Chapter 66: Nathalie Rose

997 25 2
                                    

"Leave me now, or ill kill you"
--

"Nathalie Rose" hindi ako makagalaw.

Malakas na kumabog ang dibdib ko at parang may bumara sa lalamunan ko kaya hindi ako makapagsalita. Parang napakahirap humanap ng hangin para huminga uli.

"I really want to see your father" ininom niya ang tea na hawak niya at binasag ang cup gamit ng mahigpit na paghawak dito. "To kill him"

Napaupo ako sa narinig ko. Nakakatakot ang mga mata ni Aizen. Kinikilabutan ako at hindi ko maipinta kung anong klaseng tao ang kaharap ko ngayon. Parang isa siyang halimaw na nakakubli sa napaka amo niyang mukha.

Nakapamulsa siyang lumapit sakin at umupo ng para maging magkapantay kami.

"Leave me now or ill kill you" kalmado pa rin siya pero parang naging isang blankong papel.

Hindi ako makagalaw. Hindi kaya ng makatayo ng mga paa ko. Ni ayaw kong dumilat dahil natatakot ako mismo sakaniya. Parang gustong lumabas ng puso ko dahil sa takot. Hindi ko siya kayang tignan at katakutan. Ayoko.

"Nathalie Rose, get out now that i still believe that you are Ashe Delos Reyes"

Gusto ko siyang tanungin kung bakit pero hindi ko magawa. Nauunahan ako ng matinding takot at kaba.

Hindi ko makilala kung siya nga ba ang kaharap ko.

Pagkarating ko sa pintuan ay parang naalisan ako ng kaluluwa. Parang mawawalan na ko ng buhay. Hindi ko magawang lumakad ng diretso at padapa dapa akong nakarating doon at naabutan ang nag aantay na si Jl.

"Ashe!" Hinawakan niya ang dalawang balikat ko.

"Sir Jl," hindi ko mapigil ang pagiyak ko pero hindi ko na ipinadinig kay Aizen.

Aizen, bakit? Anong nagawa ko? Ng ama ko? Bakit mo siya gustong patayin?

Jiro's POV

Umaga na ng nagpunta ako para makausap si Aizen.

Putangina kulang ba sa sinag ng araw ang robot na to?! Napakaputla e.

Nagpunta lang naman ako dito dahil gusto kong malaman kung bakit sabi ni Nelho ay nakita nila si Ashe na bumalik na sa dorm niya.

"Jiro"

"Ay putanginamoka! Aizen naman par--anong problema?" Napakaraming alak na ang nainom niya pero kagaya ng dati, lasing man o hindi kalmado lang ang robot na to.

"Hoy! Bakit pinabalik mo na si Ashe sa dorm? Ligtas na b--"

"When i was forced to enter this school, i have no reasons at all"

Kinuha ko ang isang bote at tinungga ito dahil baka sumayaw nalang to bigla ng dance craze ng momoland ewan ko lang. tangina tatakbo talaga ako! Pero mukhang seryoso ang gusto niyang sabihin. Sabagay lagi naman tong seryoso e.

"But now, i found the reason why im here and why do i need to stay here"

Nagsimula na akong balutin ng kaseryosohan dahil parang may ibig sabihin ang mga salitang yun ni Aizen.

"Ano bang sinasabi mo diyan Robot?!"

"I only have 8 days left. This night, will be the next tradition. Its friday the 13th."

"Oh ano naman?"

Hindi siya sumagot at inayos ang pagkakaupo. Nakapamulsa ang parehong kamay at nakatingin ng diretso.

"We need to defeat Masters Turner later"

Seryoso at desidido talaga si Aizen sa sinasabi niya.

"Aizen, bakit hinayaan mong mamatay ang mga estudyante kanina? Alam k--"

"Pag hindi ko ginawa yun, hahayaan ni Lady Q ang lahat ng organisasyon para gamitin si Ashe laban satin"

Kung hindi pinatay ni Aizen ang mga yun ay patuloy pa rin silang gagawa ng ikahuhulog ni Ashe sa patibong at ikagugulo namin.

"Paano mo nalaman na hindi siya buntis?!" Oo nga e. Yun ang gusto kong unang tanungin e!

"I tricked them to stop their plans. But, they have a back up plan. I still dont know what"

Hays. Pag matalino ka nga naman. Taon bago namin maisip si Aizen tatlong araw lang hays.

"Whats your plan then?"

"Remove the heart of their reign"

Ashe's POV

Nasa dorm ako ngayon at kasama ko si Jl. Sinamahan niya ako dahil mas gusto niya daw ang mga pagkain sa loob ng dorm ko.

"Natakot talaga ako kanina dahil hindi ko rin kilala kung paano magalit si Aizen"

Hindi pa rin ako tumitigil sa pag iyak dahil natakot talaga ako sakaniya kanina.

"Alam mo? Ang hirap din ipaliwanag ni Aizen. Nakakapaso ang pagiging matalino niya at nakakahiwa naman ang pagiging kalmado niya. Kaya mahirap malaman kung saan ka dun mauunang mamatay"

Pati ang mismong kanang kamay niya ay hindi siya kilala. Ibig sabihin ay isa siyang taong puno ng lihim.

Pero, bakit hindi ko kayang magalit aky Aizen?

"Jl, ilang taon na ba kayong magkakilala ni Aizen?"

"Tatlo na rin. Mula pa sa dati naming school. Pero ganiyan na talaga siya. Wala naman siyang pinagbago. Dati na siyang blangko"

Si daddy? Ano bang nagawa niya para magalit si Aizen sakaniya ng ganito?

"Basta ngayong wala ka na sa lugar ni Aizen, wag ka masyadong mahihimbing matulog. Delikado ang lugar na to para sa mahihinang kagaya mo"

Alam kong mahina pa ako. Kaya kung minsan ay hindi ko maiwasang mainggit sa mga malalakas at matatapang na tao.

"Hindi naman hinihingi ang lakas at tapang. Nilalabas yun"

Umalis na siya at iniwanan nanaman ako ng palaisipan.

Paano? Paano ko magagawang ilabas ang tunay na lakas at tapang ko?

Narinig kong may nagdoorbell at si Kc ang nakita ko.

"Bakit Kc?"

"Ngayon ang tradisyon bakit hindi ka pa naghahanda?"

"Ha?! Anong tradisyon nanaman ba?"

Hindi ko na talaga alam ang nangyayari sa paligid.

"Hays. May isang oras pa naman e. Pwede pa akong magkape"

Pumunta siya sa kusina at nagtimpla sa dalawang cup.

"Magkape ka"

"Hindi ak--"

"Hindi ka umiinom ng kape? Kaya ka pala pabebe" nilagok na niya ang kape niya na paramg milkshake lang "Inumi mo yan. Mapupuyat ka ngayon. Wag ka mag alala hindi kita balak lasunin"

Napangiti ako dahil sa pagiging prangka ni Kc. Kahit kailan ay ganun talaga siya kaya hindi siya nakakatakot kasama at pagkatiwalaan.

"Makakakita nanaman tayo ng madugong laban"

"Madugo?"

"Hindi pa nagsisimula ang gyera ay nakakaamoy na ko ng ibat ibang kamatayan"

"Ano ba Kc! Nakakatakot ka naman!"

"Tss. Pabebe. Darating din ang panahon at hindi ka na matatakot kay Kamatayan. Lalo nat nakikipaglaro nalang tayo sakaniya"
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon