Chapter 52: Fortune

953 26 0
                                        

"My badge"
--

Ibat ibang clubs ang hawak ng mga babaeng kasama ko, samantalang ako ay isang baguhang estudyanteng walang alam sa pinasok niya. Napakalaki ng kaibahan nun.

Sa gilid namin ay ang sampung kilalang opisyal ng eskwelahan na to. Kasama dun si Ms. Naomi. Isa pala siya sa mga nakakatakot na nilalang dito.

Nararamdaman ko na ang mga luha sa mata ko.

"Lets start this night. Come on ladies. Sit on the hot fortune chair"

Lahat kami ay pinaupo sa aming mga upuan dahil ang iba ay nakikipagkwentuhan pa kanina.

Binigyan kami ng maliliit na intro at pansin ng lahat na ako lang ang walang badge at walang kahit anong posisyon sa eskwelahang ito.

"Sino ba yan?"

"Bakit andito yan?"

"Edi mamamatay yan agad"

"Malamang sinong gugustuhing mabuhay yan e wala naman palang kapangyarihan yan dito?"

"Kaya nga. Di naman pala opisyales yan"

Anong mangyayari ngayon?

"Pwede ba wag kayong maingay! Baka unahin ko kayong patayin diyan e!" Bulyaw ni Kc. Nandito pala si Kc! Napakaganda niya sa suot niyang brown na gown. Napaka ganda talaga niya pero napaka tapang. Napakalayo sa isang katulad ko.

Walang kahit sino ang nakaupo sa unahan ko na magiging Fortune Givers na tinatawag nila.

Samantalang ang iba ay may lima, sampu at ang babaeng kinausap ako kanina ay nasa 15 ang mga nasa unahan niya na tutulungan siyang ialis sa linyang ito.

"Offers, are now open"

Lumapit muli sakin ang babae at binulungan ako.

"Dont worry, mukhang walang pupunta sayo kaya bababaan ko ang offer sakin" binigyan niya ako ng isang hilaw na ngiti.

Parang gusto kong tumakbo. Tumakbo palayo kahit saan ako mapunta wag lang dito.

"50,000 for Ms. Fortune Opal"

Binigyan kami ng ibat ibang uri ng bato. Garnet ang napunta sakin.

"80,000 for Ms. Fortune Ruby"

Sari saring tawanan, kwentuhan, iyakan at hiyawan ang naririnig ko sa crowd.

Ito ba ang masaya para sakanila?

Naglabasan na ang ibat ibang offer hanggang sa umabot na ng kalahating milyon at medyo natahimik na ang ibang grupo. Habang ang babaeng nasa unahan ng linyang ito at ang babaeng kinausap ko nalang ang naglalaban.

"550,000 for Ms. Fortune Emerald!"

"580,000 for Ms. Fortune Ruby!"

"Nakakaawa naman yung Garnet! Hahaha! Bakit kasi nilagay siya diyan?!"

"Kayanga! Bakit pinili nila Lady Q at Lady M ang babaeng yan? Hahaha kawawa!"

"600,000 for Ms. Fortune Emerald!" Sigaw uli ng grupo babaeng kausap ko kanina.

Kaming mga babae na wala ng panlaban ay nananahimik nalang habang tinatanggap ang kamatayan namin.

Bumukas ang malaking pinto ng Gymansium at bumungad ang isang grupo.

"BEU Officials! Gangs Of The Generals are h--"

"Whats this shit that you are starting without us? Parang nakakainis naman yun sa part namin?" Bumungad si Jiro ng may naaasar na mukha gamit ang pulang tuxedo niya at ang hikaw niya sa magkabilang tenga. "Hindi niyo manlang kami inintay"

Lumapit ang GG sa pwesto namin.

Nakakapangilabot ang awra nila ngayon.

Hindi maganda ang reaksyon ng mukha ni Yohann na sa kauna unahang beses ay nakita kong pawis. Nakasuot naman ito ng puting tuxedo.

