"Minsan na ngalang ako magseryoso, si Kamatayan pa talaga ang kaharap ko"
—Jiro's Battle.
Jiro's POV
"Jiro, ngayon ko lang mararanasan ang Nullum Tellum" bulong ni Nelho habang hawak hawak ang isang baso ng wine.
"Kahit naman ilang ulit mo pang maranasan ang Nullum Tellum, hindi mo yun kahit kailan magugustuhan" sabay inom ng wine na hawak ko.
"Bakit pakiramdam ko, makuha man ng isa satin o hindi ang badge, pareho pa rin tayong talo"
Sobrang nakarelate ako sa nararamdaman ni Nelho dahil pareho kami ng nararamdaman.
Na parang kahit anong resulta sa huli, mamamatay din naman kami lahat.
"Kasi sa totoo lang, sabay sabay tayong lalaban mamaya, pero isa lang ang makakakuha ng kalayaan at makakalabas sa eskwelahan na ito. Pero ang iba, makakalabas lang ng wala ng buhay at iuuwi sa mga pamilya nila bilang bangkay"
Tama. Sa ganun lang kami makakalabas.
Hindi ko kayang isipin na iuuwi ako ng ganun. Nakakatawa.
"Basta ako gusto ko ng red na ataol"
"Tss. Hindi moko madadaan sa ganiyang biro Jiro. Alam kong hindi ka nakakapagbiro sa ganitong sitwasyon"
"Minsan na ngalang ako magseryoso, si Kamatayan pa talaga ang kaharap ko"
"Hindi malabong manalo ka mamaya," mapaklang ngiti niya habang may ilang maliliit na naipong tubig sa mga mata niya.
"Kung kayo ang kalaban ko, kahit isa sa inyo ng Brokers, o kahit kaaway ko sa loob ng GG, mas pipiliin kong lumabas ng impyernong to sa loob ng isang pulang kabaong"
Bakit tangina? Tanginang akalain mong napapaluha ako?
Sabagay. Moment of Truth na para samin.
Para malaman namin kung hanggang saan lang kami.
Naghahanda na ako sa kwarto ko ng mareceive ang text ni Nelho.
'Jiro,
Hindi ko kayang labanan ang kahit sino sa atin. Tama ka. Mas pipiliin ko nalang din na lumabas ng eskwelahan sa loob ng isang ataol'
"Putangina!" Bulalas ko sabay karipas ng takbo sa dorm niya.
Magpapakamatay ang gagong to! Sigurado ako doon! Kailangan kong makaabot!
Hingal na hingal akong pinagkakatok siya pero hindi niya na ito binubuksan.
Ano ba ang passcode ni Nelho?
Tangina! Naiwan ko ang phone ko!
0976
8982
2418
1320
7779
"PUTANGINA!! Ano bang password mo Nelho?!"
Kinusot kusot ko na ang mukha ko at nagbababaktol para malaman ang passcode niya.
"Birthday niya kaya?"
0813
6593
3192
Wala! Taragis! Ano ba kasi?!
Hindi ako pwedeng tumigil! Ano bang passcode niya?!
Tinakbo ko muna ang phone ko sa dorm at hinanap ang passcode ni Nelho.
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Mistério / SuspenseThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...