Chapter 139: Boxes

622 24 11
                                    

"GG is starting to confuse me"
--

Dos' POV

Takang taka akong nasa harapan ko si Aizen ngayon.

"Mukhang hindi ko ata inaasahan ang pagdalaw mo sakin Aizen?"

Walang reaksyon ang mukha niya na tinignan ako.

"When are you going to remove General from his throne?" Direktang tanong niya na nakapag paisip sakin.

"What are you talking about?"

Umiling siya at nagpamulsa. "Lets talk straight"

"Then, if that so, tell me all the truth and not a planned script"

Tumaas ang kilay niya "I will tell you what i want to say, but who knows if that statement is true? Its all upon your point of view"

Nakakatuwa talagang kausap si Aizen. Hindi siya boring kausap. May mga bagay na sobrang lalim niya mag isip.

"Then, what do you want to say?"

"As part of GG, im against of removing General on the throne" nakatingin siya ng direkta sakin pero totoo ang sinabi ni mama nakakapangilabot kausap si Aizen "But, i know i can do that alone"

Kaakit akit ang alok niya pero ano naman kaya ang kapalit?

"Why are you saying this Aizen? You know we can do it without your help?"

"You can do it. But you cant do it easily"

Napaisip ako sa sinabi niya. Bakit ba gusto ni Aizen ang pagkawala ni General?

"Why? Whats the reason?"

"We both have reasons why we want to end up the life of someone. That i think is private"

Hindi ako maniniwala kay Aizen hanggat di ko nalalaman ang rason niya. Hindi basta basta si Aizen kaya hindi ako agad mahuhulog sa patibong niya kung sakali.

"Accept this as my token" ibinigay ko ang napakagandang kulay kahel na kahon na may simbolong katulad sa leeg namin.

"Woah, what is this?"

"That is just a simple box where you can put anything"

"Wow. Nakakapagtakang regalo kung ganun. Ano bang laman nito sa loob?"

"Its your choice if you want to open it. But for me it is just my token of appreciation"

Lumabas siya ng kwarto ko ng walang kahit ano sa mukha niya.

Habang nakatuon ako sa pag iisip ay dumating naman si Tres na hangos na hangos.

"Dos?! Nasan sila Krus?! Nawawala sila?! Kailangan daw sila ni mama?!" Pag iingay ni Tres. "Tsaka bakit galing dito si Aizen? Anong ginawa niya dito?" Gatong na ingay pa niya.

"Kailan pa nawala sila Krus?"

"Nung nakaraang araw pa. Tapos hindi rin naman sila lumabas"

Magtatanong pa sana ako nang biglang tumunog ng doorbell kaya agad namang kinuha ni Tres ang nakita niya doon.

"Medyo mabigat"

May sobre na nakadikit sa kahon at agad ko naman itonf binasa.

'It is my gift for the Trio who retrieve the powers of the Ladies. Congratulations. It will look small, but inside of it is many

-General'

"Anong nakalagay sa sulat?"

Hindi ko na pinansin si Tres at binuksan agad ang kahon at nakita ang mga buto.

Agad kumuyom ang kamao ko, hindi ito simpleng kahon.

"Ano to? Ang baho! T-teka?! Buto to?! Buto ng tao to!"

Ibig sabihin buto to ng mga nawawala kong kasamahan!

Nanginig ako sa galit na halos magdilim na ang paningin ko kaya umupo muna ako at nag isip.

Hanggang sa mapag isipan kong magpunta sa dorm niya para personal siyang makausap.

Nasumpungan ko naman na andun siya sa dorm niya dahil pagkatok ko palang ay bumukas na agad ang pinto para sakin.

"Inaasahan mo ba ang pagdating ko?"

"Oo pero masyado ka atang maaga"

Nakakagalit ang pagiging kalmado ni General. Sobrang nakakapuno siya.

"Inilalabas mo na rin ang karahasan mo General?" Ngisi ko ngunit nanginginig ang labi ko sa galit.

Tumawa siya ng tumawa na lalong nagpatapak sa sarili ko. "Marahas na ba ang tawag mo dun?" Itinigil niya ang pagbabasa at tinanggal ang ngiti sa mga mata niya. "That is only a warning"

"Hindi mo alam kung anong sinasabi mo General"

"I want something"

Nababaliw na ba si General?! Sino ba siya sa akala niya?!

"Do you think ill follow that request?"

Naglabas pa siya ng isa pang kahon "Then open it if you want an assurance"

"Whats that?"

Inilahad niya ang kamay niya na tila hinahayaan akong buksan ang kahon.

Nang binuksan ko ay laking gulat ko na ang nandun ay isang prutas.

"That fruit is the life of Lady K. If you wont have my request granted, you will never see this fruit again"

"I dont trust you" matapang na saad ko atsaka ako lumakad palabas pero muli siyang nagsalita.

"Dont wait for the other box to come on your room again, Dos"

Hinahamon nga ba ako ni General?

Bumalik ako sa dorm ko kung sa andun si Tres.

"Hindi ata maganda ang timpla ng mukha mo Dos?"

Hindi talaga.

Ano ang gustong iparating ni Aizen at General?

"GG is starting to confuse me. Kung sakali mang magsimula ang laban, hindi naman na nakakagulat yun. Si Jiro na isang aso na nagiging lobo, si Yohann na isang usa na nagiging toro, si Lorde na isang ahas na nagiging dragon, habang si Aizen ay nananahimik na ibon at nagiging agila at ang inaabangan kong simpleng pusa pero nagiging isang leon na si General"

"Dapat na nga bang magseryoso ang Trio?"

Hindi ko gusto ang usapan namin.

Nakakapang init lang ng ulo na hindi pa kami masyadong nakakapag saya sa posisyong mayroon kami ay gumugulo na.

Lumabas si Tres para magbalik sa lugar niya habang pinagmamasdan ko naman ang kahon na ibinigay ni Aizen.

Kailan ko kaya ito mabubuksan?

Ano kaya ang nasa loob ng kahon na ito?

Napangiti tuloy ako na wala sa sarili.

Anong hakbang ang binabalak ng GG? Anong ibig sabihin ni Aizen? At ano ang hiling ni General?

Sino nga ba sakanila ang totoo? At sino sakanila ang kalaban ko?

Madami pa rin akong hindi alam at siguro malalaman ko yun ng unti unti habang sila naman ang maaalarma.

Maya maya ay dumating na si Uno.

Hindi naman kasi talaga pala kausap at palalabas si Uno.

"Kamusta?"

Tanong ko.

"Ibigay mo ang hiling ni Lorde, at si Tres na ang bahala sa hiling ni Aizen"

Hindi ko maintindihan ang gusto niyang iparating. "Paano naman ang hiling ni General?"

"Ako nang bahala dun"

Nang masabi yun ni Uno ay gumaan na ang loob ko. Ibig sabihin hawak pa rin niya ang mga pangyayari.
--

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon