Chapter 46: Little Brother

957 28 0
                                    

"Ngayon alam ko na, kung bakit hinayaan ni Pink na maging kapalit ang buhay niya"
--

Hindi ko inaasahang tutulo ang luha ko matapos kong mapansin ang bagay na yun.

Unti unti akong lumapit sa kinaroroonan ng babaeng yun.

"Stop" senyas ko sa mga kagrupo ko. "Lumabas muna kayo" gulat na gulat sila pero sumunod din sa sinabi ko.

Iyak siya ng iyak at sa pag iyak niya may napagtanto ako.

Kamukha niya si Pink kapag umiiyak.

Pinunasan ko ang luha ko at saka lumuhod para makita ng malapitan ang singsing niya.

"Ang singsing na yan? San mo nakuha yan?"

Matagal siya bago nakasagot dahil patuloy ang pag hikbi niya. "Bakit?"

"Sabihin mo nalang!"

"Binigay ng mama ko. Sabi niya poprotektahan ako nito" nagpatuloy siya sa pag iyak pero imbis na magalit ako sakaniya ay nakaramdam ako ng labis na pagsisisi at pagkalungkot.

Flashback.

"Oy Pink wag ka ngang lalayo sakin! Isang linggo lang binigay ni Master na pahinga satin kaya pwede ba pag nawala ka dito hindi na kita mahahanap" sigaw ko kay Pink na abalang abala sa pakikipagharutan sa mga naglalaro ng volleyball dito sa beach.

"Ano ba kuya?! Sapakan nalang oh! Minsan na ngalang to e! Ang daming kinuhang dugo ni Master sakin ngayon kaya dapat magsaya ako!" Sigaw niya sa malayo na nakapag pangiti naman sakin.

Totoo ang sinabi niya. Madaming nakuhang dugo sakaniya si Master para sa drugs na gagamitin sa mga estudyante sa BEU.

"Oy Pink! Kumain muna tayo!"

Agad naman siyang lumapit at padabog na umupo.

"Si kuya naman! Kj puta!"

Natawa ako sa kumag na to. Putlang putla na nga e gusto pang maglaro.

"Kumain ka na. Saka ka bumalik uli! Katorse ka na nakikipaglaro ka pa?!"

Siya naman ang natawa ngayon.

Napansin ko ang suot niyang singsing na kulay pula sa kaliwang kamay niya.

"Nainggit ka nanaman sa singsing ko" banggit niya ng mapansin na nakatingin ako rito.

"Hindi. Naastigan lang ako! Kaya ko rin bumili niyan!"

"Sabagay."

"Saan ba galing yan? At hindi mo tinatanggal?"

"Sabi ng lola ko, bigay to ng mama ko. Dalawa to e. Nasa kapatid ko daw yung isa pero hindi ko naman sila pareho nakita. Si lola lang naman ang nag alaga sakin mula bata e. Kaya gustuhin ko mang makita ang itsura ng kapatid ko hindi ko alam kung saan sila hahanapin dahil namatay din agad si lola. Puta andrama ko!"

"Hahaha laptrip napakatalaw pansin naman ng singsing mo! Kala mo may kapangyarihan e!"

"Oo! Kahit di ko pa nakikita ang mama ko naniniwala ako sa sinabi niya! Poprotektahan daw ako ng singsing na to habang suot ko!"

"Ano yan?! Magic?!"

"Basta basta! Mag iipon ako ng maraming pera para mahanap sila mama at ang kapatid ko! Di ko alam ang tunay na mga pangalan nila e! Basta kahit maubusan ako ng dugo basta magkaroon ako ng pera para mahanap sila gagawin ko!"

Sobrang sakit ng dibdib ko habang umiiyak ngayon.

Iyak ako ng iyak sa harapan ng babaeng gusto kong patayin.

Hindi ko alam. Hindi ko alam na siya ang kapatid ni Pink. Ang batang yun, hindi niya alam na nakaharap na niya ang kapatid niya. Ang ate niya.

Hiniyaw ko lahat ng sakit sa kwartong iyon at pinagsusuntok ang dingding nito.

Alalang alala ko pa, nang mamatay si Pink, pinasipsip lahat ni Master ang dugo niya para sa supply ng drugs namin.

Namatay siya ng walang kaalam alam na buhay ang kapatid niya. Na nakasama na niya ito.

Kung mas maaga ko lang nalaman na kapatid siya ni Pink, binigyan ko sila ng pagkakataon na magkasama.

Pink, patawarin mo si kuya at muntik niyang masaktan ang ate mo.

Dahan dahan kong inalis ang pagkakatali kay Ashe at tinignan siya ng maigi.

Ang ilong at ang bibig niya, nakuha sakaniya ni Pink.

"Ano ang tunay mong pangalan?"

Umiiyak pa rin siya at natataranta. Parang ayaw niyang sagutin ang mga tanong ko.

"Alam kong hindi Ashe Delos Reyes ang pangalan mo, palalayain kita. Maniwala ka"

Ilang minuto akong nag intay pero hindi siya sumagot. Puro iyak lang ang naririnig ko.

Sorry Pink. Sorry. Sorry Ashe. Sorry.

Gusto kong isigaw ang lahat ng ito pero hindi ko magawa dahil baka malaman ni Master ang dahilan ng pag iyak ko ay nakita ko na ang kapatid ni Pink.

"Nathalie Rose"

Doon na tuluyang nagtagpi tagpi ang pangyayari.

Siya si Nathalie Rose. Kapatid niya nga si Pink. Sigurado ako doon.

Hindi ko na kailangan ng patunay. Ang mukha at ang singsing na to ay sapat na.

Sapat na para maprotektahan ko ang babaeng ito.

Gagawin ito para hindi masayang ang buhay ni Pink.

Ngayon alam ko na, kung bakit hinayaan ni Pink ma maging kapalit ang buhay niya.

Blood is power sabi nga ni Master.

Hindi alam ni Pink pero ramdam niya na espesyal si Ashe.

Gagawin ko ang lahat Pink para maprotektahan ang kapatid mo.

"Ashe, dumaan ka sa bintanang iyan. Wag ka ng lumingon pa. Walang nagbabantay. Ipakita mo ito sa mga nandun at ihahatid ka nila sa eskwelahan. Pag punta mo dun, sabihin mo kay Aizen na gusto ko siyang makausap bukas"

Hindi ko maipinta ang mukha niya.

Muntik na yun. Muntik na siyang magalaw nla Orange tangina pag nagkataon mumultuhin ako ni Pink.

Natulala ako sa may kwartong iyon.

Dito rin. Dito rin pinatay si Pink.

Nagsisimulang magtanong ang utak ko?

Sino ang pumatay kay Pink?

May malabo sa pangyayari.

May hindi ako maintindihan. Parang may kulang.

Paglabas ko ay nakita ko dun sila Orange at pinagsasapak ko.

"Tangina ka! Para saan yun?! Nasan yung Ashe?!"

"Ewan ko! Magmeryenda kayo dun"

Pumunta naman sila doon at kinain yung patibong ko.

Pinatulog ko sila at sakanila ko isisisi ang pagtakas ni Ashe.

Kailangan kong makausap si Aizen dahil siya ang maaari kong pagkatiwalaan para maprotektahan niya ang babaeng iyon.

Habang hindi ko pa natatapos ang pinapagawa ni Master sakin kailangan kong sumunod para maging ligtas din ang buhay ko.

Sana nakarating na ngayon si Ashe. Sana.

Pink, babawi ako. Sa lahat ng nanakit sayo. Malalaman ko rin ang totoo.
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon