"Her face was heaven in this place worse than hell"
--Hanggang magliwanag ay inantay ko ang balita kila Yohann.
Kung narevive na nga ba siya o hindi pa.
Pero hanggang ngayon, wala pa akong nakukuhang resulta.
Bakit niya ba naisipan na magpakamatay? Talaga bang hahayaan niyang maging isang walang silbi siyang tao?
Nareceive ko ang text na nagpapatawag meeting si General kaya pumunta naman ako.
Nadatnan kong andun si Lady M na diretsong nakatingin sakin.
Alam kong may galit ang mga tingin na yun. Ako ang dahilan ng pagkamatay ng mahalagang parte ng gang na inaalagaan niya kaya hindi na ako magtataka.
Masama naman ang tingin nila Yohann at Jiro sakin. Malamang di ko iningatan ang napakahalaga para sakanila. Wala kong paki.
Umupo lang ako sa kung saan ang upuan ko at nakinig sa utos ni General.
"Goodmorning GG" bati niya. Kahit ano man ang sasabihin niya ay madalas talaga siyang bumabati muna. "Ngayon ang deadline ng lahat ng pinapagawa ko. Simula ngayon, maghanda na kayo para sa huling tradisyon. At ikaw Lorde, walang masama sa nangyari"
Anong walang masama? Hindi ba siya nagagalit na hindi ko nabantayan ang babaeng yun?
"General?!" Nang uumapaw na ang galit ni Jiro na talagang damang dama ng lahat.
"Hindi masama dahil nabuhay siya. Ngayong alam ng lahat na wala siyang malay ay hindi nila pagtatangkaan na isipin ang susunod na paraan para mahawakan ni Kathleen ang posisyon na dapat sa babaeng yun"
"Pero paano kung na--"
"Yohann, wag na nating isipin ang hindi naman nangyari. Sa ngayon, mas mahalagang pag tuunan ang mga mangyayari palang. Lalo nat lahat ng pinaghirapan natin sa buong taon na to ay nakasalalay da tradisyon. Ngayong kumpleto na ang gamot sa mga drugs na ibibigay ng Masters Turner, dalawa nalang ang kailangang paghandaan. Ang Ultra at ang Levicus"
"Anong gagawin natin kay Ashe?"
"Ilalabas natin siya ng eskwelahan na to" nagtaka ako ng nagsalita si Lady M tungkol dito. "Dalawang paraan lang para makalabas ka dito sa eskwelahan na to, ang makuha ang badge o ang mamatay. Sa ganung paraan, maaari na siyang makalabas bilang patay"
Lolokohin niya ba si Master? Sa tingin ba niya ay mapapaniwala nila si Master kunh hindi niya pa nakitang patay na nga talaga ang babaeng yun?
"Kailan? Dapat wala na siya dito bago ang susunod na tradisyon"
"Stay calm Jiro. Oo. Sa susunod na tatlong araw, magiging abala na ang lahat sa pag hahanda kaya maaaring sa susunod pang araw siya mailabas"
"Sinong gagawa nun?"
Mariin siyang napatawa ng mahina at tila siya nakaisip ng magandang ideya. "Si Lorde"
Uminit ang tenga ko sa narinig ko. Ako ba ang balak nilang gumawa ng plano na yun?! Bakit ako?!
"Siya lang ang maaring maglabas kay Ashe dito ng hindi nalalaman ng Masters Turner"
"Lady M, hindi pwede! Hindi natin alam kung siya ang kay gawa nun kay Ashe! Napahamak na si Ashe ng maraming beses dahil sakaniya kaya hindi natin siya maaaring pagkatiwalaan!"
"Jiro, kahit pa sino satin, mahahalata at malalaman nila. Pero kung Lorde ang maglalabas sakaniya, makakalabas siya ng libre"
Hindi. Hindi ko yun gagawin. Sasabihin ko na kay Master ang tungkol kay Ashe para agad na niya itong mapatay.
"Meeting dismiss. Lorde stay"
Lumabas ang lahat pati si Lady M at naiwan ako doon.
"Talk to your mom"
Nanlaki ang mata ko kung totoo ngang hawak ni General si mama.
"Ma?"
[Nak. Kailan ka dadalaw? Malungkot mag isa dito? Akala mo ba porket binigyan moko ng magandang bahay okay na ako? Umayos ka diyan]
Pinigilan ko ang paghikbi ko para di ako makita ni General.
"Ma, okay ka lang ba? Wala bang nananakit sayo?"
[Ikaw lang ang nananakit sakin anak. Lagi kang wala sa tabi ko. Dalawin mo naman ako]
"Oo ma. Dadalawin kita"
Inend ko ang call dahil baka mapaiyak pa ako.
"Lorde, i said you can trust me thats why i know i can trust you"
Kukunin ko ang nanay ko. At gagawin ang sinabi ni Master at hindi ang utos niyo.
--Pag uwi ko sa kwarto ko ay nandun na si Ashe. Dinala na pala siya nila Yohann.
Kung ganun, mula ngayon ay kailangan muna siyang iturin na patay.
Hindi. Tutal, sasabihin ko rin naman kay Master ang totoo.
Nagising siya at wala sa sariling niyakap ang unan na nasa tabi niya.
"Aizen, bakit ka nakatayo diyan?"
Baliw nga siya. Kailangan niyang mainom ang mga gamot niya para hindi na siya lumala pa.
--Nang magdilim na ay napag pasyahan ko na doon na din matulog dahil baka pagtangkaan niyang muli ang buhay niya at baka kung anong magawa ni General kay mama.
Habang matitulog siya sa kama at nasa sahig ako ay medyo nainis ako dahil ako dapat ang nandun.
Inilipat ko siya sa baba dahil ngayon lang ako uli makakatulog ng maayos kaya gusto kong sa kutson ako.
Inilapag ko siya sa baba at dun ako mapayapang natulog sa kama.
Anong akala mo? Prinsesa ka? Hindi ako si Aizen. Para ituring kang mahinang prinsesa.
Nakatulog ako ng maayos sa higaan na yun.
Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Hays. Napakasarap ng tulog ko.
Talagang damang dama ko ang higaan ngayon at kung gaano kasarap ang magkaroon ng buong tul--bakit nakayakap sakin ang babaeng to?
Tinapik ko siya at inalog pero hindi pa rin siya nagigising.
Tumayo ako kaagad para makalayo sa kaniya.
"Hoy! Bakit nandiyan ka?" Pero mukhang tulog pa siya.
Umupo ako sa tabi nita at kitang kita ang paglalaway niya.
Akalain mong nabuhay siya ng ilang ulit.
Tila takot sakaniya si Kamatayan.
Hindi pa siya kinukuha nito mula noong pagpasok niya sa eskwelahan na to. Naiisip ko tuloy ngayon na may dahilan kung bakit hanggang ngayon ay buhay pa din siya.
Maganda ang mahahaba niyang pilikmata at at ang matangos niyang ilong. Tikom ang namumutla ngunit maliliit na labi.
Napakasarap niyang tignan.
Natatamaan ang buong mukha niya ng sinag mula sa araw at yun ang dumagdag sa aliwalas ng mukha niya.
She was sunkissed.
Her face was heaven in this place worse than hell.
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Mystery / ThrillerThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...