Chapter 28: Sticknote

1.2K 41 0
                                    

"Brokers leader, we are one zero. Till next time"
--

Inaantay ko lang ang oras habang nasa dorm ako. Ayokong pumunta ng mas maaga. Baka anong mangyari sakin. Kailangan maging maayos ako para mailigtas ko si Ashe at makuha sa mga yun.

Nag aalangan ako sa ikikilos ko. Kailangan kong maging maingat pero ayokong intayin nalang na mawala si Ashe.

Si Aizen. Siya ang pag asa ko sa sitwasyong katulad nito.

Alas dose na. Kaya lumabas na ako at nagulat ako habang naglalakad hindi kalayuan sa dorm namin ay may pamilyar na boses ang tumawag sakin. "Come back"

Nilingon ko ito at nakita si Aizen na paalis na mula sa pwesto niya.

Kahit kailan ay maasahan si Aizen. Hindi man halata sakaniya dahil tila siya isang robot.

Gusto ko pa sana siyang makausap pero kulang na ang oras ko at kailangan ko ng pumunta doon.

Hindi pa ako masyadong nakakalapit sa auditorium ay nakita ko ang isang babae sa labas nito na nakagapos sa isang upuan na nakapiring ang mga mata.

"Ashe?!" Tumakbo ako agad sa takot na baka nga si Ashe ang nakita ko.

Nang makumpirma ay agad nanginig ang buo kong katawan at nakaramdam ako ng sobrang init! Parang gusto kong magsisigaw at magwala!

Tinapik ko si Ashe at hindi siya dumidilat.

Maglahalong kaba at galit ang nararamdaman ko.

Nang kakalagan ko na siya ay may kulay dilaw na sticknote ang nakadikit sa kamay niya.

'Brokers leader, we are one zero. Till next time'

"AAAAAHH!!!" Napaluha ako sa sobrang galit at bigat ng nararamdaman ko.

Hindi mahirap kalagin si Ashe. Alam nilang kayang kaya kong kalagin ito. Anong ibig sabihin nito?

Anong binabalak nila?

Lumabas na ako sa lugar na yun buhat buhat ang walang malay na si Ashe.

Hindi pa rin siya gumigising. Nanginginig at nanggigil pa rin ako.

Paglabas namin ay tila nagdilim ang paningin ko.

Yohann's POV

Kahit kailan ay napakapabaya mo Jiro. Kitang kita ko kung paano siya mawala sa sarili at magwala sa tapat ng auditorium.

Nagmadali siyang lumabas kasama si Ashe.

Nakita ko ang bawat pasa at galos na nakuha ng babaeng yun pero bakit? Ano ang nararamdaman ko?

Bakit nararamdaman ko ang sakit na to? Kumirot ang dibdib ko at hindi ko mapigilan na hawakan ang dibdib ko.

Ilang hakbang palang ang nagagawa ni Jiro ay inatake siya muli ng sakit niya. Nawalan siya muli ng malay.

Nang pahakbang na ako ay isang tao ang hindi ko inaasahang makikita ko.

Bakit nandito si Aizen? Anong ginagawa niya dito?

Nakasandal si Aizen sa gilid ng auditorium. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya pero nagtataka talaga ako. Hindi ko din alam kung nakita niya ba ako o hindi. Dahil madilim sa kinalalagyan niya pero sigurado akong si Aizen yun.

Umalis siya sa pwesto niya at dun lang ako natauhan na papunta ngapala ako para tulungan sila Jiro.

Tinawagan ko ang iba kong kagang at ang iba pang gang ng GG para mapag usapan ang susunod na gagawin namin matapos ng ginawa ngayon ni Jiro.
--

Iniwan ko si Ashe sa clinic kasama ang pinagkakatiwalaan kong mga nurse dun.

At lahat kami ay nasa kwarto sa loob ng library na pagmamay ari ni Jiro.

Nandito kasama namin si Jiro na wala pa ring malay.

Nakakainis talaga siya. Kahit kailan ay baliw at napaka isip bata.

Lahat ng gang ay nandito na. Nandito na rin si Lorde na hindi naman nalate ngayon.

Kumpleto ang GG maliban kay General na tanging sa General Hall lang namin makakausap.

"Asan si Ashe?" Pagkagising na pagkagising palang niya ay naisip nanaman niya ang kabaliwan niya.

"Jiro itigil mo na to!"

"Nasan si Ashe" hindi nakatingin na na tanong nito.

Hindi siya ang isip bata at ang kinaiinisan kong si Jiro. Iba ang Jirong kaharap ko ngayon.

"Nasa clinic siya" tugon ko upang mabawasan ang pag aalala niya. "Itig--"

"Anong ititigil ko Yohann?!"

"Putangina! Itigil mo na ang pagiging malapit sa babaeng yun lalo na ang pagliligtas sakaniya! Isa lang siyang ordinary--"

"Putangina mo rin! Sinasabi mo bang intayin ko nalang na maubos ang tao sa school na to bago ako kumilos?! Kailan pa natin malalaman ang makakapagligtas ng mga buhay ng nandito?! Pag patay na tayong lahat?!"

"Gago ka! Napakagago mo Jiro! Sa kapabayaan mo madaming madadamay! Ang buong gang! Kilala mo na ba talaga ang babaeng yun?! Alam mo ba kung sino ang tunay na siya para pagkatiwalaan at isugal mo ang buhay mo para sakaniya?!"

"Bago moko sabihan na kilalanin ko siya, kilalanin mo muna ang sarili mo"

Walang nagtangkang umimik sa katahimikan sa loob ng kwartong yun.

Walang kibo si Aizen at Lorde.

"Tigilan mo na siya Jiro. Siya ang magiging dahilan ng pagkam--"

Mabilis ang pangyayari at naramdaman ko nalang ang dugo na nasa bibig ko.

"Ako ang tigilan mo Yohann. Kahit kailan hindi ko siya hahayaan na maging katulad ni Charlotte"

Lumabas siya ng kwarto ng wala sa sarili at naiwan akong tulala.

Bumalik ang sakit. Alaala at mga sugat na hanggang ngayon ay dala ko pa rin.

"Hayaan niyo munang lumamig ang ulo ni Jiro. Saka nalang natin siya kausapin pag umokay na siya"

Lumabas na si Lorde pagtapos niyang sabihin iyon.

Lumabas na ang lahat kasama ang mga kagang ko na sinabihan kong iwan muna ako mag isa.

Tanaw na tanaw ko sa binatna mula sa kwartong ito ang mga paghahandang ginagawa nila sa tradisyon sa biyernes.

Nanginig ang buo kong katawan.

Naghahalo ang mga ideya sa isip ko. Gusto kong lumaban pero gusto kong magintay.

Pero sa bawat araw na nakikita ko ang sitwasyon namin sa loob ng eskwelahang ito, nahihirapan ako.

Paglabas ko ay naramadaman ko ang hangin. Hangin sa loob ng eskwelahang ito na kung saan kami pinapatay.

Ang sinabi ni Jiro kanina. Totoong tumagos ang sinabi niya sakin.

Hindi sa hindi ko pa kilala ang sarili ko kundi hindi ko na kilala ang sarili ko.

Natatakot akong dumating ang araw na kahit ako ay hindi ko na makontrol ang sarili ko.

Ayokong ako mismo ay matakot sa mga kaya kong gawin.

Baka bukas o sa susunod na araw, mangyari uli ang mga nangyari noon.
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon