"Kamatayan kunin mo na ako"
--Si Master ang nasa harap ko ngayon. Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito pero alam kong baka nag aantay na sa tabi ko si Kamatayan.
"Kumusta ka Blue?"
Ang sakit ng sikmura ko. Sana hindi na ako gumising. Sana hindi na ako nagising. Sa sobrang sakit ng mga paso at sugat ko ay parang mas umaga ang impyerno ko.
"Ibigay niyo sakin ang blade na hinahanap ko"
Tss. Babalatan niya ata ako ng buhay.
Nakagapos ako gamit ang mga nagbabagang bakal na posas. Tangina. Kamatayan, kunin mo na ako.
"Alam mo bang sa lahat ng naglingkod sa akin, ikaw ang pinaka hindi ko naisip na magtatraydor sa akin? Kaya hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko na ipinagkatiwala ko ang lahat sayo Blue"
"AAAAAAAAHHHHH!!!!!" Tangina ang sakit. Ang sakit na unti unti niyang nilalaslas ang balat ko sa braso. Buong lakas akong sumigaw ng sumigaw at tanging mga kagrupo ko lang ang nakakarinig habang malakas na tumatawa sila.
"Napaisip tuloy ako kung ano nga ba ang meron sa babaeng yun para gawin niyo ang lahat para sakaniya? Gusto ko talagang malaman"
Hawak ni Master si Mama. Hawak niya ang babaeng pinaka iningatan ko rin.
"Patayin moko Master. Pahirapan moko pero huwag ang nanay ko"
"Hindi ko siya ginagalaw dahil may ipapagawa pa ako sayo"
Nakahinga ako ng maluwag nung marinig ko iyon. Alam kong totoo ang sinasabi niyang hindi niya gagalawin si mama habang may pinapagawa siya sakin.
"Sa totoo lang, naisahan ako ng General mo dahil nakuha niya sakin ang nanay mo noon, pero nakuha ko rin naman agad. Salamat sayo Blue sa impormasyon"
Anong ibig niyang sabihin?
"Anong ibig mong sabihin?"
"Hahahaha! Nung panahon na sinabi ni General mo na nasakaniya ang nanay mo, totoo iyon. Pero dahil nalaman ko ang dorm niya dahil sa sketch na ginawa mo, nakuha ko uli ang pinakamamahal mong nanay"
Ako? Ako ang may kasalanan kung bakit hawak pa rin ni Master ngayon si mama! Tangina! Buong akala ko si General ang nagtraydor sakin. Si General ang lumoko sakin pero ang taong ito pala ang may gawa ng lahat ng ito.
"Huwag, huwag mo siyang saktan Master nag mamakaawa ako"
"Basta siguraduhin mong wala akong masasabi sa susunod na ipapagawa ko sayo. Ikaw lang ang bibigyan ko ng second chance dahil sobrang paborito kita. At gusto kong mapatunayan mo ang sarili mo Blue. Is that okay?"
Tumango ako sakaniya. Lasang lasa ko ang malansang amoy ng dugo. Shit.
"Anong ipapagawa mo sakin?"
"Well, handa naman na ang mga drugs na sinabi kong ibigay mo kila Jiro at Yohann diba? Ikaw lang ang makakapagbigay nun sakanila. Masyadong maingay si Yohann kaya kung ikaw ay mas mapapadali. Bago ang tradisyon gusto kong matapos mo na ang pinapagawa ko. Your mom is at risk, always remember that"
"AAAAAAAAHHH!!!!" Tinanggal niya ang kapiraso ng balat ko gamit ang blade at nagpaalala pa.
"Hindi moko maloloko Blue. Alam ko kung anong drug ang ibinigay ko. Hindi mo alam ang maidudulot nun kaya hindi moko magagawang lokohin kung naibigay mo na nga ba o hindi"
Umalis siya na humahalakhak.
Patawarin niyo ako pero wala akong magagawa kundi gawin yun.
Jiro's POV
![](https://img.wattpad.com/cover/141839462-288-k608938.jpg)
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Mystery / ThrillerThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...