"It is like, i dont want to move away from this moment"
--Naghanda na ako ng makakain ko.
Hindi ko alam kung kailan siya magigising kaya ako muna ang kumain.
Habang kumakain ay hindi mawala sa isip ko yung pangyayari kagabi.
Bigla ko nalang nakikita ang sarili ko na ngumingiti. Talaga atang nakakabaliw ang maging kasama ang isang baliw. Nakakatakot.
Pagtapos ko kumain ay bumalik ako sa kwarto para hanapin ang damit ko na ipapamalit dahil pupuna ako ngayon kila Master. Kailangan nila ng update.
"Saan ka pupunta Aizen?"
Napahinto ako sa paghahanap ng damit ng makita ko siyang bumangon at inayos ang hinihigaan niya.
Tumingin siya sakin at ngumiti.
"Basta, sana umuwi ka kaaagad"
Napakurap ako. Hindi ko alam kung matatakot ba ako o matutuwa sa pinagsasasabi niya.
Hindi ako patay para akalain niyang ako si Aizen. Hays!
Bago ako lumabas ng kwarto ay muli niya akong tinawag sa pangalan na yun.
"Aizen, hindi ka naman mawawala diba?"
Kailangan niya ng mainom ang lahat ng gamot niya. Palala na siya ng palala.
--Dumaan muna ako sa clinic para ipaalam kila Yohann ang tungkol sakaniya.
"Gising na siya at paulit ulit niya akong tinawag sa pangalang Aizen. Napipikon na ko"
Alam ko sa sarili kong hindi ako napipikon.
"Hayaan mo siya. Kailangan niyang mainom ng tama ang mga dosage na naibigay ko sakaniya kaya sana masubaybayan mo yun. Dahil sa emotional shock niya, nararanasan niya pa rin ang ilang hallucinations. Kaya nakikiusap ako na tulungan mo siya"
Paglabas ko ay napaisip ako, literal palang baliw ang kasama ko sa bahay. Pero, nagawa ko siyang makatabi?! Shet.
Masters Turners Hub.
"Master"
"Kumusta Blue?"
Gusto kong malaman kung hawak niya pa ang mama ko.
"Master, mag uupdate lang. patuloy pa rin sa plano ang GG. Wala naman silang ibang ginagawa bukod sa paghahanda sa susunod na tradisyon"
"Oh see. E balita ko may binabantayan kang babae? Bakit siya pinapabantayan ng GG?"
Sasabihin ko na ba?
Aaminin ko sa sarili ko na naniwala ako sa mga sinabi ni Aizen kaya mula noon ay nagduda na ako kay Master. Kaya medyo alanganin ako ngayon.
"Pinapagalagahan siya nila Yohann at Jiro. At dahil mahina siya, piniprotektahan siya ng buong gang nila"
"Wow. Thats great. Natutuwa talaga ako. Mula ng dumating ang babaeng yan sa GG mas napadali hanapin kung saan sila mahina. Sge. Ipakita mong nakikinig at sumusunod ka sa utos nila. Para hindi na sila uli magduda. Ako ng bahalang magpatunay nun"
"Patunay?"
"Hahahaha! Akong bahala sayo Blue. Wag kang mag alala"
"Master, kumusta na po ang mama ko"
"Nagpapahinga siya. Hilig niya pa rin ang kumain ng kasoy tuwing hapon"
Si Master nga. Si Master ang totoong may hawak kay mama. Alam niya ang ginagawa ni mama tuwing hapon. Ibig sabihin, si General ang nagsisinungaling sa akin.
Isang gawa gawang paandar lang yung ipinarinig niya sa akin na boses ni mama. Tangina.
Umalis na ako sa Hub at dumiretso na sa dorm ko. Nadatnan ko dun na nag lilinis ng bahay ang babaeng yun?
Wow. Tao na ba siya uli? Nakakaramdam na kaya siya na pabigat na siya sakin?
