"Masisisi mo bang isa akong halimaw kung sa lugar na to tinuruan akong magpaka halimaw para lang mabuhay?!"
--
Ashe's POV
Nagising ako sa isang pamilyar na lugar. Hindi ito sa dorm namin. Sa kwarto ito sa library.
Nahagip ng mata ko si Jiro na may nag aalalang mukha.
"Ashe okay ka lang ba?"
Pinatay niya si Maggie. Paano niya nagawang pumatay ng isang babae sa ganung paraan? Nasaan ang puso niya?
"Halimaw ka"
Pinatay niya si Maggie. Pumatay siya ng tao.
Nagulat ako ng may pumatak din na luha sa mga mata niya kasabay nito ang pagngisi niya.
"A-ano?"
"Halimaw ka. Isa kang masamang halimaw. Isa kang napakasamang bangungot."
Imbis na magalit ay tumawa pa siyang muli. Kumikirot ang dibdib ko sa mga tawa ni Jiro. "Masisisi mo bang isa akong halimaw kung sa lugar na to tinuruan akong maging halimaw para lang mabuhay?! Alam mo ba kung paano ako mainggit sa mga taong walang galit sa puso nila?! Alam mo ba kung gaano ako naiinggit sayo?! Sa lugar na to na ang tanging paraan lang para mabuhay ay ang pagpatay, masisisi mo ba ako kung gusto kong mabuhay?!"
Hindi. Bakit naiintindihan ko siya? Bakit hindi ko maramdaman ang galit ko?
Mas bumigat ang nararamdaman ko habang umiiyak si Jiro.
Nakakaramdam ako ng matinding lungkot sa bawat tingin ko kay Jiro na umiiyak.
Jiro, bakit mo pinatay si Maggie? Para iligtas ba ako? Pero bakit?
"Isa ka paring halimaw"
Lumakad ako palabas. Sa labas ng kwartong yun. Lumakad ako ng wala sa sarili at hindi alam ang pupuntahan.
Nang makarating ako sa kalagitnaan ng library ay may tumawag sakin. Mula sa boses niya ay nararamdaman ko ang galit niya.
"Sandali"
Huminto ako at humarap sakaniya.
"Bakit?" Hindi ko namalayan na may iba pa pala kaming kasama ni Jiro kanina sa kwarto.
"Sino ka para sabihan ng ganun si Jiro ha?!" Hinawakan niya ang dalawang balikat ko atsaka ako niyugyog na para bang ginigising niya ako mula sa pagkakatulog "Kung para sayo ay nakapatay siya, para sakaniya ay nakapagligtas siya!"
Pumatay para magligtas?
"Kung para sayo ay wala lang yun kay Jiro, para sakaniya isa iyong maaaring gamot sa sugat na matagal niya ng iniinda! Sino ka ba para husgahan siya?!"
Sino nga ba ako? Isa lang akong babaeng walang alam sa pinasok niya.
"Ang lalaking yun," tinuro niya ang kwartong kinalalagyan ko kanina kung nasan din naroon si Jiro ngayon. "Leader siya ng gang namin. Pero dahil sayo, ilang beses niya ng sinugal ang buhay niya! Hindi ko alam kung bakit kailangan ka niyang iligtas mula sa Detention Hall!"
Siya? Siya ang nagligtas sakin nun?
"Alam kong ayaw niya ring pumasok dun dahil bukod sa napakadelikado may kinakatakutan din siya! Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang patulugin ka sa kwartong hindi niya ipinaaalam kaninoman! Ang kwartong dapat kami lang ang makaalam dahil kwarto yun kung saan siya ligtas! Ikaw ang kauna unahang nakahiga sa higaan na yun! At lalong hindi ko alam kung bakit kailangan ka niyang protektahan ng ilang beses! Hindi ko alam kung bakit kailangan ka niyang protektahan ng gabi gabi sa isang linggo para lang hindi ka mapatay ng mga Dela Cruz! Hindi ko rin alam! Hindi ko na siya makilala! Ang lalaking pinapaiyak mo, leader siya ng gang namin! Naiintindihan mo ba yun?!"
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Misterio / SuspensoThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...
