"Kung hindi moko kayang patayin bukas, papatayin nalang kita ngayon"
--
Try Out 3 (Last Test)Nagpahinga na kami sa dorm. Katabi ko si Kc na ngayon ay nakatingin lang sa kisame.
"Bukas na ang huling try out para sa tradisyon"
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Masakit ang buo kong katawan at parang hindi ako makahinga.
"Bukas, kung kailangang patayin moko Ashe, gawin mo"
Nanlaki ang mata ko kasabay ng paghikbi ko sa sinabi ni Kc.
"Hindi. Hindi ko gag--"
Tinutukan niya ako ng kutsilyo sa leeg kaya naramdaman ko ang malamig na bakal ng matalim na kutsilyong hawak niya.
"Kung hindi moko kayang patayin bukas, papatayin nalang kita ngayon"
Tila nawalan ako ng salitang sasabihin.
Mas lumakas ang pag iyak ko hanggang sa napuno nalang ng hagulgol ko ang buong kwarto.
"Mamamatay ang lahat para sayo Ashe gusto mo ba yun? Napakahina mo! Iintayin mo pa bang mawala kaming lahat para lang lumakas ka?!"
Inalis niya ang kutsilyong hawak niya at bumalik sa pagkakahiga.
"Kung hindi ka papatay bukas, wala akong magagawa kundi hayaan kang mamatay"
"Kahit anong mangyari. Hindi kita papatayin Kc"
--Ngayon ang huling try out. Wala namang bago sa kaba ko dahil kada araw na mabubuhay ako dito ay kinakabahan ako.
Parang hindi ko na kasi hawak ang buhay ko simula ng pumasok sa lugar na to.
Nasa oval kami.
Binigyan kami ng bagong grupo.
Bawat grupo ay naatasan na magkaroon ng isang leader.
At ang babaeng may pangalang Kathleen ang leader namin.
May badge siyang kulay itim. Maputi siya at may katangkaran.
Siya ang nagprisintang maging leader namin.
Hindi ako kinakausap ni Kc mula pa kagabi hanggang kanina at kahit ngayon.
Nakakalungkot na hindi ko siya kausap.
"Now, for your last try out. This would be your last chance to learn. All the stunts, steps and moves that we thaught you will be your armor in this test"
Hindi ko madaling nakuha ang mga tinuro nilang moves nung nagtitraining kami.
Itinuro nila ng tamang pagsipa, pag protekta sa sarili at kahit pagpatay.
Lahat kami ay natutunan yun.
"You should learn how to use them to fight for your life. You have own group, depend yourselves so you should be one"
Hindi pa rin kami kumikilos.
Ano naman ang mga box na nandun sa gitna?
"Every leaders should get the box in the middle. You only have one box according to the number given to you. If your leader failed, meaning all of you will not have weapons"
Ibig sabihin ang nandun sa box ay may mga gamit sa loob na para samin?
"This test is called Static Test. The rule is to stay alive. You will work as a group and will work as one"
Nagsimula ng kunin ng mga leaders ang mga boxes.
May ilang leaders ang kinain ng lupa. Ibig sabihin may trap dun?
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Mystery / ThrillerThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...