Nakita ko ang tinatawag nilang Lorde na leader din ng isa sa mga gang ng GG suot ang kulay itim nitong tuxedo. At suot ang face mask nitong may bungo.

Ibinalik ko ang tingin ko sa mga opisyales na hindi ko maipinta ang mukha. Halata sa mga mukha nila ang labis na pagkagulat.

"Bakit nandito ang GG?!"

"Nasan ang leader ng Down Caster?!"

"Nasan si sir Aizen Asuncion?!"

Nag ingay ang buong crown ng sumabog ang ibat ibang katanungan sa mga isip namin.

"Hindi naman sila umaattend sa mga tradisyon diba?" Rinig ko sa mga babaeng nasa paligid ng kinauupuan namin.

"Bakit nga ba nandito ang GG?" Nagsalita ang babaeng kinausap ako kanina at uminom ng maraming wine dahil sa gulat siguro.

Bakit nga ba nandito sila? At bakit wala si Aizen?

"Ikuha mo pa kami ng upuan. Nakita mong marami kami diba?" Inis naman na sinabi ni Yohann sa isang crew habang umuupo sila ng GG sa unahan ko.

Nanlaki ang mata ko at halos mapasigaw ako nang makita ang GG na nasa harap ko ngayon.

Totoo ba to? Totoo bang nandito sila sa Fortune Givers seat sa unahan ko?

"Ano ba?! Bakit kailangang huminto?! Ituloy niyo na! Ayokong pinag aantay ako!" Sigaw ni Jiro na kumindat pa sakin. Sinuklian ko naman ito ng ngiti.

"845,000" mula sa grupo ni Allyson.

"1 million"

Napakalaki ng offer na inilaan nila.

"1.1 million for Ms. Fortune Ruby" sa grupo yun ng babaeng kalaban ni Allyson kanina.

"1.5 Million" mula sa grupo ni Allyson.

"2 million" bulalas ni Yohann.

"2.3 million for Ms. Fortune Ruby"

"3 million" binigyan nila ng gap. Ang laki ng offer na yun mula kila Allyson.

"5 million" sambit uli ni Jiro.

"This is a good fight" sambit ng Mc na nakadagdag ng pagkainis ko.

"7 million"

"9 million"

Hanggang sa grupo nalang namin ni Allyson ang natira.

Walang nagpapatalo. Walang kahit sino.

Nakangiti lang si Allyson sakin at masayang masaya sa nakikita niya.

Habang ang ibang tao ay nagtataka. Bakit ginagawa ito ng GG? Ang pare parehong nasa isip namin.

"15 million" hindi pa rin nagpapatalo si Jiro.

"17 million" ganundin sa grupo ni Allyson hanggang sa bumalik uli ang Mc sa pagsasalita nito.

"From the orders of the officials, the rule of the game has changed. This would be the first time in our university history" agad kaming nakinig at atat sa mga susunod na sasabihin ng Mc na nasa harap lang namin. "This is called sacrifice for a life. That means, if money is an easy cost then, give us a sacrifice that no one can give" mahinhin itong tumawa at nagpatuloy sa mapanlinlang na larong ito. "By the way, we acknowledge your cooperation GG" binigyan niya ng isang matapang na tingin ang GG.

Tumahimik ang crowd at ang tanging naririnig ko lang ay ang kabog ng dibdib ko.

Sa itsura ng kalabang grupo ay napagplanuhan nila ang tungkol sa pera ngunit hindi ang pangyayaring ito.

Tulad ng GG na ngayon ay nagtataka rin.

Anong sinasabi nila?

"So, what sacrifice would it be for Ms. Fortune Emerald? Or for Ms. Fortune Garnet?" Ngumiti ulit siya ngunit hindi nagbago ang aming pag aalala "What is her value?"

"My badge"

Kinilabutan ako ng marinig ang salitang yun.
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker

Gangs Of The General (GG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon