Chapter 40: Down Caster's Leader

1K 27 0
                                    

"That wont happen if im not yet dead"
--

Jl's POV

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ni Aizen.

Hindi ko tuloy mapigilang pagdudahan siya.

Magulo ang bawat gang ngayon. Hindi ko alam kung paano at bakit ito nangyari?

Ano ng mangyayari sa gang namin ngayon? Hindi pa alam ni General ang nangyari at nag aalala ako.

Nag aalala rin ako sa mangyayari kay Jiro?

Kung totoo man na siya ang traydor ay anong mangyayari sa plano? At kung hindi naman totoo ay anong mangyayari sa kaniya? Baka mapatay siya dun. Malaking kabawasan din si Jiro sa buong GG.

Kahit ako ay nahihirapang magfocus sa ginagawa ko?!

Putangina! Bakit ganito kagulo?

Ashe's POV

Sa SSC office ang punta ko ngayon.

Napangiti ako kahit hindi naman ako nakakaisip ng nakakatuwang bagay.

Pagpasok ko sa office ay nakita ko ang vice president na nakaupo sa desk niya na natutulala? Ano kayang problema?

"Goodmorning sir. Ashe Delos Reyes errand for today"

Hindi ko alam kung hindi niya lang ako narinig o hindi lang talaga niya ako pinansin? Bahala na nga.

Dumiretso na ako sa opisina ni Sir Aizen para malaman kung anong iuutos niya sakin.

"Goodmorning sir. Ashe Delos Reyes errand for today"

Hindi niya rin ako pinansin at blankong nakatingin lang sa akin.

Tinititigan niya ba ako?

Napangiti nanaman ako pero medyo naalangan ako dahil malakas ang kabog ng dibdib ko.

Kinakabahan nanaman ba ako?

"Okay. From now on, you need to report as an errand in this office"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at hindi ko rin maiwasang matuwa. Ibig sabihin lagi ko na siyang makikita.

Lagi ko ng makikita ang mga mata niya.

"This is a supreme command. You need to follow it"

Kasabay ng palihim kong pagkatuwa ay ang paglunok ko dahil parang lalabas na ang puso ko.

"Secretary niyo na po ba ako?"

"No. I have my secretary. You are just a punished student inside this office"

Lumabas na siya ng kwarto at halos magtatalon ako sa bawat salita niya.

Bakit kaya sobrang cold niya?

Bakit kaya kahit wala namang reaksyon ang mga mata niya ay napakainit pa rin nitong tignan?! Hay nababaliw na ata ako?

Gusto ko kaya siya? Bakit naman ako magkakagusto sa isang brutal na kagaya niya?!

"Ay butiki!" May pumasok na isnag babae. Siya si Lady M. Ngayon ko lang napansin ang kagandahan niya dahil sa malayo ko lang naman siya nakikita noon.

Maganda ang balat niya, ganundin ang height niya at ang mga mata niyang matatapang. Nakakabilib na sa lugar na to ay isa siya sa iginagalang at kinatatakutang nilalang.

"Hi" at gumamit ng isang nakakapanindig balahibong ngiti.

Nagbow ako sakaniya at binati siya. "Goodmorning Mam"

Halata sa mukha niya ang pagtataka.

"Ow? Why are you here?"

"I summoned her. If we have something to talk with, lets talk about it outside my office" singit ni Aizen na nasa pintuan pala.

Bakit nandito si Lady M? Ano ang ugnayan nila sa isat isa?

Lumabas muna ako ng office niya at nagpahangin muna sa labas.

Nakaupo ako sa isang mahangin na parte ng office at nilaro laro ang dahon na hawak ko.

"Ikaw pala ang bago dito?" Nilingon ko ang isang babae at nakita ko si Kathleen.

"Kathleen?"

"Paano ka napunta dito? At bakit nandito ka? Alam mo ba kung sino ang araw araw mong kaharap?"

Si Aizen ba ang tinutukoy niya?

"Kaharap mo lang naman ang isa sa pinakamabangis na halimaw sa lugar na to. Hindi mo pa siya kilala at nakikita ang tunay na siya kaya ganiyan ka kakampante? Hahaha nakakaawa"

Hindi ko matantsa kung pagkakatiwalaan ko ba siya o hindi. Hindi ko siya mabasa. Hindi ko maramdaman ang pag aalala, hindi ko rin naman maramdaman ang pananakot. Kaya hirap akong ipaliwanag siya.

"Si Aizen Asuncion, siya ang araw araw mong kaharap. Parang araw araw mo narin kung harapin si Kamatayan"

Paalis na sana siya ng hawakan ko ang braso niya para pigilan siya.

Parang gusto ko pang malaman kung ano pang nalalaman niya tungkol kay Aizen.

"Bakit?" Hindi niya naman ako tinarayan o ano pero hindi niya rin gustong hawak ko siya.

"Ano bang alam mo kay Aizen?"

"Madami. Wala siyang sinasanto kahit sino. Wala siyang puso. Wala siyang emosyon. Wala siyang kaluluwa. Masasabi ko nga ring wala siyang kahit ano. Ni wala nga siyang nakaraan para malaman namin"

"Paano mo siya nakilala ng ganiyan?"

"Kilala siya ng lahat bilang isang Aizen. Pero kilala ko lang din naman siya bilang leader ng Down Caster. Yun lang"

Umalis na siya at malungkot ngunit natatakot akong bumalik sa office ni Aizen.

Wala na dun si Vice Cruz. Kaya dire diretso ako sa office ni Aizen.

Kung totoo man ang sinabi ni Kathleen, totoong nakakatakot nga si Aizen. Nakakatakot nga siyang uri ng nilalang.

Narinig kong bumukas ang pinto ibig sabihin ay andiyan na siya.

Naramdaman ko ang takot sa dibdib ko habang napapatulala sa ganda ng mga mata niya.

Totoo bang isa kang halimaw?

Walang pagbabago sa buong mukha niya.

"Stop staring"

Yumuko ako marahil na din sa kahihiyan. Bakit niya kaya nalaman na nakatingin ako sakaniya?

Inabot ako ng gabi dun, pero hindi niya ako kinakausap. Masakit na nga ang balakang ko sa kakaupo.

Napakadami niyang ginagawa. May kung anu anong bagay akong nakikita sa desk niya.

Napakabusy niya namang tao.

Lumabas siya sandali ng may katawagan siya sa telepono.

Lumapit ako ssa table niya at nakita ang ilang maliliit na container.

Contaminated? Ano yun? Anong ibig sabihin ng mga nakalagay dito?

Teka? Pamilyar ang drawing na ito?

Parang nakita ko na ito noon? Medyo hindi lang maalala ng memorya ko pero alam kong nakita ko na ang drawing na yan.

Parang may konekta sakin ang drawing na yan? Nakita ko na yan nung bata pa ako e? Ano nga ba yun?

"You can leave now" utos niya sakin na nagbigay pagtataka uli.

Saan kaya siya pupunta?

Uuwi nalang ako ng dorm. Nakakapagod din palang umupo ng matagal?

Pero, bakit nakakaramdam ako ng ibat ibang emosyon. Malungkot at masaya?
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon