Chapter 142: Wicked

520 18 0
                                    

"No one wants to stop here"
--

Kc's POV

Ang bilis masyado ng panahon.

Di ko akalain na bukas na pala ang pagdiriwang para sa pagtatapos ng taon na to.

At bukas na rin malalaman kung sino ang nanalo sa pagitan ng GG at ng Trio.

Nakakatawa pero akala ko sa pagkawala ni kuya matatapos na ang lahat para sa GG.

"Kanino mo nga ba binigay ang tiwala mo?"

Nagulat ako ng makita ko si Jiro sa likuran ko. "Paano mo nalaman na nandito ako?"

"Nahanap ka ng puso ko"

Baliw.

"Ibinigay ko ang tiwala ko at para sakin tanging pag asa para makalabas dito kay General"

"Pero bakit?" Tanong niya.

"Nagustuhan ko si Aizen. Walang kapintasan para sakin si Aizen. Sa tingin ko kaya niya ang lahat. Kaya niya ang kahit anong laban. Pero tulad mo, naisip ko rin kung gaano nga ba kabigat ang responsibilidad bilang isang General ng GG. At dun ko naisip, hindi ko pa nakita si General na hinayaan ang GG kahit alam kong madami narin kayong napagdaanan"

"Pareho nga tayo" bulong niya.

"Pero hindu ibig sabihin nun, kaaway ang turing ko kay Aizen. Dahil para sakin siya pa rin ang pinakamagaling"

"Sa tingin mo ba, makakalabas pa tayo dito?" Tanong niya.

"Oo pwedeng hindi. Alinmandun, okay na ako. Nakakasawa din naman na e" saka ako ngumiti sakaniya saka kami nagtawanan.

Nakakabaliw naman oh.

"Ako, natatakot lang ako na magharap kami ni Yohann yun lang"

"Natatakot ka na kay Yohann ngayon?"

"Natatakot kasi ako, hindi namin makontrol ang lahat at makalimutan na lang na mga parte kami ng GG"

"Sa loob ng BEU Jiro, kamangha mangha na ang magtagal kayo ng isang buwan bilang magkaibigan. Dahil bukas o makalawa, magpapatayan na kayo"

Tumango tango naman siya at saka nagpaalam umalis.

Umuwi na rin naman ako sa dorm ko at nakitang andun si mama.

Ayos na pala siya?

Simula ng nawala si kuya matagal tagal din siyang hindi nakapag pakita sa lahat dahil dinamdam niya ng sobra ang pagkawala nito.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Bakit sa dami dami ng pwedeng kampihan, sa pumatay pa sa kuya mo?! Masaya ka ba sa nangyari?"

Tinititigan ko lang siyang umiiyak.

Ngayon ko lang siya nakitang umiyak. Dahil noon puro poot sa pagngiti niya ang nakikita ko.

Puro kahindik hindik na ngiti.

"Kahit kailan hindi ka nakatulong samin ng kuya mo Kc! Kahit kailan! Hindi mo nga alam kung ano ang rason ni General kung bakit siya nandito! Puro ka pagmamatigas at p--"

"Bakit ma?! Alam ko ba ang rason mo?! Ang rason niyo ni kuya?! Ang rason kung bakit kailangan niyong ipapatay ang mga kaibigan ko noon?! Dahil lang sa nalaman nila na anak ako ng isang kriminal?! At sa tingin mo masaya ako sa nangyayari?! Hindi ako baliw katulad mo ma" agpapahinga ko mula sa sunod sunod na pagsasalita. "Kahit kailan di ako natuwa sa patayan. Hindi ako nagalit kay General. Alam mo kung bakit? Dahil sa pagpatay niya kay kuya, natigil na ang kasamaan niya at natuldukan na ang sobra sobrang muhi ko sakaniya. Kinampihan ko si General, dahil wala akong kahit sinong aasahan. Kahit sino. Dahil noon palang 12 taon ako, ay tinanggap ko nang wala na kayo bilang pamilya ko. Kaya wag na wag mo na akong papakialaman, Lady Q"

Umalis akong pinapahid ang mga luha ko sa lugar na yun.

Nagpatawag si General ng isang pagtitipon para samin.

Tanging si Hazel, ako at si Jiro lang ang nandito. Siya na daw bahala magsabi sa ibang Brokers para di na mahalata na madami kami dito. Baka malaman pa ng Trio na may pagtitipon kami.

"Goodevening"

Bati ni General at bumati din naman kami pabalik sakaniya.

Walang paligoy ligoy at direkta ang mga utos niya sa amin.

"Hazel, steal these things to their camp. Hindi ko alam kung kaninong kwarto matatagpuan to, pero tingin ko nasa kwarto to ni Dos" may tatlong bagay ang nakalagay dun.

Hindi ko matiyak ang mga kulay pero mga likido yun.

"Kc, alam kong mabilis ang utak mo pagdating sa mga gamot, kaya gusto kong pag aralan mo to. Pagtapos, subukan mo isang oras lang malalaman mo na kung nagtagumpay ka. At saka mo sabihin sakin"

"Anong dugo ba to General?"

"Saka ko sasabihin pag nagtagumpay ka na"

Tumango lang ako.

"At Jiro, masakit man sakin, pero ayon sa imbitasyong nakuha ko, lalaban tayo. Kalaban ko lahat ng leader ng GG"

Lahat kami na nasa loob ay nagulat.

"Pero General?" Takang tanong ni Hazel.

"Ayos lang. Jiro, ikaw ang pinakamakulit sa buong GG. Gamitin mo ang kulit na yun oara mabunot mo ang pinakahuli sa makakalaban ko"

"General, bakit?"

"Dahil oag ikaw na ang makakalaban ko, hindi na ako lalaban"

"General! Sa tingin mo ba papatayin kita ng walang kalaban laban?!" Naiinis na sambit ni Jiro.

"Hindi ito Nullum Tellum. Kaya sa tingin ko, pag sa pinakahuli ko nang laban ay mapapagod na ako. Kaya ngayon palang nakikiusap na ako, na ikaw ang bumunot ng huli para hindi na ako mag aalala"

"General, this is so stupid!" Sigaw ni Jiro.

"Pag nagtagumpay si Kc, nagtagumpay din ang gintong badge ni Aizen. Kaya magtiwala lang kayo. At sundin lahat ng sinabi ko"

"Bakit kailangan naming maglaban laban?!"

"Kagustuhan yun ng buong BEU hindi lang ng Trio. Pagtapos nun, papatayin din naman tayo. Hindi ko alam kung saan tayo kukuha ng lakas pero isang bagay nalang ang kailangan ko," tumingin sakin si General at nagulat naman ako "kaya Kc, umaasa ako sayo"

Buong puso naman akong tumango tango.

Posible nga kayang dugo ni Ashe ang hawak ko?

Posible nga kaya na ito ang dugong magliligtas sa BEU?

At posible nga kaya, ba mailigtas kami ng hawak ko?

Sana.

Inaasahan ako ni General kaya mas matinding kaba ang nararamdaman ko. Lalo na napakalaking bagay pala ng nakasalalay dito.

Pero hindi ko bibiguin si General.

Dahil siya ang pinili kong paglingkuran.

Walang nakakaalam ng hahantungan namin pero anuman ang mangyari hindi ako magsisisi.

Dahil desisyon ko to.

Desisyon ko na ito ang maging tatahakin kong daan.

Hindi man kasama ang buong GG. Pero kasama ang puso ng GG.

General, hindi kita bibiguin.
--

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon