakit andito k-ka?"

"Ano ka ba naman?! Nag alala ako sayo akala mo! Sinong maglilinis ng library kung wala ka?" Hindi pa rin siya bumibitaw sa pagkakayakap sakin.

Naramdaman ko tuloy na ang tagal kong nandito.

"Ano ba ang nangyari?"

"Wala"

Sa sagot ni Jiro ay mas lalo kong naramdaman na merong nangyari.

"Ashe, lahat ng ituturo sainyo simula ngayong araw, kailangang tandaan mo. Kailangan mong mabuhay para sa pagkakataong malaya na tayo sa lugar na to," inantay ko ang sasabihin niya dahil mukhang seryoso siya "makapaglinis ka uli mg library sa bahay namin hahahahaha"

Hindi ko alam kung ngangatngatin ko ba ang tenga niya hanggang sa magdugo o kurutin ko nalang kaya siya?! Nakangisi pa ang lokong to!

Matapos nun ay niyakap niya ako uli.

"Ashe, i missed you"

Hindi ako nakahinga nung mga sandaling yun.

I missed you too.
--

Nasa dorm na ako ngayon kasama ni Kc.

Hindi naman siya mukhang nag alala nung isang araw akong nasa clinic e.

"Kc"

Sambit ko habang inaayos ang sapatos ko papunta sa try out oval.

Hindi siya sumagot pero tinuloy ko pa rin ang sasabihin ko.

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon