"Hindi ko alam, kung sa ginawa mo ay magigising mo ang mabangis na halimaw sa loob niya"
--Cless' POV
Papunta ako ngayon kay Auntie. Dadalawin ko siya sa office niya para na rin makipag ugnayan sa mga naisip kong baguhin sa mga batas.
"Oh Cless, goodmorning. Mukhang masyadong maaga ang pagkilos na to?"
"Hindi. Masyado na ngang huli Auntie"
Ngumisi lamang siya pero nakapansin ako ng kakaiba sa ngisi niyang iyon.
"May bumabagabag ba sayo Auntie?"
Nawala ang ngisi niya ngunit maya maya ay mahina siyang natawa.
"Sa totoo madami. Pero isa ang talagang nagpapaisip sa akin ngayon"
"Ano po yun?"
Nagbuntong hininga si Auntie at saka nagsalita at bumanggit ng pangalang hindi ko talaga kahit kailan gustong naririnig.
"Si Ashe, hindi ko alam kung bakit gumugulo siya sa isip ko"
"Ako na ang bahala sakaniya. Hindi naman siya sagabal dahil isa lang siyang pasaway na bubuwit"
Hindi ko nagustuhan ang pag iling ni Auntie at pag ngisi na parang may mali sa mga sinabi ko.
"Hindi"
"Auntie?!" Medyo tumaas ang boses ko at at lalo pang nadagdagan ng magsalita si Auntie uli.
"Maamo ang mukha niya. Banayad ang boses at galaw. Pero nung tinitigan ko siya, nakita ko ang isang napakabangis na halimaw"
Natatakot ba siya sa babaeng yun? Sa babaeng yun na walang alam? Tss. Its nonsense.
"Hindi siya yung tipo ng taong dapat mong ikabagabag Auntie"
"Nagkakamali ka. Cless, hindi ko alam kung sa ginawa mo ay magigising mo ang mabangis na halimaw sa loob niya"
Ako naman ang ngumisi ngayon. "At yun ang gusto ko. Saka na kami magharap"
Pumalakpak si Auntie ng mahina at nagpakawala ng matatamis na ngiti. "Thats my girl"
"I am"
Wala akong pakialam kung ano man ang mayroon sakaniya. Kung ilang sungay meron siya at kung sino siya talaga. Wala. Wala akong katiting na pakialam.
Si Lorde, humanda siya sakin.
Pinangahasan niya akong traydurin. Humanda siya sa pagkikita namin.
Lorde's POV
Mula kagabi ay hindi lumabas si Ashe. Hindi siya bumaba para kumain ng agahan.
Sinubukan ko siyang katukin pero nauunahan ako ng hiya at takot na baka hindi na ako si Aizen para sakaniya. Ubos na ang gamot niya at malamang ngayon ay magaling na siya.
Nag aalala ako dahil hindi pa siya kumakain. Nag aalala ako na wala siyang lakas sa pag alis niya dito.
Naihanda ko na ang lahat ng kailangan at ngayon ang tamang oras.
Tatlong katok lang ay bumukas agad ang pinto.
Nagulat tuloy ako sa paglabas niya.
Nakabenda ang lahat ng sugat niya at tila hindi iyon masakit para sakaniya. Nakakapagtaka.
Pero ang pinaka nakakapanibago ay ang buong siya. Parang hindi mababakas sakaniya na siya si Ashe. Hindi ko magawang maramdaman na siya ang Ashe na kilala ko. Hindi ko maramdaman ang prisensya ng maamong Ashe na minahal ko.
"A-As--"
"Halika na"
Dire diretso siyang naglakad na walang iniindang sakit samantalang sariwa pa ang lahat ng malalalim na sugat niya at ang pilay niya sa mga paa.
Nakaramdam ako ng pagkabog ng dibdib. Hindi ito dahil masaya ako.
Natatakot nga ba ako?
Ginamit ko ang kotse ko. Habang nasa loob ng kotse ay hindi ko maiwasang tignan siya na nasa tabi ko lang.
