Chapter 109: Master

798 24 2
                                    

"Isa ka palang tigre? E bakit umaasta kang parang isang pusa?"
--

Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na anak ni Lady Q si Kc. Hindi ko matanggap.

Isa si Kc sa mga pinapasalamatan ko dahil iminulat niya sakin ang totoong mundo sa loob nito. Pero masakit na malamang nasa panig siya ng kalaban ko.

Kunot noo kong pinagbuksan ng pinto si Ken gamit ang remote ko.

"Ken?"

"May gustong kumausap sayo Ashe"

Namangha talaga ako ng makita si Lincoln na halata ang galit sa mga mata.

Lumabas na rin si Ken at nagsimula na ang tensyon sa loob ng opisina ko.

Tss. Hindi niya manlang iniwanan ang sama ng loob kung nasan man ang lugar niya.

"So? Goodmorning" bati ko sakaniya na ikinagigil lalo ng mga kamao niya at ikinalapad ng ngiti ko.

"Why did you dare me?!" Kinalampag niya ang lamesa ko at nanlilisik ang mga mata. "Do you think you are already ready to fight against me?"

Umupo ako sa office chair ko at nagpaikot ikot. "Anyway, i didnt ever want to fight with you"

"Then what the fuck do you want?!" Kita ko ang pagkamuhi ngunit ang sakit ng nararamdaman niya.

Kulang pa yan para sa sakit na ipinadanas niyo kay Gwen.

"Because i want you to beg on your knees"

"Maybe you should be the one to beg for the antidote?"

"Really? Is the antidote really lying in your hands? I dont think so cause it was in my blood for your information"

"Fuck you. Paano mo ko kakalabanin?! Isa ka lang naman simpleng bubuwit na kakalaban ng isang tigre?!"

Humalakhak ako ngunit talagang nanggalaiti ako sa sinabi niya. "Isa ka palang tigre? E bakit umaasta kang parang isang pusa?"

Naglabas siya ng isang patalim at itinarak yun sakin pero huli na siya dahil napakawalan ko na ang blade sa kaniyang leeg.

"Too late Master, Lincoln" bulalas ko saka tinawag si Ken para ilabas siya ng naghuhumiyaw sa sakit.

Pinaramdam ko lang sayo Lincoln ang sakit na dulot ng alak na paulit ulit mong ibinigay kay Aizen.

Nanggigigil akong uminom ng tsaa na nasa lamesa ko. Hindi ko makakalimutan lahat ng pahirap nila sa kaibigan ko at lalong lalo kay Aizen na minahal ko.

Minahal?

Sino bang mahal ko ngayon?

"Ashe!" Isang yakap ang mabilis na nagpawala ng galit ko. Ang pagyakap na agad nagpagaan ng nararaamdaman ko. "Ayos ka lang ba?!" Kitang kita ko ang pag aalala sa mga mata niya. Kahit mata lang niya nangungusap na iyon sa akin.

"Ayos lang ako" inalis ko ang mga kamay niya sa akin at kaunting lumayo ngunit hinablot niya ako at iniharap sakaniya.

"Hindi kita mapapatawad, pag pinabayaan mo ang sarili mo"

Gusto kong ngumiti. Gusto ko nang umalis. Gusto kong kalimutan ang lahat.

"Hindi ko kailangan nun Lorde. Bakit ka naparito?" Pag aalis ko sa pagkailang ko.

"Ashe, huling pakiusap ko. Bukas na ang bisperas ng tradisyon, nagmamakaawa akong lumabas ka na. Ini--"

"Hindi ako lalabas dito ng hindi ko nakikitang nagdudusa ang Masters Turner sa pagpapahirap nila kay Aizen at Gwen"

Hindi na siya sumagot at nakita ko ang panlulumo sa mga mata niya.

"Ashe, sinasaktan mo ako sa ginagawa mo pero patawarin mo ako dahil gagawin ko ang lahat para hindi ka manatili dito. Gagamitin ko ang lahat ng kakayanan ko para hindi na manatili dito"

"Ibigay mo sakin ang katapatan mo Lorde. Na sakin ang nanay mo"

Agad siyang natigilan sa sinabi ko.

Mula noong nalaman ko na nagtraydor si Lorde sa GG inisip ko na agad kung bakit atsaka ko naisip ang dahilan niya matapos kong makausap si Ken. Nalaman kong pinapahalagahan ni Lorde ang nanay niyang hawak ni Lincoln kaya bago palang makuha si Lady Q ay nagulo ko na ang isip ni Lincoln. Nakatulong din sakin si Kc ng siya ang mag espiya para malaman kung nasaan ang nanay ni Lorde.

Bakit nga ba hindi ko naisip kung paano nalaman ni Kc ang tungkol sa Masters Turner?

"Paano?"

"Magtiwala ka sakin. Hayaan mo akong manatili. Hindi ko sasaktan ang nanay mo at iingatan ko siya tulad ng pag iingat mo pero hayaan mo ako dito"

Nag aalangan man ay hindi na siya tumutol at maayos na lumbas ng opisina ko.
--

Palabas ako ng masalubong ko ang ilang organisasyon na papunta sa lugar ni Cless.

Napangisi ako ngayon. Danasin mo kung paano pagtulungan ng lahat dahil sa kahinaan mo.

Papunta ako ngayon sa Detention Hall kung saan nakapiit si Lady Q.

Inilabas siya ng mga tauhan ni Lorde at sugatan na siya.

Wala na sakaniya ang magagara niyang mga damit bagkus ay nakadamit lamang siya ng purong puting bestida.

"Why are you here darling?" Tanong niya na nakangisi pa sa akin.

Nakapagtataka ang pangngiti niya. May iba ba siyang binabalak?

"Lets have a toss"

Nasa lamesa kami na nay dalawang magkaharap na upuan at doon ay inilabas ko ang dala kong alak.

"Well, i need to rewind also. Boring sa Detention Hall"

Nilagyan ko siya ng inumin at nilagyan ko rin ang akin.

Nagkunwari akong ininom ang sakin at ininom niya rin naman ang kaniya at inantay ko siyang maapektuhan ng dala ko.

"W-ukk-w-what did you do?!"

"Remember? You told me to be careful whenever i will drink something inside this hell empire? Thankyou. Cause ive learned"

Iniwan ko siyang patuloy na inaatake ng alak na mismong pinainom niya rin sa akin noon.

Lady Q, hindi pa tapos ang pagbabayad mo.

Pagod ako nakarating sa dormitory ko pero hindi pa ako nakakaupo ay nakita kong kumakatok si Kc.

Pagbukas ko ng pinto ay malakas na sampal din ang nakuha ko mula sa bisitang ito.

"Sinabi ko ng nanay ko siya pero wala kang paki?! Sinabi ko nang ako nalang pero wala kang ginagawa?! Pinapahirapan mo pa rin siya?! At halos patayin mo siya ng paunti unti?!"

Sasampalin pa sana niya ako ng hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay niya at bumawi ng sampal sakaniya.

"Kc, ginagalit mo talaga ako. You became weaker everytime i see you. You still continue to use a knife without an edge. Thats insane"

"Isa pang pahirapan mo ang nanay ko Ashe hindi kita mapapatawad!"

"Isa pang makialam ka Kc, hindi mo gugustuhing humarap pa sakin"

Matalim na titigan ang namagitan samin sa mainit na gabi.

Kc, makakalaban ba kita sa susunod na tradisyon?
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon