Chapter 12: Library Head

1.5K 50 0
                                        

"Pero sa likod ng nag aalala niyang mata ay ang umaapoy niyang pagkatao"
--

Ashe's POV

Nasa library na ako ngayon at maglilinis.

"Ay palaka!" Nagulat ako ng makita ko ang lalaking yun na nakaupo sa desk na may pangalan ni Mr. Jiro Milliares. Ang isa sa leader ng nakakatakot na gang ng GG.

Bakit andito siya?

Nakangiti siyang nakatingin sakin habang nakataas ang isang kilay at nakacross arms.

"Hi Ms. Delos Reyes"

Bakit siya nandiyan sa upuan na yan? Hindi kaya siya si-- Nathalie?! Bakit ngayon mo lang naisip na siya si Jiro Milliares?! Kaya pala may badge siyang kulay itim. Tsaka kaya pala ganun siya magalit nung nabasag ko yung vase. Kaya pala nagalit siya nung hindi ko siya kilala. Haluh! Anong gagawin niya?!

"What are you thinking? Why not greet back to the Library Head?"

Tama nga. Siya nga. Siya nga si Jiro Milliares.

Parang gusto ko nalang na hindi ko na siya nakilala hays.

"G-Good--goodevening sir Milliares"

Humalakhak siya atsaka tumayo sa table niya.

"Goodevening Ms. Delos Reyes do your work properly."

"Y-yes sir"

Ano ba to?! Hindi ako sanay ng nakangiti siya? Parang mas natatakot pa nga ako ng nakangiti siya e. Nakakaasar.

Habang naglilinis ako ay nakatingin lang siya sa mga ginagawa ko. Hindi ko tuloy maiwasan na mahulog ang ibang librong binabalik ko o di naman kaya ay magkamali ako ng paglalagyan dahil naiilang ako sakaniya.

Bakit ba kasi siya andito? Wala ba siyang pupuntahan?

"Ms. Delos Reyes there is still one book here" turo niya sa isang libro na nasa tabi niya.

Nakaupo kasi siya sa sofa ng library habang ako nasa isang wood ladder dahil masyadong matataas ang estante ng ibang libro.

Lumapit ako para kunin yun pero nailang pa ako uli ng nakangisi nanaman siyang nakatitig sakin at nakacross arms pa rin.

Nakakapikon na siya! Akala ba niya nakakatuwang ganito ang ginagawa niya?!

"Sir naiilang po ako na nandito kayo" Haluh! Ano bang lumabas sa bibig ko?! Hindi ko napigil ang bibig ko!

Tumayo siya sa sofa pero nakangisi pa rin. "Do you want me," lumakad siya muli papalapit sakin na sobrang lapit na. "Out?"

Napaurong ako dahil sobrang lapit na ng mukha niya.

Narinig ko siyang tumawa bago kumuha uli ng libro.

Ano daw?! Ibabalik ko lahat ng libro tapos kukuha lang siya hanggang kailan niya gusto?!

Kabayaran ba to sa pagligtas niya sakin?! O totoo bang niligtas niya ako?!

"There are still many books left"

Nakakaasar! Ano bang problema niya! Nakakainis siya?!

Wala akong magawa kundi ang ibalik lahat ng librong kinuha niya.

"Hindi ako makakauwi sa ginagawa mo!" Sa sobrang inis ko! Sumabog na talaga ako! Nakakaasar ka!

"Hindi naman talaga kita pauuwiin"

Ano daw?! Anong pinagsasasabi nito?

"Anong ibig mo sabihin?!"

"Dito ka matutulog"

Gangs Of The General (GG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon