Chapter 15: New Classmates

1.4K 45 1
                                        

"Close your eyes, hear my words. Assasins would be great if they have strong body, fast actions and best of all logicaly educated. If you cant pass on just simple academics, it means you are not qualified to be an assasin. You are just mere trash to this school molding golds. That is all. Farewell."
--

Ashe's POV

Nasa pang 24 na pero di pa ako natatawag. Alam ko naman na hindi ganun kataas ang grades ko kaya imposibleng makapasok ako sa top nato.

"For the 21st place, Ms. Ashe Delos Reyes"

A-ako?! Napatalon ako sa tuwa ng may lumapit na guard sakin para dalhin ako sa kabilang parte ng oval.

"For the 20th place, Mr. Nelho Sales"

Nelho pala ang pangalan niya. Siya ang lalaking kinausap ako kagabi tungkol kay Jiro.

Kahit hindi ako nakakuha ng badge ay masaya akong isa ako sa mga mabubuhay ngayong gabi! Hindi ko to inaasahan! Higit pa to sa napili akong magmomodel ng isang malaking kumpanya!

Pero nag aalala ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin natatawag si Ranz. Hindi kaya? Hindi. Pero ang sabi niya sakin kanina ay para yun sa special project ibig sabihin mababa ang nakuha niyang grades? Nag aalala talaga ako.

Nasa Top 10 na kami. Ang inaabangan ng lahat. Kung saan sila ang may hawak ng mas mataas na kapangyarihan. Ayon sa mga narinig ko, ang mga may puting badge ay mas mataas lang samin pero walang kapangyarihan na tulad ng mga may black badge. Maraming lamang ang may mga black badge tulad nalang na pwede silang lumabas sa eskwelahan na to sa isang araw, maaari silang mamuno sa kahit anong organisasyon dito at higit sa lahat maaari silang pumatay kung kailangan.

Hindi ko kilala ang top 10 at 9 pero babae sila. Nagulat ako ng tawagin si Ranz. Hindi lang ako nagulat. Natuwa rin ako.

"Ang galing mo Ranz" bulong ko na tanging ako lang ang nakakarinig.

"Mas magaling kaya ako"

Napabalikwas ako ng biglang sumulpot tong si Jiro.

"Okay ka na ba?"

"Oo. Dahil sayo"

Wow. Speechless ako dun. Tinuon ko nalang ang pansin ko sa nagsasalita dahil wala naman akong maibabatong salita sa sinabi ni Jiro.

"For the 4th place, Mr. Yohann Perez"

Siya? Nakita ko na siya. Tama. Siya yung lalaking nakita ko sa bookstore na nakatitig sakin? Siya ba? Siya ba ang leader ng Catchers? Hindi naman siya mukhang nakakatakot.

"Bakit ganiyan mo siya tignan?"

Nakatingin pala sakin to si Jiro? Ano naman kayang problema niya?

Hindi ko nalang siya pinansin at tinignan ang lalaking papalapit sa posisyon namin.

Ang mukha niya. Napaka amo. Na parang hindi siya miyembro ng gang na kinakatakutan.

"For the 3rd place, Mr. Jiro Milliares"

Aba?! Aba! Mayabang na ngumisi si Jiro bago tumingin sakin at binigyan ako ng mayabang na irap. Hays. Childish.

"Paano ba yan Yohann? Mas mataas ako sayo ngayon?" Naku. Napakayabang niya talaga.

"Nung nakaraan naman ako ang nandiyan sa posisyon mo e"

Mukhang hindi ako napansin nung Yohann kasi nasa likod namin siya. Buti naman at di na niya ako napapansin o talagang di niya na ako kilala. Medyo awkward kasi ang una naming pagkikita.

"For the 2nd place, Mr. Lorde Delos Reyes"

Ang galing pareho kami ng last name. Pero muling sumagi sa isip ko si Gray matapos kong makita ang mga mata niya. Si Gray. Bakit hindi siya kasali sa top? Kung sakaling nandito siya ngayon? Bakit kaya wala siya dito? Posible kayang nung nakaraang taon ay hindi siya nakapasa?

"For the biggest rank,"

"Hays, siya nayan. Sila lang naman ni Lorde laging nagkakatalo sa laban e. Kahit .5 lang naman talaga lamang nila sakin" ako ba ang kausap ni Jiro? Wala naman kasi siyang ibang katabi e? Wala narin naman sa likod ko yung Yohann. Baka lumipat na ng upuan.

"So, congratulations to all passers. The first 50 students that passed will be the section Diamond."

Naalala ko ang sinabi kanina. Anong gagawin nila sa mga hindi nakapasa.

"All who failed, come in the center"

Maraming natakot lumakad papunta sa unahan. Kahit ako man kung nasa kalagayan nila ay nakakatakot talaga.

"Close your eyes, hear my words. Assasins would be great if they have strong body, fast actions and best of all logicaly educated. If you cant pass on just simple academics, it means you are not qualified to be an assasin. You are just mere trash to this school molding golds. That is all. Farewell."

Naiyak ako pagkasambit niya nun.

Hinila ako ni Jiro at inihilig sa balikat niya.

Narinig ko nalang ang sunod sunod na pagputok ng baril.

"J-Jiro a--"

"Just stay like that."

Parang nawalan ako ng hangin na maihihinga.
--

Nagising nalang ako ay umaga na. Iba na ang dorm na kinalalagyan ko ngayon. Iba na rin ang mga kasama ko.

Mas madami kami ngayon. Kung dati ay sampu lang kami ngayon ay siguro humigit kumulang nasa 50 kami.

Sino kaya ang nagdala sakin dito?

Bumangon na ako. Binigyan kami ng bagong schedule na nakalagay sa bawat table namin.

Teka? Nasan ang salamin ko?

Naalala ko tuloy ang ginawa kong pag didisguise bago umuwi ng Pilipinas. Baka kasi makilala ako ni Gray kung sakaling magkita kami e. Kaya pinaputulan ko ang maitim at mahaba kong buhok ng hanggang balikat at pinakulayan ko ng brown. Ang contact lenses ko ay pinalitan ko ng eyeglasses. Malabo kasi ang mata ko. Pinatanggal ko rin ang braces ko. Sa una mahirap mag adjust pero ngayon, para sakin mas mahirap na ang maging normal na estudyante sa lugar na to.

Nawawala ang salamin ko. Naku. Baka naman kasi natanggal kagabi.

9 am na ang pasok namin at 8:30 na. Malabo ang paningin ko. 300 at 350 kasi ang grado ng mga mata ko kaya mahirap pag wala akong salamin. Hays.

Haluh! Ngayon na pala kailangan ni Ranz yung panyo?! San ko kaya hahanapin yun?!

Nagbihis na ako at nagmadaling pumasok.

Naku panigurado late na ko!

Ang labo talaga ng paningin ko. Halos maaninag ko lang ang mga bagay pero kaya pa naman. Mamaya kukuha nalang ako ng eyeglass.

Maalala ko nga pala! Si Jiro ang kumuha nung panyo na yun! Tinanong niya pa nga ako kung ano raw yun e halata naman na panyo yun?! Hay Jiro minsan din medyo baltikin ka e.

Bakas sa laki ng school ang epekto ng pagkawala ng maraming estudyante.

Nasan na kaya ang mga kaluluwa nila? Napasulyap ako sa langit at tinignan ang maputing kalangitan na sa ibang parte ay asul. Napaka payapa ng langit. Sana ay ganun din dito.

Pagpasok ko ng classroom ay nag iba narin ang mga kaklase ko.

Ha?! Kaklase ko sila?!
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker

Gangs Of The General (GG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon