"Because of you, i want to stop"
--
Hindi ako natulog para bantayan ang babaeng to.
Masyadong lapitin siya ng kamatayan. Baka sa isang iglap ay mawala siya.
Hinintay ko siyang gumising at nagising naman din siya.
Nakahilig ang ulo ko sa gilid ng kama niya nang magising siya.
"Goodmorning" dumampi ang maiinit niyang kamay sa pisngi ko.
"G-g-goodmorning"
"Ah!"
Hinawakan ko ang likuran niya para alalayan siya sa pagtayo.
"Wag mo muna piliting tumayo. Baka sumakit ang likod mo"
Ngumiti siya at nag inat. Parang walang masamang nangyari sakin. Masakit isipin sakin na may napahamak dahil sakin. Pero, masarap sa pakiramdam na minsan sa buhay ko, naramdaman kong mahalaga ako. Na may isang taong minsan ay pinahalagahan ako.
"Kumain na tayo"
Parang wala sa sariling naghanda ako ng pagkain at kumain na parang hindi naiisip ang mga susunod na mangyayari.
"Aizen, anong plano mong gawin ngayong araw? Titingin ng mga files sa office, mag aaral ng batas sa school, o mag--"
"Babantayan kita"
Halatang namula siya sa sinabi ko pero mas namula ako sa ginawa niya.
"Salamat Aizen. Pinaparamdam mo sakin na wala ako sa ganitong klaseng eskwelahan. Na walang kailangang mamatay o walang kailangang patayin para mabuhay. Mahal na mahal kita"
Naiinis ako sa tuwing binabanggit niya si Aizen. Dahil hindi ako si Aizen!
"Sge. Basta iinumin mo ang gamot mo"
"Sge basta para sayo, Aizen"
Kinagabihan bago ako matulog ay niyakap niya ako muli.
"Sana sa pag gising ko, andito ka pa din"
Hindi. Ako ang dapat humiling na sana, paggising mo ako pa rin si Aizen sa paningin mo. Ang pakiramdam na minamahal mo ko ay pakiramdam na nagpapahina sakin.
--
Ilang araw na ang lumipas at mas lalo ng lumalim ang pagkakakilala ko sakaniya.
Ang mga gusto niyang kainin, ang mga pag uugali niya pagkagising at bago matulog. Ang mga gusto niyang palabas.
Lahat yun, ay nalaman ko sa loob lamang ng ilang araw.
At dahil mas gumaan na ang loob niya sakin, at dahil ang alam niya ay ako pa rin si Aizen ay naiinom niya ang mga gamot kaya hindi ko alam kung hanggang kailan niya ako makikita bilang si Aizen.
Papunta ako ngayon sa dorm ni General dahil gusto ko siyang makausap tungkol kay mama.
Nasa sala siya at nagbabasa ng isang libro ng madatnan ko siya matapos niyang buksan ang pinto gamit ang remote na meron siya.
Kahit nasa loob siya ng bahay ay nakamaskara pa rin siya. Sabagay maaaring hindi niya pa ako lubos na pinagkakatiwalaan.
"General, kumusta na ang nanay ko?"
"Mabuti"
Nagsisinungaling siya. Ibig sabihin, ginagamit niya lang ako para sa plano niya.
"Lorde, balita ko may ilang umatake sayo nung nakaraang gabi"
"Meron General. Pero ayos lang ako at hindi naman ako nasaktan"
"At si Ashe ang nasaktan? Hindi ko gusto yun. Masters Turner lang ang maaaring gumawa sayo nun. Dahil nandito ka pa sa GG. Mag iingat ka sa susunod"
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Mystery / ThrillerThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...
