Chapter 124: Answers

800 27 0
                                        

"Gray anong nangyayari? Karapat dapat ka bang pagkatiwalaan?"

Gusto kong makalabas dito. Nakakabigla na kasama ko ang taong matagal kong ginusto at ito ako ngayon tila nagmamakaawa na pakawalan niya ako.

"Gray, let me go"

Nagbabasa lang siya ng dyaryo ng school at hindi nakatingin sa direksyon kung nasan ako habang gamit ang kaniyang gintong maskara.

"Gray! Please! Let m—"

Ngayon ay tumingin na siya sa direksyon ko "Love, stay calm. Ill give you what you want"

"What i want? Hindi kita maintindihan"

"Answers" nilingon niya ang pintuan kung saan ipinakita ang awra ni Lady M "you are already 10 minutes late Lady M"

"My apologies. I faced Kamatayan a while ago" parang isang biro lang ang pagbanggit nila doon.

Anong sinasabi ni Gray? Anong sagot ang ibibigay niya sakin?

"How are you?" Tanong ni Lady M ng may kislap ang mga mata.

"Anong ginagawa mo dito Lady M?"

Umupo siya sa table na kinauupuan ninGray kanina at nakadekwatrong humarap sakin.

Natatawa siyang nagsalita ng marahan. "He tries to hide your evil spirit"

Hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi nila ngayon.

"Nathalie Rose. You dont know who you are"

"Diretsahin moko Lady M. Anong sinasabi niyo?"

"The past of BEU is already in your eyes. The bloody name came from you" para akong isang bata na nakikinig sa nagkukwento rito. "Brightest Empire University changed after you  were born. President Amadeo Asuncion was assasinated by your father and an unknown coleague. Your father who is an amazing doctor made the greatest experiment in the BEU history"

Ang kabog ng dibdib ko ay talagang hindi matatawaran. Parang sinusuntok ako ng bawat salitang binibitiwan ni Lady M. Nakakapanindig balahibo ang bawat pagbigkas niya.

"Lahat ng nangyari noon, ngayon at ang nangyayari ay dahil sayo. Dahil sayo yun, Nathalie Rose" ano nga ba ang nasa likod ng pangalan ko? Ano nga ba ang meron para maging ganito ang nararamdaman ko at ang mga naririnig ko ngayon.

Nautal ang dila kong makapagsalita. Ayaw ng gumalaw ng katawan ko at mga mata na nakapako na sa kaniya.

"Amadeo Asuncion was my husband. The father of Aizen was killed by your blood. Namatay siya gamit ang makapanlason mong dugo. At yun ang dahilan kaya lumabas ang ilan pa sa mga humahawak ng matataas na kapngyarihan ngayon sa BEU"

Sila Lady Q at Lady K ba ang tinutukoy niya?

"Para maging pantay ang mga kapangyarihan namin na gusto nilang makuha sakin, gumawa sila ng gamot na ikamamatay ko kung sakaling hindi ako umayon sa balanse ng eskwelahan. Ang bawat isa samin ay nagtataglay ng lason na ikamamatay niya kahit anong oras at ang isa naman sa amin ang may hawak ng panlunas na makakapag pahina dito kung sakaling umatake ito"

"Paano kung hindi niyo ibigay ang panlunas?"

"Hindi rin ibibigay ng isa ang panlunas sakaniya. Sa ganung paraan, naging pantay pantay ang kapangyarihan namin na dapat ay sa akin lang. At ang lason na hawak namin ay mula rin sa dugo mo"

"Ano bang meron sa dugo ko?"

Napngiti siya at nagpailing iling. "Ang ama mo ang gumawa ng eksperimento kung paano malunasan ang mga simpleng sakit. Pero naimbento niya ang katas ng rosas at ang paghalo nito sa dugo ng tao. At si Valerie, ang nanay mo ang unang nakaranas ng eksperimentong yun kaya ka nagkaroon ng dugong itinatangi ng lahat. Ang dugong pinagmulan ng lason na papatay sa lahat ang dugo ring magpapagaling sa amin"

"Pero, hindi. Hindi ko pa rin maintindihan"

"Nilihim sayo ng ama mo ang lahat ng to. Tss. Nagkaroon ka ng kapatid pero hindi mo siya kapatid sa laman. Ranz, your brother was made by the cells of your parents but not by intercourse but in the help of technology. Kaya hindi siya lumaki sa piling niyo. Isa lang siyang eksperimentong tao para mapakinabangan at magamit an—"

"HINDI! Kapatid ko si Ranz! Kapatid ko siya" sa galit ay nanginginig ako at alam kong malpit na akong maluha dahil sa sinapit ng buhay ng kapatid ko. Ni Ranz sa kamay ng mga taong mapagsamantala.

Pero paano nadawit si Daddy sa mga to?

"Ang daddy mo, pinatay niya ang presidente para maprotektahan ang seguridad niyo na ipinangako sakaniya ni Lady Q. Na pag napatay niya ang presidente at mahati samin ang kapangyarihan ay hindi na niya kayo guguluhin"

Ginawa ba talaga ni Daddy yun? Hinayaan niya nga ba talaga si Ranz?

"Anyways, nice to meet you Nathalie Rose. Take care"

"Pero marami pa akong tanong! Madami p—"

*blag* pero malakas na hagis nalang ang pintuan nalang ang sumagot sa akin.

Iniwan niya akong nakagapos pa rin.

Yun ba talaga ang nakaraan ko? Yun ba talaga ang tungkol sakin? Bakit parang may hindi pa ako nalalaman?

Kung totoo nga na ama ko ang pumatay sa dating presidente ng eskwelahan na to na siyang asawa ni Lady M, paano niya ako nagawang kausapin na tila walang anu man ang meron sakanila? Itinago ngalang ba niya ang emosyon niya?

Nahihirapan nanaman ako.

Paano ako makakakilos kung hindi ako makalabas dito?

Bakit naisip ni Gray na itali ako dito? Ano bang nasa isip niya?

At bakit niya ipinadala si Lady M? Alam ba niya ang nasa isip ko?

"Love,"

Gray. Tumataas ang balahibo ko sa hindi ko alam na dahilan kung bakit ganun tuwing tinatawag mo ako ng Love.

"Pakawalan mo na ako Gray"

Kailangan kong kumilos para malaman ko lahat ng sagot at para magawa ko na ang gusto kong gawin.

"You need to pay me now, Love"

"Pay you?"

Nilapitan niya ako at tinanggal ang maskara niya saka niya ginamit sakin ang mapang akit na mga mata.

Ano bang ibig sabihin ni Gray?

Hindi na niya ako sinagot at sinuong ako ng maiinit na halik. Kasabay ng paghagod ng kaniyang mga kamay sa aking likuran.

Gray? Ito ba? Ito lang ba ang tingin mo sakin?

Anong ibig sabihin ng lahat ng ginagawa mo sakin? Kinukulong moko sa bisig mo at hindi hinahayaang kumilos?

Pero bakit pakiramdam ko ay nalalasing ako sa bawat galaw ng kaniyang bibig? Literal na nalalasing ako dahil pagtapos ng paghalik niya ay nagdilim na ang paligid at narinig ko ang isang pangalan na nagpanginig sakin

"Lincoln,"

Gray, anong nangyayari? Karapat dapat ka bang pagkatiwalaan?

If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker

Gangs Of The General (GG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon