Chapter 38: A Traitor

1.2K 26 2
                                        

"How dare you make this kind of dangerous decision?!"
--

Pinag uusapan na namin ang planong sinasabi ni Jiro. Nandito kami sa lugar na meron si Aizen.

"Okay. This is all the routes" bulalas ni Jiro na ibinigay ang malaking papel. Katabi naman nun ang mapang ibinigay ni Aizen. "We have to escape this place and contact the Catchers to take care of all we got. Either pictures or sounds as long as it is a clue" napakunot ang noo ko ng marinig sa mga bibig ni Jiro na makikipag cooperate siya sa grupo nila Yohann.

"Ok" sabat ni Yohann na wala namang ibinalik na kahit ano kundi ang pagpapatuloy lang ng sinasabi nito.

"For the Down Caster you need to study those things we got. Because its either be a clue for the next route. Kalahating routa lang alam ko, ibig sabihin maaaring hindi kami makabalik kung mahulaan nila ang routang ginawa ko"

"Call" sabat ko naman dahil hindi nagsasalita si Aizen. Hays. Kahit ako minsan, nahihiya nalang din sa iba dahil sa kilos ni Aizen. Minsan nakakatawa nalang.

"And for Black 11, if we are not yet back after 5 hours, you have to track us and please monitor us"

Delikado ang gagawin nila Jiro. Paano kung mahuli sila ng Master Turner? Ano kaya ang maaari nilang gawin?

"This plan is a plan that needs a function of every group. Mahalaga ang hahawakang details ng Catchers at lalong lalo na ang magiging sagot ng Down Caster. Standby muna ang Black 11"

Sa pagkakaalala ko, bago pa man nagmeeting ngayon ay nagmeeting na si Aizen at Jiro kagabi. Ano kaya ang pinag usapan nila? Hindi ko na kasi narinig dahil pinauwi na kami lahat ni Aizen.

Hindi ako sasabak sa pagpunta sa kampo ng kaaway pero kinakabahan pa rin ako dahil hindi sigurado ng kahit sino sa amin ang lahat ng planong ito.

"GG its a deal" walang takot sa mga mata ni Jiro. Talaga namang sa pagiging matapang ay siya ang masasabi kong kahanga hanga.

"Deal"

Sa pagsambit ng salitang yun, ay parang maraming bagay ang maaaring mangyari sa mga susunod na oras.

--

Dumating na ang araw ng pag gawa namin ng plano.

Tama si Jiro. Bawat routa ay may clue lamang. Hindi nila ito tuloy tuloy na mapapasok kung hindi nila alam ang maaaring kahulugan ng clueng iyon.

Nagsuot ng itim ang lahat ng Brokers. Puti ang sa catchers. At dahil nasa computer at monitoring lang naman kami ay wala kaming parehong kulay ng mga kagrupo ko. Kasama namin sa kwarto ang Black 11. Kung sakali man na may hindi magandang mangyari kina Jiro ay susunod naman doon ang Black 11.

Kinakabahan ako para sa Brokers. Pero alam kong kaya namin ito. Isang paraan to para makagawa kami ng antidote at malabanan ang Master Turner sa susunod na produksyon ng drugs na gagawin nila.

"All set" nagsalita na si Aizen na nangangahulugang pwede ng kumilos ang Brokers sa kani kanilang pwesto.

May kaniya kaniya kaming computers. Bago pa lamang ang plano ay mayroon nang ikinabit ang Brokers sa mga routang dadaanan nilang spying cameras para mamonitor namin ang kilos nila.

"First route. Success" rinig kong bulong ni Jiro.

Mayroon din silang speaker device na nakakonekta samin at upang marinig namin ang itatanong nila.

Ang Catchers naman ang bahala sa pagcapture o pagsasabi ng nakita nilang clue pero tahimik pa rin ang linya nila.

"Second route. Success"

Sa bawat sinasabi ni Jiro na success ay gumagaan ang loob ko. Sana nga ay matapos nila ito.

"Jewel Jar. There is a Steroid. any of various compounds containing a 17-carbon 4-ring system and including the sterols and numerous hormones (such as anabolic steroids or corticosteroids) and glycosides (Meriam Webster) " mula sa linya nila Yohann.

"Brokers. Get a drop of that" utos ni Aizen habang tinatype ang sinasabi ni Yohann tungkol sa bagay na yun.

"Got it" nagawa uli ni Jiro ang kailangan niyang makuha. Pero sa mga sumunod na daan ay nanganib na ang buhay niya.

"Down Caster. Cant get the clue on the passcode for the next route"

"Shit" bulong ni Lorde na baka ay nag aalala na rin. "Whats with that?"

"CapOfZim"

Sinubukan ng iba kong kagrupo na magresearch sa internet pero wala kaming makitang ganung code.

"Harare" simpleng bigkas ni Aizen na ngayon ay sinusubukan na ni Jirong gawin sa nakalatag na passcode device sa susunod na routa.

Ano ba ang Harare?

Isinearch ko amg Harare at nakita kong capital ito ng Zimbabwe. Tama! CapOfZim. Capital Of Zimbabwe.

"Thirs route. Success"

Nakapasok sila doon sa sumunod na routa pero biglang dumilim ang paligid mula sa screen ng computer na meron kami.

"Down Caster. We cant see anything" narinig ko si Warren sa kabilang linya na bumubulong ng mga salitang iyon.

"Well find a cheat" mula naman sa kampo nila Lorde.

Lumiwanag naman ang paligid pero wala na dun si Jiro.

Asan siya napunta?

Tinignan ko si Aizen na hindi pa rin naman nababago ang reaksyon.

Nagawa agad ni Lorde na makagawa ng cheat dahil lumiwanag na ang screen kanina lang pero ang ikinaaalarma ko ngayon ay ang pagkawala ni Jiro. Nasan siya?

"Brokers, can you find Jiro?" Tanong ko.

Walang maayos na nakapagresponse dahil lumabo ang signal.

Ano ng gagawin namin? Asan si Jiro? Paano namin siya matutulungan kung wala naman siya?

Ibinalik ko ang tingin ko kay Aizen ngunit wala pa rin siyang pagbabago? Hindi ba siya nag aalala kay Jiro?!

Nag aalala at kinakabahan na ako! Tila nawala rin ang konsentrasyon ng Brokers sa kailangan nilang gawin dahil nawawala na si Jiro.

"Brokers, half of you proceed to the next route. Half of you, stay" utos ni Aizen.

"But how can we find Jiro?!" Halata ko na ang galit sa tono ng pananalita ni Nelho.

"Stay still Nelho"

"Susunod na kami Aizen. Kailangan na nila ng back up" tumayo na ang Black 11 pero isang kataka takang sagot ang lumabas sa bibig ni Aizen na hindi ko nagustuhan.

Hindi ako makapaniwala na kaya niya itong sabihin sa panahong ito.

"Just sit Lorde. Let Brokers do their job and domt back them up"

"Aizen nababaliw ka na ba?! Kailangan na nila ng tulong namin?! Kailangan na! At uupo lang tayo dito?!"

"Yes. Wait for five hours"

Napakurap kaming lahat na nasa loob ng kwartong iyon.

Ano bang nasa isip ni Aizen sa mga oras na ito? Naiisip ba niya na nasa panganib na sila Jiro? Ang Brokers? Ang parte ng gang na kinabibilangan niya?

"How dare you make this kind of dangerous decision?!" Kumuyom ang kamao na Lorde sa galit. "Aizen!"
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker

Gangs Of The General (GG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon