Chapter 20: Ate

1.4K 46 0
                                    

"Hindi naman ako masyadong napuruhan, ate"
--

Ashe's POV

Nasa clinic ako ngayon. Tinitignan ko lang si Ranz na puno ng galos sa katawan.

Masakit sakin na makita siya na ganito pero may kung ano sakin ang nagpaparamdam sakin ng sobrang galit sa mga gumawa sakaniya nito.

Pinupunasan ko ang mga sugat niya ng tila kumirot ito at napagalaw siya sa sakit.

"Sino ba gumawa sayo niyan ha?! Nakakainis ka namang bata ka!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at naibuhos ko na ang inis na nararamdaman ko.

"Wag ka ng mag alala," hindi ko namalayan na nakatayo na pala siya at nakangiti sakin. "Hindi naman ako masyadong napuruhan, ate"

Parang gusto nalang ngumiti ng puso ko matapos kong marinig ang mga salitang yun mula sakaniya.

Nakakatuwa na matawag na ate. Hindi naman ako naghangad na magkaroon ng kapatid noon at lalong lalo naman na wala akong kapatid pero bakit ganito ako kasaya ng tawagin akong ate ni Ranz?

"Hindi ako papasok ngayon. Ikaw pumasok ka" bumalik siya sa pagkakahiga at tumalikod sakin. "Wag kang magpapagabi sa daan. Tsaka sana dalhan moko ng saging mamayang gabi"

Napangiti nalang ako tsaka ko hinawakan ang ulo niya.

Ganito siguro kasarap ang pakiramdam ng may kapatid. Napakasarap pala.
--

Late akong pumasok sa room kaya naman pinagalitan ako. Tatlong beses na kasi akong nalilate.

Habang pinapagalitan ako sa unahan ay nangangati na ang kamay ko na hambalusin si Jiro na masayang nanonood habang pinapagalitan ako at ang ibang leader ng GG ay wala. Isang subject lang naman sa isang linggo kung maging kaklase ko sila kaya minsan lang sila nandito.

"You will be punished" nang sabihin yun ng teacher ko ay parang biglang nabuhayan si Jiro sa isang napakagandang pangyayari.

"She will be under my punishment" pagboboluntaryo nito na nakataas pa ang kamay.

"Ofcourse you may, Mr. Milliares"

Napaisip tuloy ako. Gaano nga ba kataas ang GG para sang ayunan agad ng isang teacher ang isang estudyante na kagaya ni Jiro? Ilang buwan na ako dito pero wala pa rin akong alam.

Aalamin ko. Dahil gusto kong malaman kung bakit madugo ang eskwelahan na ito.

Natapos ang subject ko at kagaya ng inaasahan sa library ako papunta ngayon at malamang ay maglilinis nanaman ako dun imbis na magpahinga.

Nakaupo si Jiro sa upuan niya ng madatnan ko. May mga binabasa siyang papeles at nakataas ang dalawa niyang paa na nakapatong sa lamesa niya.

"Goodevening sir"

Utos samin na walang mga badge na tawagin sila ng sir o mam. Tanda ng pag galang namin sa posisyon na meron sila. Hays.

"I want coffee"

"C-coffee?"

"Ya. Are you deaf?"

Ako ba ang niloloko ng taong to?!

"Im a library cleaner. Kaparusahan sa pagiging late ko."

"Who told you so?"

Anong ibig sabihin niya?

"B-bak--"

"I said ill punish you because i wanted to save you from danger. It will be safer if i would be the one who will do such thing"

Dapat ba magpasalamat pa ako?! Hays. Nakakainis talaga siya.

Wala akong nagawa kundi ang sundin ang sinasabi niya at ipinagtimpla siya ng kape.

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon