Chapter 32: Death Anniversary

1.1K 32 2
                                        

"Siya si Ashe kuya. Siya ang babaeng mahal ko"
--

Kc's POV

Masakit na ang mata ko kakaiyak dahil sa ginawa ni Ashe.

Kung ganito lang ng ganito ang gagawin niya ay maloloko siya ng kung sino sino.

Nasa clinic na kami at ginagamot na siya ni Yohann.

Hindi naman ako mapalagay dahil sabi ni Kathleen ay may lason ang panang tumama sakaniya kanina lang dahil sinalag niya ang dapat na tatama sakin.

Parang hindi ko ata matatanggap na mamatay siya dahil lang sa akin.

Kinakabahan ako at nag aalala.

"Ako na muna ang magbabantay Kc" suhestyon ni Kathleen. Nakita niya kasi na hindi pa ako nakakapagbihis at puno pa ng dugo ang damit ko.

"Ako nalang. Hihintayin ko siyang magising"

Tinapik niya ang balikat ko at umalis din naman.

Ilang sandali mula ng lumabas si Kathleen ay pumasok ang leader ng Brokers na si Jiro. Hangos na hangos siya at bakas ang galit sa mga mata niya.

"Asan siya?!"

Itinuro ko lang ang kwarto kung nasan si Ashe.

"Huwag kang mag alala. Inaasikaso na siya ni Yohann"

Kumuyom ang kamao niya kasabay ng pagsuntok niya sa isang salamin malapit sakin.

"Malaman ko lang na may kinalaman ka dito, mamamaalam ka agad sa mundo"

Lumabas nalang ako at hindi siya pinansin.

Pumunta ako sa lugar kung nasan siya.

Mula ng dumating ako dito ay hindi ko pa siya nakakausap.

Nagbukas ang pinto at mukhang nabigla ko siya.

"Goodevening" bati ko sakaniya habang nakapatong ang dalawa niyang paa sa lamesa niya.

"Hows my daughter?"

Tumaas ang dugo ko sa sinabi niya.

Galit ako pag tinatawag niya akong anak. Ayoko.

"Hows the devil?" Direktang tanong ko sakaniya na kinawala ng ngiti sa mga labi niya. "Masaya ka bang nandito ako?"

Hindi siya agad nakasagot at sinagot ako ng pagtawa.

"I told you to live like a normal person, then you went here all along. It seems its your choice"

Ako naman ang natawa sa sinasabi niya. Mukhang isang anghel ang kasama ko.

"Its not my mood to have jokes for this moment. Kung talagang hinayaan mokong mamuhay ng simple, hindi mo sana ako tinuruan ng mga bagay na ayaw ko namang matutunan?! Anong klase kang ina ma?! Si kuya! Anong ginawa mo sakaniya?! Anong ginawa mo?! Ginawa mo siyang halimaw! At ngayon ako rin?!"

Wala na kong mabasa kahit ano sa mukha niya.

"Huwag na huwag kang gagawa ng paraan para tulungan ako. Gusto kong mamatay sa lugar na to. Para maipamukha sayo kung gaano ka kasama, mama"

Lumabas ako ng masalimuot niyang kwarto. Dumaan ako sa grocery store. Gagawan ko nalang si Ashe ng salad dahil baka kailangan niya ng matamis para mas mabilis bumalik ang lakas niya.

Nandun pala sa loob si Jiro. Anong dahilan at tila malapit sila ni Jiro? Mabuti naman at gising na siya. Gumaan na ang loob ko at iniwan ko nalang ang pagkain dun.

Gusto kong maramdaman ni Ashe na galit ako sakaniya para hindi niya na ulitin ang ginawa niya kanina.

Ayoko na siyang mapahamak dahil sakin.

Gangs Of The General (GG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon