"Youll die fighting or youll live aching"
--"General"
Sandali kaming tumigil ng makita siya. Suot niya ang maskara niyang kulay ginto. At natitiyak kong siya iyon.
"Masarap panoorin ang GG habang nag aaway. Mukhang matutuwa ang Master mo Lorde kung makita niya to"
Naniniwala ba sakin si General? Alam din ba niya ang tungkol dito?
"General"
Itinaas lang niya ang kanan niyang kamay para mapatahimik si Yohann.
"Alam niyo naman siguro ang pinaka ayaw ko sa lahat. Pero dahil sa pagkawala ni Aizen, nagpapatayan kayo?"
Alam din niya ang pagkamatay ni Aizen? Anong ibig sabihin ng lahat ng to?
"Sa tingin ko, nakakalimutan niyo na ang dapat hindi niyo kinakalimutan. Lets meet at the Generals Hall after an hour"
--Lahat kami ay nandito ngayon. Pero wala kaming nadatnan na lamesa kung saan nakalagay ang mga upuan na inuupuan namin.
Hindi mapigilan ng isip ko na sumagi na bakit ngayon lang dumating si General?
"All of you, list--"
Pinutol ko ang sasabihin niya at diretsang nagtanong. Hindi ko na inisip kung anong mangyayari pagtapos nito.
"General, why did you left us alone?"
Nirerespeto ko si General pero masama din ang loob ko sakaniya. Sobra. Hindi niya kami inalalayan nung mga panahong mahina na kami.
"One of you, tried to poison me. And that was a really successful job. I was poisoned but then, i woke up today. Nasa sainyo kung maniniwala kayo o hindi. Pero thats what happened"
Tinignan ko ng masama si Lorde pero hindi ko nararamdaman na siya ang may gawa nito.
Si Yohann? Pero bakit?
'After that, the real game will about to start'
Naalala ko ang sinabi ni Aizen.
Ito kaya ang binalak niya?
Na kung sakaling malaman ni General ang binabalak niya, maaaring mawala ang konsentrasyon nito at maaaring mapahamak din?
"But for now, be prepared for the last tradition"
Kung ganun ang balak ni Aizen, bakit ayaw niyang lumaban din si General?
"Hindi na mailalabas ng Masters Turner ang una sa pinakadelikadong gamot nila dahil hawak ko na ang antidote. Pero ngayon, kailangan niyong mabuhay para lumaban"
May ibig sabihin ang pagprotektang iyon ni Aizen.
May pinag usapan kaya silang dalawa?
"As your punishment, you will not eat. You will not drink. Then you will fight. By that, youll learn a lesson"
Ilang gabi kaming ganito. Dahil mahina na kaming lahat, paano kami makakalaban sa pinakahuling tradisyon? Paano na kami mabubuhay? Paano ko maipaghihiganti si Aizen?
General's POV
Inilibot ko ang tingin ko sa eskwelahan na minsan ko ring itinurin na tahanan.
Sa tagal kong hindi nakaapak sa madugong lugar na to, hindi ko akalain na parang sariwang sariwa pa rin ang mga dugong dumanak dito isang taon na ang nakalipas.
Pigil na pigil ang galit ko na dumadaloy sa buo kong katawan.
Blood Empire University, matagal kong inintay ang pagkakataong to.
Ngayong andito ako uli, kailangan kong matumbasan ang kademonyohang mayroon kayo.
Panahon na din, para tanggalin ang maskarang isang taon na binihag ako.
Ngayon ko na ipakikilala kung sino ang nasa likod ng General na tinatawag nila.
--Sapat na siguro ang tatlong araw ng hindi pagkain at pag inom para makita sila uli.
Pagdating ko doon ay kitang kita ko ang panghihina nila.
Ngayon nila malalaman ang ibig sabihin ng lakas.
Si Yohann, maingat siya pero hindi siya matatag.
Si Jiro, matapang siya pero nagiging padalos dalos.
Si Lorde, nagtraydor siya sa amin pero ang kakayahan niyang iyon ang nagpahanga sa akin.
Kung alam lang nila kung gaano ako nalungkot sa pagkawala ni Aizen. Dahil si Aizen ang masasabi kong walang kapantay pagdating sa lahat ng anggulo.
Pero dahil sila nalang ang natitira, hindi ko na hahayaang mabawasan pa sila.
"All of you, listen"
Kailangan nilang matutunan kung paano lumaban ng walang kahit ano.
Kailangan nilang magtiwala sa kaniya kaniyang sarili para hindi mag asahan. At hindi maging mahirap kung mawala ang isa sa kanila.
"You are 41, but Aizen is dead. So you must be 20 pairs for now. Fight until your team mates says hell surrender"
"P-pero General?! Wala na kaming sapat na lakas?" Inaasahan kong tututol si Jiro.
"Wala na kayong lakas pero may kaniya kaniya kayong pinaglalaban. Sa susunod na tradisyon, mahahati sa tatlo ito. Ito ang magdedesisyon kung mabubuhay kayo o hindi. Kaya ito ang tutulong sa inyo para makayanan yun"
"Pero General? Anong gagawin ng mga nagsurrender?"
"They will face my punishment. So do your best not to quit"
Naghanda sila pero masakit sa loob ko na lumaban ang mga pagod at napuruhan nung gabing iyon.
"There is one rule," nakinig naman sila sakin lahat at ipinagpatuloy ko ang sasabihin ko. "Dont kill anyone"
Wala naman naging kahit anong bayolenteng reaksyon si Lorde. Alam kong wala pa rin sakin ang katapatan niya pero hindi ko rin hahayaan na mapunta iyon sa kabilang panig.
I set the pairs already.
Nagsimula na sila.
GG, this is our only hope. Kayanin niyo to. Lahat ng ipapagawa ko, para sainyo.
Kung sakaling mawala ako, magtitiwala ako sainyo.
Ilang minuto ring nagtagal ang laban.
At ang mga inaasahan ko sa kanila ay nagawa nila.
"Good job GG. Now all who surrendered go into the right room. All who won, follow me"
Dadalhin ko sila sa lugar kung saan sila dapat.
Lahat ng leaders, hindi naman ako nagkamali dahil panalo sila.
Ngayon, para sa huling paghahanda, ihahanda ko sila sa paraan kung paano ako naging handa.
"Ano to General?"
"I will be back after three days. This will be called your hell days. No foods. May tubig sa paligid. Limitado lang para sa lima. Kung hindi kayo magbibigayan, mamamatay ang iba"
"General?! Ano tong ginagawa mo samin?! Nanghihina na kam--"
"Jiro, listen" ipinakita ko sakanila ang maraming susi na hawak ko. "10 susi ang hawak ko. Ibibigay ko to sa mga assasin na ipapadala ko sainyo. Umaga o gabi pwede silang magpunta dito. At kung di kayo magiging maingat, mamamatay kayo ng walang alam"
"Paano pag napatay namin sila?" Mula kay Warren.
"Hindi niyo sila pwedeng patayin. Hindi ko kayo sinanay para pumatay. Sinanay ko kayo para tumatag"
"Hindi ko maintindihan" sabat ni Yohann na ngayon ko lang narinig na nagsalita.
"Pag may namatay na isa sainyo, ill kill of you"
"General!" Nakakatuwang nakisali si Lorde sa usapan.
"Youll die fighting or youll live aching. Kung dito na kayo mamamatay, mas mabuti yun kaysa mabuhay at intayin ang nalalapit niyong katapusan"
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Mystery / ThrillerThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...