"I need you, and i know you need me too"
--
Sa pagiyak ko, naramdaman ko ang kamay na nasa balikat ko habang tinatapik ito.
"Jiro"
Inangat ko ang ulo ko at nakita ang pagpupunas ni Ashe ng luha niya.
"Hindi ako naniniwala sa mga narinig ko"
Gumaan ang loob ko pero masakit pa rin ang nararamdaman ko.
Namiss ko si Dad at lalong lalo na si mama.
Hindi ko manlang sila nagawang yakapin pareho.
Mas lumakas ang pag iyak ko at tila sumasakit ang ulo ko.
Kailangan ko ng maibalik si Ashe bago ako atakihin ng sakit ko.
Nakarating naman kami agad sa eswelahan.
Alas onse na ng gabi kaya pinili kong ihatid si Ashe sa dorm niya.
"Ashe thankyou" maikling wika ko at naglakad papalayo.
"Thankyou too" napangiti ako ng marinig yun na sinabi ni Ashe.
Naglakad ako agad papalapit sakaniya at niyakap siya ng mahigpit.
"Ashe, i love you"
Hindi man ako nakarinig ng sagot mula sakaniya, sapat na sakin na yakap yakap ko siya ngayon.
Kc's POV
Ano kaya ang namamagitan sakanila ni Jiro?
Panigurado akong mapapahamak si Ashe pag malapit siya kay Jiro. Hindi ko hahayaang mangyari yun.
Papunta ako ngayon sa isang sikretong lugar sa loob ng eskwelahan na ito.
Kakausapin ko ang taong unang unang gusto kong makausap dahil alam kong matutulungan niya ako. Napagkasunduan namin na dito nalang magkita.
Nakaupo siya habang nakapamulsa ang magkabila niyang kamay. Wala siyang reaksyon ngunit tinapunan niya ako ng tingin.
Wala ka pa ring pinagbago. Mula noon hanggang ngayon ay mayroon ka pa ring maamong mukha.
Hindi nagbago ang nararamdaman ko sayo.
"Good evening" bati ko sakaniya.
"Good evening. What is this talk about?" Diretsahang tanong niya.
Napangiti ako. Wala pa rin talagang pinagbago si Aizen. Matalino at maingat pa rin siya sa bawat kilos niya.
Ang lalaking mahal ko ay nasa harapan ko ngayon. Ang lalaking nagligtas ng buhay ko 5 years ago.
Flashback.
"Gusto kong pumasok sa eskwelahan na yan. Gusto kong maging proud ang mommy ko kagaya ni Kuya na nagtapos sa eskwelahan na yan" sabi ko sa kaklase ko.
Tulad nila ay gusto ko ring makatapos ng senior highschool sa BEU. Sobrang sikat at napakaganda daw ng eskwelahan na yun.
"Uy Kc yung crush mo oh"
Asuncion. Yun ang magiging apelyido ko paglaki ko.
Aizen Asuncion. Ang pangalan ng lalaking gusto ko.
Ilang buwan ang nakalipas at narinig kong mag iibang eskwelahan na si Aizen.
Mas matanda siya sakin ng dalawang taon.
Narinig kong sa BEU daw ang paaralang pupuntahan niya dahil nakagawa siya ng isang grave sin sa eskwelahan namin.
Nalungkot ako ng sobra. Umiyak ako ng ilang linggo. Wala sila mama at kuya sa tabi ko kaya wala kong mapagsabihan ng gusto kong sabihib hanggang sa sinunod ko ang gusto ko.
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Mystery / ThrillerThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...