Nabigla nanaman ako ng lumapit siya sakin at ngitian ako.
"Nalinis ko na ang bahay. Alam ko kasi na ayaw mo ng madumi"
Ipinagpatuloy niya ang pagtatanggal ng alikabok gamit ang feather duster.
"Ngapala Aizen, hindi pa ako nagluto ng ulam kas--"
"Hindi ako si Aizen!"
Naalala ko ang inutos ni Master sakin na sundin ko muna ang utos ni General kaya napahinto ako. Hindi na kasi ako natutuwa na tinatawag niya ako sa pangalang hindi naman talaga ako.
Agad na tumulo ang luha niya.
Gusto ko siyang lapitan pero alam kong hindi dapat. Kaya umakyat nalang ako at doon sa taas nagpahinga.
Gabi na ng magising ako.
Mukhang naeenjoy ko na ang matulog ngayon. Sabagay di pa ako masyadong bawi sa tulog.
Gusto ko ng kumain.
Walang tao sa kusina kaya malamang tulog na rin siya.
Alas 7 palang? Ang aga naman niyang natulog.
May ilang kakaibang anino akong napapansin sa paligid ng dorm ko. Sino sila?
Imposibleng galawin ako ng taga dito dahil alam nilang isa ako sa GG at may hawak na itim na badge. Kung ganun, sino sila?
Narinig ko ang pagbaba ni Ashe habang kumukuha ako ng tubig sa ref at niyakap niya ako mula sa likuran.
Nakapulupot ang mga kamay niya sa harap ko at talagang parang hindi na ako makakawala sa pagkakayakap na yun.
"Hoy! Hindi ako si Aizen kaya it--" habang tinatanggal ko ang kamay niya ay malaya ko lang itong natanggal na parang wala siyang kahit anong lakas. Saka ko lang nalaman na may tama siya ng patalim sa likod. "Ashe!"
Ayoko sana talagang tawagan sila Yohann pero para maging maayos ang lagay niya, kailangan.
Ginamot naman nila Yohann si Ashe agad. Mabuti nalang at hindi naman daw masyadong natamaan si Ashe.
Wala si Jiro kaya walang mainit ang dugo na nasa loob ng dorm ko.
Habang lumilipad ang isip ko sa pag aalala ay biglaang nagtanong si Yohann.
"Nagpupunta ka pa ba sa Masters Turner?"
"H-hindi na"
"Lorde, bantayan mo naman siya ng maigi" nalagyan na niya ng bandage ang likuran ni Ashe at saka humarap sakin. "Hindi ko alam kung sino ang maaaring gumawa sayo nito. Pwede kayang,"
"Ano?"
"Baka dahil nasa amin ka ay pinapakita nanaman ng Masters Turner na dapat sakanila ka lang?"
Puta. Mukhang ito na ang sinasabi ni Master na siya na ang bahala para mapaniwala ang GG.
"Hindi pa ako sigurado. Pero sa ngayon, mag ingat ka. At ingatan mo siya"
Hindi ako sumagot at inayos na niya ang gamit niya pero bago siya umalis ay nagsalita muli siya.
"Pero sa pagtawag mo sakin para gamutin siya, ay isa na sa maaaring maging dahilan para mapagkatiwalaan kita"
Hindi ko siya tinignan pero kumirot ng kaunti ang dibdib ko.
"Gawin mo ang lahat para mainom na niya ang mga gamot niya. Para matigil ang hallucinations niya at para hindi ka na rin niya tawagin sa pangalan ni Aizen. Sge una na ako"
Inilock ko ang pinto at siniguradong nakalock ang lahat pati ang bintana.
Tinignan ko ang babaeng tahimik na nahihimbing sa tabi ko.
Although you know me as Aizen, it is like i dont want to move away from this moment.
I dont want Aizen as a person but i want to be him, because i envy him with your love.
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker
![](https://img.wattpad.com/cover/141839462-288-k608938.jpg)
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Mystery / ThrillerThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...