Diretso ang tingin niya. Masyadong malalim ang iniisip niya na hindi ko na kayang hulaan pa. Ni hindi ko kayang umisip ng salitang masasabi sakaniya.
Nakarating na kami sa gate ng eskwelahan at dun din nag aantay ang tauhan ni Lady M.
Kilala ko si Ken. Isa lang naman siya sa minsang humawak ng Gold Badge at alam ko rin na makakayang maipagtanggol si Ashe kung sakaling dumating ang Masters Turner. Malaki ang tiwala ko sakaniya.
"Andito na tayo"
Hindi siya bumaba agad. Wala akong katiting na nakikitang pagkakatulad nila ni Ashe. Hindi ko nga makita ang pag iyak niya. Masyado akong nag aalala.
Bumaba ako para kitain si Ken.
"Matagal ka bang nag antay?"
"Hindi naman. Kakarating ko lang din. Nasaan na siya?"
"Pababa na rin. Ken, ingatan mo siya. Siya ang magliligtas sa buong BEU"
"Makakaasa ka. Iingatan ko siya basta ingatan mo rin ang kapatid kong kagrupo mo"
"Hindi ko pababayaan si Axl"
Tinapik niya ang balikat ko at malungkot na ngumiti sa akin.
"Matigas ang ulo nun at at hindi agad agad sumusunod kung alam niyang may punto siya"
Mahina akong tumawa dahil totoo ang sinasabi ng taong to.
"Tama ka. Nahihirapan din akong pasunurin siya minsan"
"Pero kahit ganun, hindi mo kailangang mag alala pagdating sa pagiging tapat niya. Hindi mi agad agad makukuha ang tiwala niya pero pag naibigay niya na iyon, mahihirapan na kayong alisin ang tiwala niya"
Napatahimik ako sa sinabi niya. Matapos niyang malaman na hindi ako naging tapat sa GG alam kong baka nawala na din ang pagtitiwala niya sakin.
"Masyado ng madilim. Kaya mabuti pa umalis na kayo" bigkas ko.
Nakita kong palapit na sa amin si Ashe.
"Oo sge. Lorde, ang kapatid ko. Ako na ang bahala kay Ashe" kumindat siya at malamang kung may mga babae lang ang nandito malamang ngayon ay nagtitilian na.
Si Ken, kahit na nakalabas na siya dito ay hindi pa rin siya tumitigil sa pagtulong kila Lady M. Mas nauna siyang nakapasa dito sa loob ng eskwelahan at desisyon din ni Lady M na doon siya mabuhay sa labas para mas mapadali para sakaniya ang kumilos kung sakaling may kailangan si Lady M. At ang kapatid niya namang si Axl ang magpapatuloy ng gawain niya dito. Wala namang pumilit sakanila pero desisyon nila ang tumulong ng walang kapalit. Kahanga hanga.
Nauna na si Ken sa kotse at sumunod si Ashe.
Muntik ko ng makalimutan ang kakailanganin ni Ashe sa paglabas.
Hinawakan ko siya sa balikat at ibinigay ang bote ng tubig na ibinigay ni Lady M. Dahil aalis siya sa eskwelahan, baka mamatay siya kung hindi niya mainom ang tubig na sa eskwelahan lang naibibigay.
"Ashe, inumin mo to" hindi siya nagbitaw ng salita sakin kaya nakaramdam ako ng pagkailang at ipinagpatuloy nalang ang pagsasalita ko. "Tuwing nahihirapan kang huminga, inumin mo yan. Si Ken na ang bahalang magbigay sayo pag naubos yan"
Pagtapos kong sabihin yun ay nakita ko siyang lumakad paalis sa impyernong to.
Binusimahan ako ni Ken at nakita ang pag alis nila.
Sa sobrang saya ko ay napangiti ako pero sumabay ang pagtulo ng luha sa mata ko.
Mula ngayon, hindi ko na kailangang isipin pa na mapapanganib ka.
Goodbye, Ashe.
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Mystery / ThrillerThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...